Kent's Point of View:
I'm here in our gym room. I was about to finish and immediately took the towel and wiped my sweat. I'm only wearing my sweatpants, and since today is Saturday, we thought of chilling somewhere else. Jacques planned this, and I can't do anything but say yes to him.
[Handa na ang lahat, Kent. Kayo na lang ang hinihintay ko.] Sabi ni Jaques.
"Yeah, and we will be there. Mas mabuti ngang hintayin mo na lang kami," sagot ko at agad na binaba ang tawag.
I do the alternate dumbbell curl at nang matapos ay huminga ako ng malalim at kinuha ang towel. Bumuntong hininga ako at agad na lumabas ng kwarto. Mabilis akong bumaba habang pinupunasan ko ang pawis ko. I bet Natasha is in the backyard doing her exercise and Stella doing her swimming stunts.
"Sila mommy at daddy?" Tanong ko sa maid nang makababa ako.
"Natutulog pa rin po sila dahil late na rin sila umuwi kagabi," sagot ng maid.
I nodded my head and walked towards the door. Napatingin ako sa gilid nang makalabas ako. I smiled when I saw Cruzette and Jake in the cradle. I watched Natasha rehearsing while Stella just got out of the swimming pool.
"Oh, hi! Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Stella habang suot ang purple na swimsuit.
Tumayo ako at binigay sa kanya ang towel. "Kakagising ko lang. Sinabi na ba sa 'yo na aalis tayo?"
"Thanks, kuya..." Ngumiti si Stella at agad na nilagay sa katawan ang towel. "Kasama sila Drake 'no?"
Nagtaas ako ng kilay. "Are you that close that you're excited to see him?"
Natawa si Stella at naglalambing na yumakap sa akin. "Kuya, I'm a woman now and it's normal to have a... thing with someone." Bumitaw si Stella at kinindatan ako. "We're pretty good."
Napatingin kami kay Natasha dahil sa taas ng talon niya. Sa ibang bansa may kanya-kanya kaming posisyon at at may kanya-kanya rin kaming gamit sa panlaban. Si Natasha, bukod sa pana at palaso, magaling rin s'ya sa kutsilyo. Si Stella na magaling sa espada habang ako, mahilig sa iba't ibang klase ng baril.
"Kuya, towel please..." Mabilis kong kinuha ang towel at agad na inabot sa kanya. "Thanks. Saan tayo pupunta mamaya?" Mabilis na kinuha ni Natasha ang hot chocolate sa tabi ko.
"Akin 'yan eh!" Napasimangot ako nang inumin ni Natasha ang hot chocolate na para sa akin. Tumawa lang s'ya at mas lalong inubos. "Serene Stay Resort."
Umirap ako kay Natasha na mas lumakas ang tawa. Napatingin kami sa dalawa naming kapatid na tumakbo papunta sa akin.
"Kuya Kent, sama kami!' Sigaw ni Cruzette.
"Kids are not allowed to go to that resort, Cruzette." Nagtaas ng kilay si Natasha at tinignan ang bunso namin na ngumuso kaagad. "At... magagalit si mommy kapag nalaman niyang sumama kayo."

BINABASA MO ANG
Mafia Series 2: Taming The Heir (UNDER REVISION)
ActionZein Ashley Salvador is a hardworking, talented, and competitive woman with a strong sense of self-worth. She was happy growing up with a complete family, but she became a target of bullying due to her imperfections. Her body is chubby, but she is s...