Chapter 1

156 4 3
                                    

'Okay. Kaya mo ito Matt. Wag ka matakot. Si Delia lang ito. Hindi isang dragon. Isang inosente siya na babae.'

Hi. This is Matt Francisco. Nagtataka kayo kung bakit ganyan naisip ko.

Bakit?

Gigisingin ko ang dragon este si Delia Ashton. Nandito ako ngayon sa malaking kwarto niya. Sarado ang mga kurtina at patay ang mga ilaw. Si Delia kusang gumigising. Ayaw niya na may iistorbo sa kanyang "beauty sleep". Kaya kapag may nagtakang gisingin siya, nagmumukhang dragon at parang nagbubuga pa ng apoy yung babae na iyon. Naalala ko tuloy yung nangyari isang araw. Pumunta ako sa kwarto ni Delia. May nakalimutan akong libro dahil nag-aral kami dito. Tulog na si Delia nung pumasok ako, kaya dahan dahan akong lumakad. Tapos -

"SQUEAAAAAAAKKK!"

-naapakan ko yung isang maingay na stuff toy. Kinabahan ako bigla. Parang uminit yung kwarto bigla. Tumingin ako kay Delia. Nakaupo na siya sa kama. Ang mahabang buhok niya nakatakip sa kanyang mukha. "Sino ang umiistorbo sa tulog ko?" Natakot ako bigla. Sabi ko kaagad, "Delia! Um, sorry ah. Kasi may... um... naiwan ako sa kwarto mo. Pwede... um... kuhanin ko na kasi... mukhang pagod ka. He...he..."

Tumingin ng masama si Delia sakin. Nakakatakot mukha niya. Paano naman mukhang white lady ang babae na ito! Waaaah! Lord, wag niyo po muna ako kunin! Hindi ko pa nasasabi kay Delia ang gusto ko sabihin sa kanya! Sumagot si Delia, "GET OUT." Waaaah! Parang nakita ko bumuga siya ng apoy. "Ah! Sige! Um, bukas ko na lang kuhanin! Hehe. Um... Bye Delia!" Tumakbo ako palabas sa dungeon ng dragon.

Sinarado ko ang pintuan at nakita ko lahat ng maids at si Baron sa labas. Nanginginig sa takot. Sabi ni Baron sa akin, "Sir Matt, buti nakalabas kayo ng buhay. Nakakatakot si Lady Delia noh?" Sinabi ko na lang, "Opo, nakakatakot nga. Para siyang dragon."

Kaya dapat nagiingat ka kay Delia kapag iniistorbo siya. Eh, mukhang mangyayari na naman ang pangyayari na iyon. Waaaahh! Lord, tulungan niyo po ako! Kailangan ko na siya gisingin kasi baka malate kami sa klase. Ipinagdadasal ako nila Baron at ng mga maids sa labas. Sana sila na lang ang nandito hindi ako! Pero handa ako ngayon. May dala akong chocolate. Ito lamang ang nagpapakalma kay Delia tuwing umaga. Nasa tapat na ako ng kama ni Delia. Cute niya kapag natutulog. Sinampal ko ang sarili ko. Matt! Focus sa goal! Hinawakan ko si Delia sa braso. Dahan dahan ko siyang ginalaw. "Delia. Gising na. Malalate tayo sa school."

Waaahh! May humawak bigla sa kamay ko! Nakita ko si Delia nakatingin sa akin. Grabe! Gusto ko mag-back out! Still, I have to be strong. Lumunok ako. Pinakita ko kay Delia ang chocolate. "Delia. May chocolate ako. Be a good girl at bitawan mo na ako." Napatingin si Delia sakin at sa chocolate. Kinabahan ako bigla. Wala kumibo ng isang minuto. Nagsalita biglaan si Delia.

"KYAAAAAA ~! CHOCOLATE!"

Kinuha niya ang chocolate at kinain ito kaagad. Binitawan na niya din ang kamay ko. Phew! Thank you Lord! Nag-clap ng kamay si Delia. Biglang bumukas ang ilaw. "Hi Matt! Bakit ka nandito?" Ngumiti lang si Delia sakin. Nakita ko na madumi ang kanyang bibig. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan agad ang bibig niya. Nagulat si Delia sa ginawa ko at namula kaagad ang pisngi niya.

TUG TUG TUG!

Waaah! Ingay ng puso ko. Feeling ko namumula na rin ako. "Malalate tayo Delia. Bilisan mo ang 20 minutes na lang bago ang General Assembly sa school." Lumaki mata ni Delia. "MYGOSH! Bakit di mo sinabi kaagad?!" Kumuha si Delia ng damit at tinulak ako palabas ng kwarto. "GET OUT!" Ayan ang sinabi niya sa akin bago niya ako saraduhan ng pintuan. Ngumiti na lang ako. Nakita ko sila Baron at yung mga maids. "Mission Accomplished!," sinabi nila, sabay thumbs-up sila sakin. Napatawa na lang ako sa kanila at naghintay sa living room nila Delia.

"Oh, won't you stay with me? 'Cause you're all I need~"

Ang ingay ni Delia. Grabe. Parang rinig na ata sa labas ng bahay ang boses niya, pero maganda pa rin ang boses. Nakakainlove tuloy. "Hahaha." Tumawa ako bigla. "Ano pinagtatawanan mo diyan, Matt?" Nakita ko si Delia, bihis, nakahawak sa bewang, at nagpuff ng cheeks. Parang chipmunk siya tuloy. "Haha wala po Delia." Sumimangot si Delia. "Hmph! Bahala ka nga diyan baliw!" Umupo siya sa sahig at nagcross ng arms. Nagtatampo na naman siya. "Aww. Delia. Sorry na." Hindi siya umimik sa pwesto niya.

"Delia. Sorry na. Ililibre kita ng ice cream sa school mamaya."

Tumingin siya sa akin. "Ice cream?" Sumagot ako, "Oo, ice cream. Kaya bilis na. Baka malate pa tayo." Tumayo siya kaagad. "Ang bagal mo Matt! Bilis na! 10 minutes na ang nasayang natin!" Kinuha niya kamay ko at hinila ako palabas pero bago yun, nagpaaalam muna siya kay Baron at sa mga maids.

Tumatakbo kami papunta sa school namin, Walter High. One of the most prestigous school sa lugar na ito. Bakit? Dito nanggagaling ang mga pinakamagaling, pinakamahusay at pinakamatalino. Swerte daw kapag nakapasok kayo sa school na ito. Mahirap pumasok dito. Paano kami nakapasok? Simple. Pinasok ako dito, dahil sa husay ko sa basketball. Si Delia naman, matalino at magaling kumanta. Popular din kami sa Walter High. May titulo pa nga kami ni Delia eh. Ako, "Basketball Hottie" ang titulo ko habang si Delia, "Dragon Princess".

Binigay ng fangirls ko ang titulo ko. Binigay naman ng buong school ang titulo ni Delia. Bakit? Nanay ni Delia ang principal ng Walter High, tita Maria Ashton. Si tita kapag nagalit parang si Delia. Nagmumukhang dragon at nagbubuga pa ng apoy. Mas nakakatakot kapag nagalit mo silang dalawa, dahil parang two-headed dragon sila. Waaaahh! Pinagpapawisan ako sa mga iniisip ko. Itinuring ng estudyante ng Walter High si tita Maria bilang "Dragon Queen". Kaya naging "Dragon Princess" si Delia. Hindi ba? Like mother, like daughter? Haha. I'm serious.

"Nandito na tayo Matt! May 5 minutes tayo to spare."

Tumingin ako sa school at kay Delia. Sana ma-achieve ko yung goal ko ngayong year. To confess to Delia Ashton, the love of my life, pero torpe nga ako di ba? Kaya sana magkaroon ako ng lakas para itapat sa kanya ito. Well, iyon ang tangi kong goal noong nakita ko siya.

Noong Nakita KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon