First month

2.7K 37 4
                                    

Chapter 24: Miko

“Mahal kita Maria Divina Mercado. Mahal na mahal.”

Yan ang status ni Miko sa facebook.

Hindi ko kayang mag comment. Kaya ni-like ko na lang.

Baka kasi makita ng mommy nya.

Meron din akong relationship request.

Galing kay Miko.

Pero hindi ko kayang i-accept.

Feeling ko kasi...kapag inaccept ko...nakatali na ako kay Miko forever.

Feeling ko...hindi na ako makakabalik kay Jake.

Pinatay ko ang computer. At saka ako lumabas ng kwarto.

Nakita ko si mommy.

“Oh nak...why so lonely? May LQ ba kayo ni Miko?”---Mommy

“No mom.. We’re perfectly fine.” Sabi ko. Parang tanga lang. We’re PERFECTLY FINE??

“hmmm...napansin ko lang anak na matamlay ka this past few days.”

“Pagod lang po. San nga po pala si Daddy?”

“Ayun sa salas...nanonood.”

“Sige po.”

Pumunta ako sa salas.

Then nakita ko si Daddy...katabi si Miko?

Ano to?

“Dad?”

Lumingon silang dalawa.

“Miko anong ginagawa mo dito?”sabi ko.

“Ipinagpapaalam lang kita sa daddy mo.” Sabi ni Miko.

“Ha? Saan?”

“Kasi isasama sana kita sa bahay ngayon. Gusto ka daw makita ni Mommy.”---Miko

“Sige na anak. Basta uuwi ng maaga ha.”sabi ni Daddy.

“Ah..opo. Magbibihis lang ako.”

Pumasok na ulit ako sa kwarto ko.

Tapos ng jeans na lang ako at simpleng T-shirt.

Then lumabas na ako.

“Mommy! Alis po ako.Bisitahin ko po si Tita Yva.”

“Okay nak.”

Then nagpaalam din ako kay Daddy. Tapos umalis na kami ni Miko.

Nakapantalon si Miko tapos naka polo.

Namamayat na talaga sya.

Siguro stressed sya dahil sa kalagayan ng Mommy nya.

“Pasensya na sa abala ngayon.” Sabi ni Miko.

“Okay lang. Para naman kay tita.”

Tapos hindi na ulit sya nagsalita.

Hanggang sa makarating kami sa  bahay nila.

The ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon