Chapter 2

86 3 2
                                    

Pumasok kami ni Delia sa loob ng paaralan. Nakita ko ang malaking chandelier at columns. Nakita ko ang mahabang staircase sa gitna. May mga roses malapit sa hagdan at sa mismong columns. Nakita ko din ang painting ni tita sa may kanang pader at sa kaliwang pader naman ang dating principal, si lola Heather. Si lola ay ang unang principal ng school na ito.

'Paano na-afford nila Delia ang paaralan na ito? Rich kid talaga yung babae na ito.'

Naalala ko yung first time na nakita ko yung lola ni Delia. Bata pa lamang ako noong nakita ko si lola Heather. Mga 8-9 years old siguro. Kumakatok ako sa pintuan nila Delia.

----------

"Delia! Delia!" Sigaw ko sa pinto ng mansion nila.

"Matt! Hintay lang naman oh!" Tumingin ako sa balcony at doon ko nakita si Delia. "Uy! Bilisan mo maglalaro pa tayo ng bahay-bahayan sa bedroom mo." "Sige sige. Inaayos ko pa eh," sagot ni Delia. "Sir Matt!" "WAAAAAHH!" Napatalon ako sa gulat. Nakita ko si Baron sa harap ko. "Baron naman po eh. Ginulat niyo po ako," sinabi ko sa kay Baron. Tumawa si Baron at sinabi, "Sir Matt, come inside. Lady Delia will be coming down after 5 minutes." Mapapanosebleed ako kay Baron kapag tumagal ako sa labas. Sumagot ako ng 'opo' at pumasok sa loob. Umupo ako sa malaking sofa ng pamilya ni Delia. Grabe talaga mga tao dito. Ang YAMAN. Nagsalita ulit si Baron. "Sir Matt, would you like cookies while you wait for Lady Delia?" Sumagot ako kaagad, "Opo! Thank you po!" Ngumiti lamang si Baron at umalis para kuhanin ang sinabing pagkain.

Sa tagal ni Delia, tumingin ako sa mga pader at mga pictures sa mesa. Sa pader, may mga paintings ng pamilya ni Delia. Tumingin ako sa picture frames, may dalawang larawan na kumuha sa aking paningin. Ang unang larawan ay kaming dalawa ni Delia sa park at ang pangalawa ay ang family picture ng pamilyang Ashton. Nakita ko si Delia, tita Maria, at ang ibang miyembro. Nakita ko din ang lola ni Delia sa picture, dahil siya ang pinaka-'flashy' sa picture. Bakit? Marami ang accessories eh. "BOO!" "WAAAAAHHHHH!" Ano ba meron marami nanggugulat sa akin? Haaaaayyy. Sa sobrang focus ko sa picture, nakita ko sa harap ko ang pinaka-'flashy' na miyembro ng pamilyang Ashton, ang lola ni Delia in the flesh.

"Oh! Hijo! Ikaw ba ang boyfriend ni Delia?"

Tiningnan ko ang suot ni lola. Naka-dress na umaabot sa kanyang binti. Marami pa rin accessories suot ang lola sa harap ko. Ang buhok niya malapit na sa pagiging puti at naka-bun ito ng maayos.

Wait.

Ano sinabi ni lola?

Boyfriend ni Delia?!

Namula ang aking pisngi. Sumagot ako kay lola, "Ah! Hindi po lola! Kaibigan po ako ni Delia. Ako po si-" Sumingit si lola, "-Matt Francisco. Tama ba?" Napanganga ako. "Opo! Paano niyo po nalaman?" Tumawa ang lola ni Delia at dumating na si Baron kasama ang cookies. "Sir Matt, here are your cookies and good morning Lady Heather." Baron bowed kay lola at sinabi ni lola, "Haha! Baron! You don't need to be so formal inside the house with a well-known guest!" Namula ang pisngi ni Baron sa hiya. "Ah! Sorry Lady Heather! I'll be going now." Noong umalis na si Baron, nag-usap kami ni lola. Nalaman ko doon na isa siyang mabait at hindi mahilig sa yaman. Sinusuot niya lamang ang accessories, dahil marami itong memories na nakatago sa mga iyon.

----------

Haaaaayyy. Namimiss ko na si lola Heather. Puntahan ko nga siya sa bahay nila Delia ulit. Bihira ko na lang makita kasi eh. "Matt! Nakatulala ka diyan. Tama na ang pag-iisip ng mga kung ano-ano!" Sinagot ko si Delia, "Uy! Iniisip ko lang lola mo noh!" Tumingin si Delia at tumawa. Ang cute niya kapag tumatawa siya. Grabe. "Okay okay. Bilis punta na tayo sa general assembly. Nasa harap na natin eh." Napatingin ako sa harap at gusto ko sapakin ang sarili ko. Nandito na nga kami.

"Sige sige. Bilisan natin Delia."

Ngumiti si Delia at hinila ako papasok ng general assembly. Ang general assembly ay isang malaking auditorium na para sa lahat ng year level ng high school (1st, 2nd, 3rd, at 4th). Umupo kami ni Delia sa mga upuan namin. Bigla dumilim ang auditorium. Phew! Sakto yung dating namin.

May bumukas na ilaw sa gitna ng stage. Nakita namin si tita Maria, ang nanay ni Delia at ang principal ng Walter High. "WELCOME TO WALTER HIGH!" Sinimulan ni tita ng malakas na pagsigaw. Nagpalakpakan naman ang mga estudyante kasama kami ni Delia. "Ahem." Tumahimik ang buong audience.

"Okay. Walter High is a prestigious school for those who can achieve and be like the ones who graduated from here. Many artists and stars graduated from this school and you can be like them! For those who are new students, please see me at my office, so you can get your schedule, and locker number plus key. For old students, please go to your old locker and get your schedule and lock from there. Thank you and have a great day!"

"Oh! Before you go, we have a guest today! She is an alumni from here and wants to perform to you guys!" Nagsigawan mga estudyante sa kanilang upuan. "Here she is! Please welcome, Lily Fox!"

Lumabas ang guest na si Lily Fox na may dalang gitara. Halos lahat ng lalaki nagsigawan nung nakita ang magandang singer. Yung itim na buhok niya may pink na highlight at naka-ponytail ito. Naka-dress siya na pink and white na umabot sa kanyang binti at naka-heels din siya na white. Tiningnan kami ng brown niyang mata. "Hey, guys! I'm Lily Fox as Miss Maria said. I'm going to sing an acoustic version of "I'm Still Into You" by Paramore. Hope you like it!" Nagpalakpakan naman ang mga estudyante.

Nung nagsimula si Lily, grabe ang ganda ng boses niya. Halos magkasing-galing sila ni Delia, ang pinakamagaling na singer sa Walter High ngayon. Pinakinggan namin ito ng mabuti at nung natapos na ni Lily ang kanta, pumalakpak ng malakas ang mga audience. Dami pa nga sumisigaw eh.

"Ang galing ni ate Lily!"

"Lily! Idol na kita!"

"Ganda ng boses mo ate Lily!"

"Sana bumalik ka pa po dito!"

Ngumiti si Lily at sinabi, "Don't worry guys! I'll be back if Miss Maria wants to have me. I owe it to her when she helped me with my problems." Sumagot si tita Maria, "Aww~ Lily! I'm doing what is good for you and all of my students!" Tumawa si Lily, "Thank you Miss for having me here." "No problem, Lily!" Umalis si Lily sa stage at sinabi ni tita Maria, "Okay! Students go to your designated areas! Be careful on going out!"

Nagpalakpakan ang buong audience ulit at umalis ng auditorium. Ang locker namin ni Delia ay palagi magkatabi, dahil kay tita Maria. Hinintay namin lumabas ang ibang estudyante bago kami tumayo ni Delia. "Matt? Punta tayo sa classroom natin, pagkatapos sa lockers."

Sumagot ako, "Sige sige. Let's go na." Tumayo na kaming dalawa at umalis ng tahimik.

Anong sopresa kaya naghihintay sa amin ni Delia?

Noong Nakita KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon