Buddies Attack Combo

5K 65 1
                                    

Chapter 5: Buddies Attack Combo

Halos one week na rin kaming lumalabas ni Miko. Papasyal pasyal lang, pa dinner dinner. Pero wala pa rin syang tinatanong tungkol sa status ng aming relationship. I’m waiting for him to tell me na gusto nyang makipagbalikan. Iyon kasi ang hudyat ng susunod naming move.

So, habang wala pa yung magic word na mangagaling sa kanya. I’m working on a pre-requisite plan. Pre-requisite plan is like the condition or yung preparation plan para ma-accomplish yung Mission 2 namin.

So, eto ako ngayon sa resthouse ni Jonas sa Batangas. Megan asked Jonas if we could stay there for a week. Sinabi nya na wala lang kaming mapagbakasyunan. And guess what? Jonas whole-heartedly accepted us in OPEN ARMS. Haha! What a jerk. Magkaibigan nga kayo ni Miko, at least for NOW.

“I’m so grateful na tinanggap mo kami dito Jonas. Ang ganda ganda ganda dito. Sobra.”---me

I’m wearing my short shorts and my super cute t-shirt.

Nakaupo kami ni Jonas sa tabing dagat.

“Wala yun. Palagi naman kayong welcome dito. Lalo ka na.”---Jonas

“Nakakahiya naman kasi sayo. Baka isipin mo inaabuso namin ang kabaitan mo.”

“Para naman tayong walang pinagsamahan nyan. Ayos lang. Wag kang mahiya kung gusto mong magbakasyon dito. Magsabi ka lang sa akin.”---Jonas

Wala talaga tayong pinagsamahan gago!

“Salamat.”---me

Humiga ako sa nakalatag na towel sa buhangin. Tapos pumikit ako.

Sina Megan? Andyan lang yan sa tabi-tabi. Nagmamasid. May task kasi sila eh kaya hinayaan nila akong mag isa dito.

...........................................................

“You really are beautiful.”

Napamulat ako at nakita ko si Jonas na nakatitig sa akin.

Umupo na ulit ako. Then ngumiti ako.

“ Bolero.”

“No, really. Napakaganda mo. Hindi ko maintindihan si miko kung bakit ka pa nya pinakawalan.”

Really? E diba isa ka sa dahilan kung bakit nagulo ang relasyon namin ni Miko.

“Tss. I thought you don’t want me for your bud.”---me with a smirk on my face

“HA?  hindi. Nagkakamali ka. I really like you from the first time na pinakilala ka ni Miko. Sa totoo lang gustong gusto kita para sa kanya. Sayang nga lang at pinakawalan ka pa nya. Kung ako lang, siguro hindi kita paiiyakin.”---Jonas

Bullshit! Puro bullshit ang naririnig ko sa Jonas na ito. Lalo lang akong nasusuklam sa pagmumukha nya.

“Talaga? Hindi mo ako sasaktan?”---me

“Never.”

“Sayang. Kung kagaya ka lang nya.”---me

Lumapad lalo ang ngiti nya. Tang@ binobola lang kita, naniwala ka naman. Hmp!

Sige magpadala ka pa sa pangbibilog ko sayo. Mwahahahaha!

9:57 pm...

Nasa kwarto na ako ng resthouse. Maaga siguro akong matutulog ngayon. Ilang gabi na rin akong napupuyat dahil sa night swimming namin. Nag aayos na ako ng kama ko nang...

*beep*

1 Message Received

From: Miko

Good evening Maria.

The ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon