Secrets

2.6K 46 2
                                    

Chapter 23: Secrets

Kami na nga ulit ni Miko...

Alang alang sa mommy nya...

Iniwan ko si Jake.

Ang mga ginagawa ni Jake sa akin noon...

Si Miko na ang gumagawa ngayon...

Pero iba pa rin...

Dahil hindi sya ang Pooh ko.

Ngayon...narito ako sa bahay...

Naghihintay ng sundo...

“Divina...”

Dumating na si Miko.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

“Ako na ang magdadala ng gamit mo.”sabi ni Miko habang kinukuha ang bag ko.

“Ako na.”

Sabi ko. Umiwas ako sa kanya.

Sumakay na lang ako ng kotse.

Sumakay din sya.

“Divina...sabay na tayong mag lunch mamaya.”---Miko

“Hindi na. Kasama ko si Kylie.”

“Sige. Ihahatid na lang kita mamaya pag uwi.”---Miko

“Miko ano ba! Hindi mo kailangang umarte ngayon! Wala naman ang mommy mo. You listen and listen good! Hindi ko ito ginagawa para sayo, I’m doing this for your mom! At sa totoo lang, kundi dahil sa mommy mo, hinding hindi na ako babalik sayo!”

Natahimik sya.

Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko.

Galit ako sa kanya.

Galit ako dahil pinahihirapan nya ako!

“Naiintindihan ko. Hayaan mo. Limang buwan lang...pagkatapos non, kanyang kanya ka na.” Sabi ni Miko. Malungkot sya.

“Hindi na mangyayari yon! Alam mo kung bakit?!! Ha?! Dahil aalis na sya! Aalis na ang taong mahal ko! At dahil sayo, hindi ko na sya makakasama sa huling buwan nya dito sa Pilipinas!”

“Mahal mo ba talaga sya?”

“OO! Sya at sya lang ang mahal ko! Hindi katulad mo! Walang kwenta.”

Nakita kong napapikit sya sa sinabi ko.

Nakarating kami sa scholl nang hindi nag iimikan.

Pag park nya...bumaba na ako at pumunta sa room ko.

Pag akyat ko, sinalubong agad ako ni JAM.

“Sis! What happened? Nabalitaan kong....”

“Wala na kami ni Jake.” Tuloy ko.

“Ah...nasabi nga nya. Anong...anong nangyari?”

“Kami na ni Miko.”

“Ha?? Teka. Time out. Anong nangyari?”---Jam

“Wala na kami ni Jake at kami na ni Miko. Yun yun!”sabay walk out.

The ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon