Chapter 14

4.8K 162 7
                                    

Zein's Point of View:


Galing ako sa school at nang makauwi ay agad ako nagluto para kila mama at papa dahil mamaya pa ang uwi nila. Hinanda ko na rin ang mga pagkain at mga plato at baso para sa kanila. Bumuntong hininga ako nang matapos. Ang pamilya namin ay may lahing Chinese at sabi ni mama, sa pamilya namin bawal kang ikasal sa hindi Chinese. Kailangan ang magiging asawa mo ay Chinese rin kagaya ng ginawa nila kay mama ngunit si mama, hindi naman sumunod kaya "Salvador" ang apelyido namin. 


Wala na rin kaming balita sa mga magulang ni mama. Ayaw rin naman ni mama na kausapin ang mga magulang niya dahil masama pa rin daw ang loob nito sa kanila. Nang matapos kong ihanda ang lahat ay agad akong umakyat sa itaas para magbihis. Narinig ko na kaagad ang boses ni mama at papa kaya mabilis akong lumabas ng kwarto. 


"Mama, papa!" Nakangiting tawag ko habang bumababa ng hagdan. "Julius!"


Ngumiti si Julius at niyakap ako kaya napangiti na rin ako. Mabilis kong kinuha ang bag ni mama at ang gamit ni papa at nilagay sa upuan.


"Nagluto ka na pala? Dapat hinintay mo na kami. Nag-abala kapa," sabi ni papa. 


"Hindi na po. Mas mabuting kumain na lang po kayo at ako na rin ang nag-asikaso dito. Para kahit paano diretso na kayo sa kwarto," nakangiting sagot ko. 


"Ikaw talaga...pero salamat anak," nakangiting sabi ni papa. Inalalayan niya si mama na umupo. "Tara na, kumain na tayo."


Grade seven na si Julius at nakikita ko na rin ang pagbabago sa kanya, marahil nagbibinata na kaya naman hinahayaan ko s'yang mag-explore habang bata pa. Masaya kaming nag-kwentuhan habang kumakain—madalas na ginagawa namin kapag galing school o trabaho. 


"Bukod po sa mga papeles na kailangan bayaran, wala na po akong kailangan na asikasuhin. At nga po pala, bumili na rin po ako ng mga pagkain natin," nakangiting sabi ko. 


Gulat na napatingin sa akin sila mama at papa kaya natawa ako. 


"Anak? Hindi ba't sobra-sobra na ata ang ginagastos mo para sa amin? Dapat ginagamit mo 'yan sa pag-aaral mo at sa mga kailangan mo," nag-aalala na sabi ni papa. Tumango naman si mama kaya napailing ako.  


"Naku, papa!" Tumawa ako. "Hindi mo na kailangan na mag-alala dahil kaya naman naming dalawa ni mama. Ang dapat nga po sa 'yo, eh, nagpapahinga ka at hindi na nag-ta-trabaho."


"Makinig ka na lang sa anak mo, Albert," nakangising sabi ni mama kaya ngumisi na rin ako. "Malakas pa kaming dalawa eh, ikaw? Kailangan mo na mag-pahinga na lang dito sa bahay natin."


"Malakas pa ako, Zariya. Ginagawa niyo na naman akong—"


Hindi natuloy ni papa ang sasabihin nang may kumatok sa pinto. Tumayo agad si mama para pumunta sa pinto at napasinghap ako nang makita ang mag-asawa na Martinez.   


"Tristan? Napadaan ata kayo dito?" Boses ni mama ang narinig ko. Tinignan nito si Ma'am Cathalina na ngumiti. "Cathalina... dis oras ng gabi, bakit kayo nandito?"

Mafia Series 2: Taming The Heir (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon