Chapter 4

6.1K 167 0
                                    

Zein's Point of View:


Muntik na akong ma-late kanina dahil sa sobrang excited ko ay hindi ako nakatulong ng maayos. Ang dami ko kasing iniisip kaya anong oras na ako nakatulog nang maayos. Sobrang lawak ng school at may apat na malaking building, may sarili ring locker, at malawak rin ang library.


Napawi lang ang mangha ko nang mapagtanto na hindi talaga ako bagay sa eskwelahan na 'to. Bukod sa big deal sa kanila ang estado ng isang tao sa buhay, big deal rin sa kanila ang pisikal na kaanyuan ng bawat estudyante kasi nga you kailangan araw-araw kang represantable. They will look at you from head to toe and laughed kaya hindi ako komportable. Hindi ko na lang pinapansin dahil isa lang ang rason kung bakit ako nandito, ang maka-graduate sa college. 


"Transferee?" 


Napatingin ako sa labas ng classroom nang makita ang pamilyar na mukha.


"Introduce yourself," aniya. 


Pumunta 'yung lalaking moreno pero malakas ang dating sa unahan. He smirked kaya narinig ko ang tilian ng mga kaklase ko. Hindi na bago dahil gwapo nga naman 'yung lalaki.


"Jaques Martinez, 21." 


"Hi, Rosalinda Imperial, 17." 


"Natasha Veronica Martinez, 19." 


Dahil katabi ko ang tatlong bakanteng upuan sa fourth row ay doon sila pumunta. Napasinghap ako nang umupo si Natasha sa dulo, sa sliding window habang si Rosalinda ay nasa gilid ko. Si Jaques ay nasa gilid ni Rosalinda. Napalunok ako at kinalma ang sarili ko dahil nasa gitna nila akong tatlo.  


"I'm Mrs. Alonzo, for those students who don't know me yet. So, I'll be your advisor the whole year. I have my rules here in my classroom. Pass your requirements on time; there's no need to be late. As soon as possible, you should be able to pass on what you're doing." She said that and looked around. "I want you to know personally, so write here in the index card your surname, first name, and middle initial, and from there, I will put your grades." 


Tahimik akong kumuha ng ballpen sa bag ko. Everyone is watching me because all I can see is the hatred, jealousy, and disgust on their face na hindi ko alam kung para saan.  


"Hi, you're a transferee?" Nagulat ako nang magtanong si Rosalinda. She smiled at me while holding her pouch.


"Hello... Uh, yes," natataranta na sagot ko.  


"I have known Salvador before. Are you related to them?" tanong niya.


"Sabi ng mama ko marami raw kaming kamag-anak na Salvador. Hindi ko rin alam... Wala rin akong masyadong kilala," nakangiting sagot ko. 


She smiled warmly. "Okay."


Lima kami sa fourth row at nakita ko si Cielo na tensionado rin dahil alam ko ang pakiramdam ng maraming nakatingin. Binigay sa amin ang bawat modules na babasahin at dadalhin namin sa araw-araw. Dahil eight hours kami sa school ay kailangan kong sabihin sa manager namin ang schedule ko para hindi ako mahirapan dahil alas diyes pa lang ay nandito na ako sa school. Maganda ang school, maraming events ngunit magastos kaya naman iniisip ko kung sasali ako sa mga 'yon o hindi.

Mafia Series 2: Taming The Heir (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon