Sugar AND Spice

3K 51 6
                                    

Chapter 17: Sugar and Spice

I can still feel his lips against mine. And it’s driving me crazy. Ni hindi ko alam kung ano kami. Are we or are we not? Naramdaman mo na ba yung mag intay sa taong hindi mo alam kung dadating? Yung parang gusto mong isipin na magiging kayo, yung masaya ka, nae excite ka, kinikilig kang isipin na baka mahal ka nya. And then bigla mo na lang maiisip na ‘Wag na lang. Imposible. Malabo. Wag ka nang umasa.’

Pinipigilan mo ang sarili mo na ngumiti sa tuwing maiisip mo sya... dahil ayaw mong umasa... dahil baka masaktan ka. Pero deep inside, umaasa ka. Parang may dalawang side sa utak mo na nagtatalo kung ano ang dapat at hindi mo dapat gawin. Tapos marerealize mong naiwan kang nakabitin. Hindi mo lang alam kung bibitaw ka at hahayaan mo ang sarili mong ma-fall sa tao... o kung kakapit ka pa ng mas mahigpit dahil baka hindi ka saluhin ng taong yon.

Kung alam mo ang ganong feeling, iyong iyon ang nararamdaman ko ngayon. I have no clue. Iyan din ang hirap sa magbestfriend na babae’t lalaki. Minsan akala mo friend lang, minsan akala mo biruan lang, iyon pala totohanan na. At mas mahirap kung sa kanya biruan lang samantalang sa iyo totoo na.

Hindi naman maiiwasan ang masaktan di ba? Pero mahirap pa ring sumugal. Gusto ko sanang itanong kay Jake kung ano kami, gusto ko sanang linawin kaso lang natatakot ako. Kaya ko bang tanggapin kung sasabihin nyang walang kami. Paano na lang kung sabihin nyang kaya lang nya ako hinalikan dahil may gusto syang patunayan. Kaya ko kayang ngumiti sa kanya at sabihing I’m so silly! Mabuti na ang malinaw di ba? Well..I’m happy we’re still FRIENDS.

Iyon nga ang mahirap. Hindi ko kaya. Baka sa halip na ngumiti ako, baka umiyak pa ako. At ayoko namang magmukhang desperada sa harap nya. Minsan ko nang nasubukan ang maging desperada noong makiusap ako kay Miko na huwag akong iwan... at walang idinulot na maganda.

Pagkatapos non..isinumpa kong hindi na ako maninikluhod ulit sa lalaki. Hindi na ako iiyak ulit dahil sa kanila, dahil hindi ako papayag na matalo. Tama na siguro ang pagkatalo ko kay Miko, hindi na iyon mauulit pa.

Kahit alam ko sa sarili ko na may nararamdaman ako kay Jake, hindi ako susugal. Kaya siguro, mas pinipili ko nang kumapit ng mahigpit, kaysa bumitaw...

Relationship Status: It’s Complicated

*Knock knock*

“May bisita ka.”---Ate candy

“Who?”

“Megan.”---Ate candz

“Yah...coming.”

Lumabas ako ng kwarto. I saw Megan in my sala.

“Hey...”---Megan  ^__^

“Marami kang ikwekwento..”---Megan

“Hmmm? Like?”---me

“Like your date. And...everything!”

“Oh...”

“So how’s it?”---Megan

“What?”

“Your date! Anong nangyari?”

“Ahm...kumain lang kami. Tapos umuwi na.”

“Yun lang??”

“Hmm. Umuulan kasi kahapon...kaya hindi kami agad nakauwi.”

The ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon