Kent's Point of View:
After class we go out. Pagod na pagod pa ako sa byahe namin dahil kaninang madaling araw lang kami nakauwi at lahat kami ay wala pang tulog. Sinuklay ko ang magulo kong buhok at agad na lumakad papunta sa classroom ni Natasha.
"Oh, ayan na pala." Umayos ng tayo si Jethro ng makita si Natasha.
Napatingin naman ako doon at kakatapos lang rin ng klase niya. Tinignan ko kaagad si Wade na umayos ng tayo at mabilis na pinuntahan ang kapatid ko. Napailing ako at mabilis na sumunod.
"Baby!" Kumaway si Wade at kinuha ang bag ng kapatid ko. "Kumusta? Gutom ka na ba?"
"H-Hindi pa naman. Tapos na rin ang klase niyo?" tanong ni Natasha.
Tumango kaming lahat at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa ibaba ngunit ang mga mata ko ay napatingin sa quadrangle ng campus. Kusang nahati ang mga estudyante nang dumaan ako at doon, nakita ko si Zein. She's lying on the ground and her head is bleeding. Nanlaki ang mga mata ko at hinubad ang blazer ko at tumakbo.
"Z-Zein!" Nilapag ko kaagad ang blazer ko sa hita niya "Anong nangyari? Bakit kayo nakatunganga lang diyan?" Tinignan ko si Clyde. "Clyde, hanapin mo ang gumawa nito kay Zein. You know what to do."
"Okay."
Kaagad kong binuhat si Zein. Maputla at walang malay. Mabilis akong naglakad papunta sa clinic at ngayon lang ako nakaramdam ng pag-aalala. Huminga ako ng malalim at mabilis na binuksan ni Cielo ang pinto tsaka ko marahan na nilapag si Zein sa kama.
"Grabe talaga mga estudyante dito! Kanina pa ako sumisigaw tapos inuna pa nila mag-video? Like, hello? Unconscious na 'yung tao?" galit na sabi ni Cielo.
"Did you see what happened?" tanong ni Natasha. Sa gilid niya si Wade na dala ang bag ko. "Kayong dalawa lang naman ang nandoon kaya... alam mo ang nangyari."
Kumunot ang noo ni Cielo. "Ang alam ko lang may mga naglalaro ng sepak takraw at may mga bola kanina. H-Hindi ko nakita dahil... may tinignan rin ako. It was too fast, Natasha."
I looked at Nurse Jane who was treating Zein's wound. Inayos ko ang buhok ni Zein habang nasa balikat ko ang bag niya. Nang matapos gamutin ng nurse ay maingat kong s'yang binuhat kaya nagtataka na napatingin sa akin si Natasha.
"Dadalhin ko sa dorm ko sa rooftop." Maingat kong tinakpan ang hita ni Zein. "Tell the teachers that she's here."
"Okay." Ngumisi si Natasha. "Alam ko naman na magtatagal ka pa kaya... ako na ang bahala." Tinapik niya pa ang balikat ko at ngumiti nang matamis.
"Come on, Natasha. Get out of my way!" Umirap ako at naunang lumabas.
Natawa si Natasha. "What? Did I say something wrong?"
Nakarating kami sa rooftop kung nasaan ang dorm namin. Huminga ako ng malalim at maingat na nilapag si Zein sa malambot na kama. Pinakatitigan ko si Zein at napalunok. She has beautiful eyelashes and brows, a heart shaped face, pink cheeks, and her pink lips. Nag-iwas ako ng tingin dahil aaminin kong maganda nga talaga si Zein. Maldita pero kung makakasama mo ay mabait naman pero ewan ko ba sa babaeng 'to, laging pasaway. Tinignan ko ulit s'ya at nakitang mahimbing ang tulog niya kaya napangiti ako.

BINABASA MO ANG
Mafia Series 2: Taming The Heir (UNDER REVISION)
ActionZein Ashley Salvador is a hardworking, talented, and competitive woman with a strong sense of self-worth. She was happy growing up with a complete family, but she became a target of bullying due to her imperfections. Her body is chubby, but she is s...