Hinatid ko muna si Delia sa kanilang bahay bago umuwi sa amin. Binuksan ko na ang pintuan at sumigaw, "Ma! Nandito na po ako!". Nakita ko si Mama sa aming sofa. Ngumiti siya sa akin at nagsabi, "Oh! Matt, musta ang araw mo?". Sumagot ako, "Okay lang po ma. May kumanta sa amin dun. Lily pangalan niya po." Mukhang nagulat si Mama noong sinabi ko pangalan ni Lily.
"Lily?! Yung sikat ngayon na singer? Grabe. Gusto ko yung mga covers niya. Haha," sabi ni Mama sa akin. Ngumiti ako at nagsabi, "Ma, punta na po ako sa kwarto ko." Sumagot agad si Mama, "Sige sige Matt." Tulad ng sinabi ko, pumunta na ako sa kwarto ko. Binaba ko na ang aking bag at humiga sa kama.
Haaaaaayyyy.
Delia.
Namimiss na kita kahit kanina lang tayo magkasama.
"ARGH! BAKIT HINDI KO MASABI NARARAMDAMAN KO SA KANYA?!"
Sa sobrang galit ko, sinuntok ko ang unan.
*CREAAAAKKKK*
Nakalimutan ko pala sabihin na nakapatay ilaw ng kwarto ko ngayon. "Ma? Ikaw ba yan?," sinabi ko sa pumasok. Tahimik lang ang tao na pumasok sa kwarto. Kinabahan ako. 'Hala. Di pwede ako mamatay ngayon. Di ko pa nasasabi kay Delia na mahal ko siya! Lord, help me please!'
"MATT!"
"AHHHHHH!"
Sabay bukas ng ilaw yung sumigaw ng pangalan ko.
"KING! BAKIT MO KO GINULAT?!"
"NAKAKATAWA EH! ANG KULIT NG REAKSYON MO PRE! HAHAHAHAHA!"
Huminga ako ng malalim at tiningnan ng masama ang aking kaibigan na si King. "Kainis ka pre. Kala ko tuloy mamamatay na ako," sabi ko sa kanya. Nakita ko na pumipigil siya ng tawa at maya maya, sabi niya, "Ikaw naman Matt. Hindi ko hahayaan na mamamatay ka hangga't di mo pa sinasabi kay Delia nararamdaman mo." Tumawa ako at ngumiti sa kanya. Nagkatitigan kami bigla ni King.
"Bro..."
"..Bro..."
"Matt! Nandito si Delia - Oh," sinabi ni Mama bago makita kami ni King na magkatabi at nakatitig sa isa't-isa. Kasama ni Mama si Delia na nakanganga sa amin bago pumula yung pisngi niya. "Tita, balik na lang po ako mamaya. Mukhang busy po si Matt at si King eh," sinabi niya kay Mama bago umalis sa pwesto niya habang si Mama sumagot ng 'oo' bago bumalik sa sofa. Medyo late reaksyon ko at napanganga sa sinabi nila.
"MAMA AT DELIA, WAIT LANG. I CAN EXPLAIN!"
Hinabol ko si Delia habang si King naiwan sa kwarto ko. Bago ako umalis, narinig ko sinabi ni King, "Mali akala ng dalawa sa atin pre. Hahahahaha!". Poker face lang ako sa kanya at sabay tumakbo para habulin si Delia. Sabi ko kay Mama, "Mama, hindi po ako bading I swear! Mahal ko po si Delia!" Tumawa si Mama at sumagot, "Alam ko yun Matt. Halata nga na mahal mo siya. Sige, habulin mo na siya. Kakalabas niya pa lang eh." Namula ako sa sinabi ko at sinabi ni Mama sa akin. Tumakbo ako palabas at nakita si Delia naglalakad magisa. Tinawag ko siya at tumingin naman sa akin. Tumigil siya at naghintay siya sa akin. Naglakad ako papunta sa kanya, sabay tumigil sa harap niya.
"Delia, I can explain. Hindii ko gusto si King," sinabi ko sa kanya. Tumawa siya. Ohmy. Yung anghel niyang tawa. Naiinlove na naman ako sa kanya, Lord. "I know, Matt. Best friends lang kayo ni King," sabi niya sa akin. Phew! Buti hindi niya tinotoo nakita niya kanina. Kinausap ko siya, habang hinatid ko siya pauwi ulit sa kanila. Sasabihin niya dapat kanina na pinayagan siya gumala sa Sabado. Basta makauwi siya before 7 pm at di siya pwede iwanan magisa. 'Hindi kita iiwan Delia. Promise yun.'
"Sige Matt. Nandito na tayo sa bahay namin. Bye bye! Ingat ka pauwi ah!," sabi niya sa akin. Sumagot ako, "Opo opo, Delia. Good night nga pala." Sabay hinalikan ko pisngi niya. Nagulat kaming dalawa sa nagawa ko at parehas pa kami namumula. Hindi ko kinaya ang hiya at umuwi na mag-isa. Tiningnan ko ulit si Delia at nag-wave siya good bye. Ngumiti ako sa kanya at umalis na doon.
Haaaayyyy. Bakit ko ginawa yun? Baka layuan ako ni Delia. Alam ko na di siya basta basta lalayo sa akin, pero baka magbago tingin niya sa akin dahil doon.
Delia naman kasi eh. Bakit ang sobrang cute mo? Bakit sobrang ganda mo? Bakit ang bait mo sa aming lahat? Bakit mo pinaparamdam sa akin ito? Bakit mo kinuha puso ko? Naiinlove na naman ako sayo Delia. Araw-araw na lang ako nahuhulog sayo.
Bakit kasi hindi ko masabi sayo na mahal kita? Na gusto kong hawakan ang iyong kamay? Na gusto kitang yakapin at halikan ang noo mo?
Ang dami kong gusto gawin sayo, pero hindi ka pa girlfriend ko at hindi mo pa ako boyfriend. We're not in a relationship zone, but we're in the friendship zone. Makakarating din tayo sa relationship zone. Just you wait, Delia.
BINABASA MO ANG
Noong Nakita Kita
AventuraAng kwento na ito tungkol sa dalawang best friends, Delia Ashton at Matt Francisco. Si Delia ay isang magaling na singer, mabait at tahimik na babae at si Matt naman ay isang sikat na basketball player at gwapo na lalaki. Si Matt gusto malaman ni De...