Kent's Point of View:
Kagaya ng inaasahan ko, iniiwasan ako ni Zein. I expected that. Ni hindi ko alam anong dahilan o baka naman sa sinabi kong gangster ako? Halos mabaliw ako sa kakaisip kung bakit niya ako iniiwasan? Ni wala s'yang signs and everything.
"Ano? Hindi ka pa rin pinapansin?" tanong ni Jethro.
Umiling ako. "She's avoiding me."
"Eh? Mukhang dapat mo na s'yang kausapin, Kent," sabi ni Wade.
"Paano? Sasabihin ko ba na "Hey, Zein, I'm the mafia prince." Na "Gangster ako, Zein." Ganun ba?" iritadong sagot ko.
I don't know but I'm scared of telling her that I'm dangerous. Natatakot ako na baka isipin niya na mamamatay tao ako—totoo naman. Natatakot lang ako sa magiging reaksyon niya at sa magiging kilos niya kapag sinabi ko. Maayos pa kami nung gabi na hinatid ko s'ya. Napatingin ako kay Zein na naglalakad kaya agad akong pumunta sa gawi niya.
"Zein, can we talk?" tanong ko.
"May klase ako." Malamig ang mga mata niya maging ang boses niya.
"Zein... please?" Hinawakan ko ang braso niya at para s'yang napaso at mabilis na umatras. Napalunok ako. "Zein."
She looked at me coldly. "Leave me alone."
Hindi na ako kumibo at pumunta na lang sa classroom. Lutang ako sa mga dumating na klase. I want so bad to explain to her how my family is or what we are doing. Gusto ko man mag-imbestiga sa buhay ni Zein ay ayaw kong gawin dahil masisira ko ang tiwala niya. Trust. Nakakagulat na nasasabi ko ang bagay na 'yan. When it comes to Zein, laging ako may bagong pananaw.
"Wala pa rin?" tanong ni Natasha.
Bumuntong hininga ako at naglakad. "Ayaw niya pa rin akong kausapin."
"Bakit apektado ka? I thought... wala lang sa 'yo si Zein?" Kumunot ang noo ni Shane. "Ilang araw ka ng ganyan, Kent. Baka makaapekto sa pag-aaral mo."
Natigilan ako. Ilang linggo na nga akong ganto. Mahirap ang college pero mas mahirap pala kapag iniiwasan ka ni Zein at hindi man lang kinakausap. Tinignan ko ang mga pinsan ko at napaupo sa bench chair sa ilalim ng puno.
"It doesn't matter, Shane. Gusto ko lang na kausapin niya ako," mahinahon na sabi ko.
Tinapik ni Roswell ang balikat ko. "Kakausapin ka rin non. Naalala mo ba? Umiiyak s'ya nung nakita ka niyang nakikipag laban doon sa mga lalaki na hindi niya kilala."
"Huh?" Nagtataka kong tinignan si Rosewell. "She cried?"
Tumango si Jaques. "Oo, gusto ka nga niyang hilain mabuti at katabi niya sila Kuya Archiel."
Natigilan ako at napatingin kay Jaques. She cried? Ngumuso ako para pigilan ang ngiti. Narinig ko ang tawa ni Shane sa gilid ko kaya napailing ako. Tinignan ko ang field at nakita ang mga naglalaro ng soccer at sepak takraw. Humalukipkip ako at naalala na hindi pa pala alam ni Zein ang ginawa ko sa lalaking bumato sa kanya ng bola. Sadya man o hindi. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko dahil hindi ako mapakali.

BINABASA MO ANG
Mafia Series 2: Taming The Heir (UNDER REVISION)
ActionZein Ashley Salvador is a hardworking, talented, and competitive woman with a strong sense of self-worth. She was happy growing up with a complete family, but she became a target of bullying due to her imperfections. Her body is chubby, but she is s...