Special Chapter 1

40 3 0
                                    

Hey. Ako nga pala si Lily Fox. Ito ang kwento ko.

----------

"Hahaha! Tingnan niyo si "Miss Quiet" oh!"

"Ang pangit niya wahaha!"

"Miss Quiet? Ay, di yan maganda. Tahimik pa siya kaya loner na yun."

Lily Fox here a.k.a. Miss Quiet. Ako yung tao palagi nabubully ng kaklase niya. Everytime na dadaan ako sa hallway, palagi ako tinitingnan at nagbubulungan mga tao. Actually, medyo sanay na ako sa kanila. Simula pa ito noong unang araw ng school sa Walter High.

Ang pananamit ko, medyo maayos lamang tapos nakasuot pa ako ng salamin. Mukha akong nerd na ewan. Naglalakad ako sa hallway at tumigil sa harap ng aking locker. Kinuha ko ang susi ng lock at binuksan ang locker ko. Kumuha ako ng mga libro para sa aking susunod na klase. Noong naisara ko ang locker, may biglang tumulak sa akin at nahulog ang mga gamit ko.

"HAHAHA nahulog si Miss Quiet oh!"

Bigla nagtawanan ang mga nakakita at nakarinig sa tumulak sa akin. Nararamdaman ko ang luha sa aking mukha.

"EVERYONE ON THE COUNT OF THREE, GO TO YOUR CLASS BEFORE I GIVE ALL OF YOU DETENTION!"

Tumigil silang lahat sa tawanan at tumakbo papunta sa kanilang classroom. Nakita ko yung principal namin, Miss Maria Ashton, ang "Dragon Queen". Miss Maria sighed.

"Are you okay, dear? Let's get you cleaned up after we pick these up."

Pinulot ni Miss Maria ang mga gamit ko at binigay sa akin. Hinila niya naman ako papunta sa restroom niya sa principal's office. Grabe. Principal's office may restroom na? Sosyal naman. Tumawa ako ng tahimik. "Haha nagtataka ka kung bakit may restroom dito noh? This principal needs her own private one due to some reasons." Napatawa si Miss Maria noong nakita niya ako namumula. Naghugas ako ng kamay at mukha. Bago yun, tinanggal ko muna yung salamin ko. Nagulat si Miss Maria, "Oh my gosh. You are so beautiful, dear. You're just like my sweet daughter." Namula ulit ang pisngi ko. "Miss Maria naman eh. Hindi ako maganda." Miss Maria smiled widely. "You don't know that, sweetie. You ARE beautiful. Let me show you something."

Pumunta si Miss Maria sa mesa niya. Kinuha niya ang picture frame sa ibabaw nito. Binigay niya sa akin ito. Nakita ko ang picture. Ang picture ay ang family picture ni Miss Maria. Nasa park sila nito. Nakadress si Miss Maria na kulay pula at nakalugay ang itim niyang buhok. Nakangiti siya at nakapikit. Sunod, nakita ko ang asawa niya. Naka-polo shirt ang asawa ni Miss Maria tapos nakasuot ng pantalon. Ang brown na buhok ng kanyang asawa ay medyo magulo pero bagay naman sa suot niya. Naka-smirk ang asawa niya, habang nakaakbay kay Miss Maria. Sunod at ang huling miyembro ng pamilyang Ashton, ang anak ni Miss Maria. Ang suot ng anak niya ay white dress na may red spots. Pigtails ang ayos ng kanyang itim na buhok. Naka- "v" ang dalawang daliri ng bata, habang nakangiti.

Tinuro ni Miss Maria ang kanyang asawa. "Yan si Charles, ang asawa ko. Wala siya ngayon sa Pilipinas. He's in America visiting his relatives." Tinuro niya yung bata. "This is Delia, my baby girl. Look at her carefully. She looks a little like you. The way you smile kanina parehas kay Delia." Nakangiti si Miss Maria. Nakita ko sa mata niya na masaya siya sa buhay niya kahit wala ang asawa niya sa tabi ngayon. Sumagot ako kay Miss Maria, "Opo. Ang ganda po ng anak niyo po. Nakikita ko din po ako sa mukha niya. Konti nga lang po. Hahaha!" Ngumiti si Miss Maria at napatingin sa labas.

"Lily. Don't listen to those bullies. They are just jealous of you."

"Eh?" Paano nalaman ni Miss Maria pangalan ko? Napansin niya na nagulat ako. "I know all of your names here at Walter High. I'm not one of those lazy principals you see every once in a while and I memorize you guys due to troublemakers who thought they will get away. Hahaha!" Miss Maria laughed habang ngumingiti ako ng patago.

Pagkatapos ng araw na ito, palagi kami nag-uusap ni Miss Maria. Yung mga nagbubully sa akin? Natakot na, dahil nagbabantay si Miss Maria sa hallways at may nakabantay na CCTV na si Miss Maria din ang tumitingin.

Hindi ko namalayan, graduation day ko na. Nagkita kami ni Miss Maria bago ako umalis dito sa school. Yumakap siya sa akin ng mahigpit. Nagluluha tuloy ang aking mata. "Do your best, Lily." Sinabi niya sa akin bago umalis siya sa yakap namin.

----------

Today, I am a famous singer. Pinalitan ko yung salamin ko sa contacts. Ang pinakasikat na damit ay sinusuot ko, dahil sa trabaho ko. Si Miss Maria ang nagdala sa akin dito at nagpapasalamat ako sa kanya. Well, who knows there is someone out there who cares. I know that. Salamat Miss Maria, you are my hero.

Noong Nakita KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon