Resume of Classes...Wew!

3.2K 37 5
                                    

Chapter 12: Resume of Classes...Wew

Halos isang buwan din ako sa Batangas, halos isang buwan din akong nakalimot. Halos isang buwan din akong naging masaya. Pero ngayon, halos maiyak ako sa lungkot. Aalis na ako, babalik na ulit ako sa mundo ko. Kahit ayaw ko, kailangan ko ng umalis. Tapos na kasi ang summer vacation namin, pasukan na ulit at second year college na ako.

Ilang oras din ang byahe at nakarating na ako sa bahay. Wala na naman akong kasama doon kundi si ate candy. Haaay buti sana kung kaya kong sakyan ang trip ng kasambahay namin, kaso hindi ee.

Natulog muna ako pagkarating sa bahay.

Nang magising ako, 7 na ng gabi. Bumaba ako at nagpahain ng hapunan. My gaaad! Mag isa na naman akong kakain, hindi kasi kumakain si ate candy, diet daw sya.

Parang hindi na ako sanay, isang buwan lang naman ako doon sa probinsya pero parang ang tagal kong tumira don. Waaah! Na mimiss ko sila!  TToTT

*Perfect two*

Calling...

SWEET_Suzie

“Yep?”---me

“Where are you?”---Suzie

“Sa bahay.”

“Kailan pa?”

“Kanina lang?”

“Saan ka ba nanggaling? Hindi ka man lang nagpaalam sa amin nung umalis ka. Hmp?”

“Wala. May dinalaw lang. Pasensya na biglaan kasi ee.”

“Hmp! You gotta make it up to us. Hindi ka man lang nagtetext o tumatawag. Ni ha ni ho walang reply. Nagtatampo talaga ako.”

“Okay. Babawi ako. Sorry ulit”

“Hmp? Sige na nga. But you have to call Megan and JAM din. They are sooo worried.”

“Okay.”

“Sige. Pahinga ka na, I know you’re tired. Nyties!! Mwah!”

“Nyt.”

Call ended.

Ang hirap naman. Ang hirap umarte na okay ka lang at wala kang problema sa mga kaibigan mo lalo na kung sila mismo ang problema mo. Magulo ba? Kasi naman ee, magulo din sila. Hindi ko na kasi alam kung kanino ako magtitiwala. Paano kung alam nila na may something between JAM and my oh-so-dashing ex na si miko? At hindi lang nila sinasabi sa akin dahil mas kinampihan nila si JAM over me, which so unfair dahil ako ang inagawan.

Sige nga? How can I act as if nothing happened while I’m hurting inside?

Ngayon, I’m totally lost. Hindi ko alam kung itutuloy ko ang revenge ko o hindi na. Kung hahayaan ko na lang sila o isasabotage ko sila. At kung ituloy ko nga, kaya ko bang magtiwala sa iba kong kaibigan o sasarilinin ko na lang ang mga plano ko.

At ang tanong pa, kaya ko bang tumagal ng walang pinagkakatiwalaang kaibigan?

Parang hindi ko yata kaya.

Waahhh! Am I cursed or what? Bakit ang malas malas malas malas ko!

-.-

The ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon