Zein's Point of View:
"Happy 19th birthday, Zein!"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga kaibigan ko sa harap ng aming bahay. Napatingin ako sa orasan at nakitang maaga pa. Wala naman kaming pasok dahil wala kaming prof sa ilang subject at wala ring gagawin.
"Pumunta pa talaga kayo dito!" Natawa ako at napailing. Napatingin ako kay Cielo. "Ikaw na naman may pasimuno nito 'no?"
Ngumisi si Cielo. "Sino pa ba? Tsaka importante 'tong birthday mo 'no! Pagkatapos ng birthday mo eh, birthday ko na rin naman. March babies!"
Ilang linggo na nga ang dumaan at hindi ko kinakausap si Kent. Una, galit ako dahil sa ginawa niya sa lalaki. Pangalawa, takot ako sa mga pwede pang mangyari lalo pa't alam kong may kakaiba sa akin. Pangatlo, ayoko kong ma-involve sa tunay na pagkatao ni Kent. Dumagdag pa sa isipin ko kung paano ako makakabawi sa lalaki na binugbog ni Kent.
"Tita, good morning! Pasensya na po at nabulabog na kami agad ang bahay niyo," sabi ni Berna.
Natawa si mama. "Okay lang. Tama nga lang ang dating niyo dito dahil nagluto ako ng pagkain. Balak ko sana na hapon ganapin ang birthday ni Zein pero sige, kumain kayo diyan."
Natawa si Cielo. "Nandito rin naman po kami hanggang gabi."
Sa araw na rin na 'yon ay dumating ang mga hindi ko inaasahan na bisita. Dumating sila Natasha at ang mga pinsan nito na may dalang regalo. Napalunok ako dahil agaw pansin talaga silang lahat dahil nakakagulat nga naman na nandito ang mayaman na anak ng mga kilalang tao sa bansa. Tumawa ako at nakipag beso kay Reina.
"Happy birthday, Zein! Late ba kami?" tanong ni Reina.
Natawa ako. "Hindi naman. Sakto ang punta niyo dito."
"Akala ko late na kami. Tagal kasi nito ni Kent pumili ng regalo!" reklamo ni Wade habang naka-akbay kay Natasha. "Happy birthday, Zein. Regalo namin ni Natasha para sa 'yo."
Hinatid ko silang lahat sa mahabang lamesa sa labas. Napangiti ako dahil hindi ko inaasahan na marami akong bisita. Tinignan ko si Kent na seryosong nakatingin sa akin. Nagtaas ako ng kilay at naalala na naman ang kasalanan niya. Nag-sorry na kaya s'ya? Malamang hindi pa, hindi s'ya marunong non.
"Oh, diyan lang kayo, ah? Ilalabas ko na rin ang mga pagkain," sabi ni mama nang makitang marami ng bisita.
Ngumiti ako at literal na masaya ako dahil sa birthday ko. Nakipagtawanan ako sa mga Martinez at mga kaibigan nila kasama si Cielo. Nilabas agad ni mama ang mga pagkain at ayon na naman ang maingay na mga Martinez.
"Kent, ano ba 'yan!" Natatawang sabi ni Roswell. "Wala man lang bati kay tito at tita?"
"Tss. Kilala na nila ako." Umirap si Kent pero ngumiti kay papa na tumango sa kanya. "Ingay mo."

BINABASA MO ANG
Mafia Series 2: Taming The Heir (UNDER REVISION)
ActionZein Ashley Salvador is a hardworking, talented, and competitive woman with a strong sense of self-worth. She was happy growing up with a complete family, but she became a target of bullying due to her imperfections. Her body is chubby, but she is s...