Chapter 9: My Homecoming to Thea
Umalis ako ng hindi nagpaalam sa kanila. I didn’t even bother to text them na paalis ako.
Pupunta ako sa probinsya. Sa bahay ng tita ko. Actually madalas doon ako pumupunta noon, simple lang ang buhay doon, tahimik. Gustong gusto ko don dahil sa bestest bestest cousin ko ever.
Si Thea. Kasing edad ko lang sya, maganda, mabait, masayahin at maingay. Sya yung taong maaasahan mo kahit anong oras. Anak sya ni tita Alley na kapatid naman ni mommy.
Si tita Alley kasi ang guardian ko kapag wala si mommy, parang pangalawang magulang ko na rin ang turing ko sa kanila ni tito Theodore.
Matagal tagal na rin akong hindi nakauwi dito...simula noong...
“EEEECKKKK!!”
Napasigaw ang pasahero ng bus na sinasakyan ko ng biglang nag-break ang bus. Nagtalsikan ang dalang gamit ng katabi ko. Ako naman muntik nang mauntog sa upuan sa harap ko.
“Ano ga yan?! Byaheng langit ata ito ee!”---aleng katabi ko.
Pagtingin ko sa labas ng bintana, nasa terminal na pala kami. Nagtayuan ang mga pasahero at bumaba sa bus.
At last... Nakabalik na rin ako dito sa Batangas.
Isa pang byahe bago makarating sa bahay ng tita ko.
After 30 minutes...
“Titaaaaaaaa!”
“Maria! Naku po ineng kanina ka pa namin iniintay. Kumusta ang byahe?”---Tita Alley
Niyakap nya ako.
“Hehe. Okay naman po. Kumusta na po?”
“Si tito Theo po?”
“Nasa opisina pa. Mamaya pa ang dating nun. Sabi sa akin ay uuwi daw sya ng maaga at magluluto ng paborito mong nilagang baka. Ineng, bakit ga parang namamayat ka ata?”---Tita Alley.
“Wow! Na-miss ko na ang luto ni tito. Wala po kasing kapareho ang luto ni tito. Hehe!”
“Ay halika nga sa loob at makapagkwentuhan tayo. Ay katagal mo nang hindi napunta dito eh. ”
“Oo nga po.”
“Aba ay noong bata ka pa ay palagi kang naririne. Kung narine pa si Thea siguradong matutuwa yun.”
Lumungkot ang mukha ni Tita Alley.
“Naalala ko pa, pag magkasama kayo ni Thea, para kayong magkapatid. Madalas nga kayong mapagkamalang magkapatid eh.”
“Kapag magkasama kami at may nagtanong kung sino ako, palagi nyang sinasabi na kapatid nya ako. Hehe. Malimit din syang manungkit ng palihim ng indian mango kay Mang Tinoy.” Sabi ko habang nangingiti. Kapag naaalala ko yong mga kalokohan nya, natatawa na lang ako. Madalas kaming mahuli ni Mang Tinoy na nanunungkit ng mangga kaya tumatakbo kami ng mabilis dahil siguradong mapapagalitan kami kapag naabutan nya kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/148738-288-k748396.jpg)
BINABASA MO ANG
The Comeback
Teen FictionNagmahal sya pero nasaktan...Binigay nya lahat pero binalewala sya...She honestly loved him but he left her. now she's out for revenge. Watch out and hold tight... She's Baa-ack!