Reminisce the Bitter Memories

6.1K 100 4
                                    

Chapter 3: Reminisce the bitter memories

Late night na kami nakauwi. Hiningi naman ni miko ang number ko. So he deleted it pala after our break up. ERR!

"That was easy. Ang dali natin syang napakagat sa trap. I guess mas magiging madali na ito para sa mga susunod nating moves."---Jam

"Yah. And nakita nyo ba how he check Divine out."---Megan

"Oh boy! I can imagine how sorry he felt sa ginawa nya sayo."---Suzie

"But it's too late to be sorry. The damage has been done. Right?"---me

I walked to my room. Parang ang sakit pa rin pag naaalala ko ang nangyari. Minahal ko si Miko. Kaso binale wala nya ako. Naging kami noong nasa fourth year high school kami. Sa totoo lang matagal ko na syang crush noon. Simula ata first year high school ay hinahangaan ko na sya. I'm just a simple and ordinary student. Hindi ako popular sa school. Then nung third year nakilala ko sina JAM at Kylie. We became friends. Sila nga ang nagturo ng kung anu anong kaartehan sa akin. They were famous sa school kasi magaganda sila. Pero ako, nanatili akong commoner. Then at fourth year hs, naging seatmate ko si Miko. Then madalas na kami magkausap. Miko was a band member sa school namin, guitarist/vocalist. Oh yeah! He's famous.Then March, that was already our start of practices para sa graduation, he finally said he likes me then he asked me if i could be his girl. At syempre i said yes. Feeling ko ng mga oras na yon, lahat ng parte ng katawan ko kinikilig. As in Kilig to the bone marrow talaga. What do you expect? Four years kong sinusulyap sulyapan lang then all of a sudden sinabi sa aking gusto nya akong maging gf. Kaya ayun nadala agad ako.

Megan said na baka daw niloloko nya lang ako. They always remind me na magdahan dahan. Pero nung maging kami, tahasan nilang sinabi na sasaktan lang ako ni Miko. Of course nagalit ako. Kasi masayang masaya ako noon. Nung ibinalita ko sa kanila na kami na, akala ko magtitiwala na sila kay Miko. Kasi before, palagi nilang sinasabi na pinapaasa lang ako ni Miko. Astig no. Ako pa ang pinapaasa e ako ang babae.

Dumating yung point na nagalit ako sa mga kaibigan ko dahil pinaglalaban ko sya. As in, nag away kami. Not naman a catfight pero nagsisigawan kami noon. I even told them na they are just jealous of me kasi ako ang girlfriend ng famous dude in school. Halos one month kaming hindi nagpapansinan.

Pero thank God naayos din kami. Pero sila yung unang lumapit. Hindi nila ako kayang iwan kay Miko. After that, hindi na sila nag oopen ng topic tungkol kay Miko pero they made it clear na babantayan nila ako dahil ayaw nila kay miko for me.

Noong una, naging maayos naman kami ni miko. Hindi kami nagkikita noon. Kasi di ba vacation na yun. Hindi naman sya nagyayaya ng date sa akin and of course i never asked him to take me out. I never make demands. Basta kung anong gusto nya, sinusunod ko lang. Ganoon ko sya kamahal. Sa buong vacation, we only meet thrice. The first time, kuhanan ng card sa school. After naming kumuha ng card, dinala nya ako sa Mcdo para kumain then pumunta kami sa isang jamming place with his friends. Nag jamming sila at ako naman nanonood lang. That time, nagdadasal ako na sana tumugtog sya ng song na dedicated for me. Pero di na nya nagawa. He said it's gay.

So yun, we entered college at pareho kami ng school. Doon ko din nakilala sina Suzie at Megan.

The ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon