Sino yun?
Ito lamang ang nasa isip ko.
Bakit?
Nakita ko si Delia. Ang AKING Delia may kayakap na lalaki. Natulala lang ako.
"Grrr.."
"Ack! Dude naman!"
Sino nagsabi nun? My other bestfriend na si King Shawn. Magaling din yan maglaro ng basketball. Marunong pa nga yan magpiano at kumanta eh. Multitalented.
"Aray!"
Iyan ang sinigaw ko, dahil sinampal ako bigla ni King. Sumigaw ako sa kanya, "Ano ba!? Bakit mo ko sinampal pre?!" Sumagot siya na nakasimangot, "Bakit? Hawak mo ang shirt ko na hindi ko alam tapos tumayo ako para kumuha ng drink. Edi alam mo na ang nangyari sunod." Nye. Nagawa ko pala iyon, habang nakatingin kay Delia. Nagsorry ako kay King - "Buti nga." - at tinitigan ulit si Delia.
"Erp! Tama na yan tingin tingin! Puntahan mo na siya!"
Tumingin ako kay King at sinabi, "Pre, kasama pa niya yung lalaki. Mamaya na lang uwian. Half-day naman ngayon." Sumagot ng sige si King bago umupo sa tabi ko ulit.
Haaaaaayyy. Delia naman. Bakit mo ako pinagseselos?
----------
*RING*
"Yes! Uwian na!"
"Finally!"
"Makakalaro na ako ng computer!"
"Gusto ko na magpahinga."
"Gala tayo guys!"
Ayan lamang ang naririnig ko sa hallway. Ang ingay nga eh. Sakit sa ulo.
"Uy! Erp! Matt!"
Napatingin ako sa direksyon ng sigaw. Nakita ko si King tumatakbo papunta sa akin at.... mukhang hindi titigil ito.
"KING!"
*CRASH* *BOOM*
Dumeretso si King sa akin at natamaan niya ako kaya nahulog kaming dalawa. Siya ay nakahiga sa tiyan ko, habang ako nakahiga sa sahig. "Tsk. Ansakit naman nun King!" "Sorry na erp! Nagmamadali ako eh. Namiss kita." Bigla nagpuppy eyes naman ito si King sa akin. Nagsweatdrop ako yung tulad sa anime. "Pre. Tama na yan. Pinagtitinginan tayo ng mga tao," sabi ko habang tumitingin sa mga tao na nagbubulungan at tumitingin sa aming dalawa. Hindi naman sumunod si King sa sinabi ko. "Hindi mo ako namimiss...?" Naiiyak si King. Napanganga ako sa kanya. Pinawisan ako bigla. Tumingin ulit ako sa paligid ko.
Bakit? Ang titulo ni King ay "Precious Babe". Malamang gusto protektahan ng mga kaklase namin, dahil sobrang precious ang lalaki na ito.
Madaming tao na tumitingin sa akin ng masama.
Nagsweatdrop na naman ako. Tiningnan ko ng masama si King bago ako magsalita. "Oo na. Oo na. Namiss na kita pre." Ngumiti si King bago ako yakapin. Nag-"awww" ang mga tumitingin sa amin. Pagkatapos noon, bumalik sila sa mga usap-usapan. Tumayo na kaming dalawa. Tumingin ako ng masama kay King, habang siya ay nakangiti. Hinila ko si King sa labas ng school gates. Binatukan ko siya. "Bakit mo yun ginawa?!" Masayang sinagot ni King, "Gusto ko kasi eh!" Naglabas na lang ako ng hininga.
"Uy pre! Si Delia oh!"
Tinuro ni King at tumingin ako. Malamang, nakita ko si Delia. Kausap ang lalaki kayakap niya kanina. Nag-twitch mata ko. Tumingin ako kay King, pero wala na siya. Grrr. King naman eh. Way to leave a bro in need.
"Matt!"
Oh my. Narinig ko ang anghel niyang boses. Napatingin ako kay Delia. Tumatakbo siya papunta sa akin at bigla na lang ako niyakap.
"Delia."
Tumingin siya sa akin at sumagot, "Hm? Matt? Bakit?" Ngumiti ako sa kanya at hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Napatingin sa sahig si Delia sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon, pero nakita ko yung lalaki kayakap niya kanina. Tinitingnan niya ako ng masama.
Grabe. Seloso talaga ang lalaki na ito. Binelatan ko siya. Nagalit ang lalaki at umalis. Sa loob ng isip ko, sinabi ko 'YES!'. Tumingin ulit ako kay Delia na nakatingin pa rin sa sahig. Tinaas ko ang mukha niya. Kitang kita namumula ang pisngi niya. Lumakas tibok ng puso ko sa reaksyon niya. Sinagot ko ang kanyang tanong kanina, "Wala lang. Ang sarap kasi ng yakap mo eh." Nakita ko mas lalo namula si Delia at sumagot, "A-Ah. Ganun ba? Hahaha." Napangiti ako sa kanya at sinabi,
"Tara. Uwi na tayo Delia."
Hinawakan ko kamay niya, sabay hinila siya palabas ng school. Pumunta muna kami sa Dairy Queen na malapit sa Walter High. Napangiti si Delia sa nakita niyang store. Favorite ice cream store niya kasi ang Dairy Queen. Pumasok kami sa loob at pinaupo ko si Delia sa isang vacant na table na may dalawang upuan.
Lumapit ako sa cashier at nag-order ako ng isang Rocky Road at isang Double Dutch na medium. Habang naghihintay sa ice cream, tiningnan ko si Delia. Nakatingin siya sa labas ng bintana. Hindi ko mapigilan na sabihin, "Ang ganda niya talaga. Sana masabi ko ang aking nararamdaman."
"Good luck dude."
"Ha?"
Tumingin ako sa lalaki na nasa cashier at ngumiti siya sa akin, "Narinig kita dude. Hahaha! Kaya mo yan. Mukhang gusto ka din niya. Oh, ito nga pala ang ice cream niyo. Enjoy your date sir!" Namula ako sa hiya. Sinabi ko tuloy ng malakas ang dapat na nasa isip ko lang. Kahit na narinig ako ng cashier, sumagot ako habang tiningnan ang nametag niya, "Thank you... Juan. Pre, I'll do my best to say what I really feel about her at hindi ito date. Hahaha! Nag-promise ako sa kanya na ililibre ko siya ng ice cream ngayon." Nagpaalam ako kay Juan at kinuha ko na ang ice cream namin ni Delia.
Binigay ko kay Delia ang Rocky Road at sa akin ang Double Dutch. Favorite namin kasi ang flavors na ito. Kinain kaagad ni Delia ang ice cream at napangiti sa sarap. "Kyaaa ~ Thank you Matt ah! Tinupad mo talaga ang promise kaninang umaga." Ngumiti ako at sinabi, "Uy! Tinutupad ko talaga mga promises ko noh! Mabait ako na bata!" Tumawa si Delia, "Hahaha! Yup. Mabait ka nga na bata, Matt." Sinabayan ko siya sa kakatawa.
"Sige, ubusin na natin ang ice cream ah. Baka matunaw pa or gusto mo matunaw talaga ang ice cream?," tinanong ko kay Delia. "No! I don't want them to melt. Let's finish the delicious ice cream, okay?" Tumawa ako at sumagot na lang ng 'oo'.
Pagkatapos ang date, este ang friendly date namin ni Delia, nagusap kami tungkol sa school, habang hinahatid ko siya sa kanilang bahay. Pagdating doon, nagpaalam na kaming dalawa sa isa't-isa. Hinintay ko pumasok si Delia sa bahay, bago umalis at umuwi sa aking bahay.
BINABASA MO ANG
Noong Nakita Kita
AdventureAng kwento na ito tungkol sa dalawang best friends, Delia Ashton at Matt Francisco. Si Delia ay isang magaling na singer, mabait at tahimik na babae at si Matt naman ay isang sikat na basketball player at gwapo na lalaki. Si Matt gusto malaman ni De...