Yes. Buhay pa ako.
Himala, oo.
----------
Sabado na at naghihintay ako ngayon kay Delia. Si King naman busy sa tabi ko. Tinitingnan ang Facebook niya at nagpost pa ng status. So, tiningnan ko yung pinost niya.
King Shawn is with Matt Francisco
"Currently waiting for Delia Ashton and her cousin! 😄"
Haaaay. Tindi ni King. Grabe makapagpost sa Facebook niya, pero famous siya sa mga social media na yan.
60 likes after 5 minutes naman oh! Tapos, may 5 comments na. Siguro kasi naka-tag kami ni Delia kaya dumami kaagad. Normally kasi, after 5 minutes, nasa 30 likes pa lang ang mga posts ni King.
Famous noh? Grabe nga eh.
So, ito nga. Naghihintay kami ni King kila Delia at yung pinsan niya. Nasa loob na kami ng mall. Tumambay muna kami ni King sa may food court.
"Matt! King! Nandito na kami ~"
Narinig ko ang mala-anghel na boses ng aking pinakamamahal kong Delia. Napatingin ako at napatulala. Grabe yung epekto ng babae na ito sa akin.
Alam mo yung feeling na slow motion ang paligid mo tapos naka-focus ka lang sa mahal mo? Ganyan nararanasan ko ngayon. Ang ganda niya sobra! Bagay na bagay ang kulay asul niyang dress sa kanya.
Tumingin ako kay King. Mukhang tulala siya. Napatingin ako sa direksyon ng tingin niya at nakita ko yung babae na katabi ni Delia.
"Ay oo nga pala! Guys, I want you to meet my cousin. Her name is Paige dela Rosa," sinabi ni Delia sa amin. "....Hello..," sabi naman ng pinsan niya. Shy type si Paige ah. Mahilig ata siya sa mga gothic dresses, dahil iyon yung suot ni Paige ngayon.
Tumingin ako ulit kay King. Mukhang nagising sa pagiging tulala niya at sumagot agad, "H-Hi! A-Ako si King at ito n-naman si M-Matt!"
Grabe. Kinakabahan siya tapos namumula pa ang pisngi niya. Tumawa ako habang tumingin ng masama sa akin si King.
Okay, let's do this.
Kumalma na ako kakatawa. Ngumiti ako at sinabi, "Sige. Since kumpleto na tayo, gusto niyo na simulan ang gala natin?"
Sumagot sila ng "oo" at sinimulan na namin ang gala.
Pinuntahan muna namin ang book store, dahil yun yung gusto ni Delia at ni Paige. Noong pumasok kami doon sa loob, si King sumunod kay Paige at ako naman kay Delia.
"Matt! Tingnan mo oh! May bagong libro yung paborito kong author," sabi ni Delia habang hawak ang sinasabi niyang libro. Niyakap niya ng mahigpit ang libro.
Sana ako na lang ang libro na iyon.
Ngumingiti siya, pero bigla na lang siya naging malungkot. Nagtaka ako bigla sa reaksyon niya.
"Wala akong pera para bilhin ito..," binulong ni Delia. Ang sakit naman tingnan ang mukha niya. Kitang kita yung lungkot. Sinabi ko sa kanya, "Delia, wag ka mag-alala. Makukuha mo din ang libro na iyan. Siguro hindi ito ang araw para makuha mo siya. Sa tamang panahon pa."
Tiningnan ako ni Delia ng ilang segundo, sabay tumawa siya. "Hahahahaha! Matt, grabe naman." Napangiti ako at tumawa na din.
Bigla ko naramdaman ang vibrate ng aking cell phone. Inayos ko muna ang aking backpack bago kuhanin ang cell phone. Kinuha ko ito, habang binalik ni Delia ang libro sa lalagyan.
Hari messaged you.
Napaisip ako bakit nagtext si King sa akin. Binuksan ko ang text message niya.
Dude! Madami ako nalaman tungkol kay Paige. I'm so in love with her na. <3
Siya na ata ang reyna ng buhay ko. Hihi 😍Tindi ni King. Mukhang bading magtext. Nireplyan ko muna siya.
Grabe mo dude. Bading mo magtext. Hahahaha! 😂
Sumagot kaagad si King. Ang bilis naman ito magreply.
Oy! Pagtinetext mo sa akin tungkol kay Delia, ganyan ka magtype! :/
Tiningnan ko ng masama ang reply ni King sa akin.
Basta na nga! Saan tayo magkikita pre? 👍
Sinend ko na ang reply. Biglang nagvibrate ulit phone ko.
Sa may front cashier, pre. Papunta na kami ni Paige doon. See ya 😘💗
Bading talaga ata si King eh. Hindi niya lang inaamin sa amin.
"Delia! Magkita tayo nila King at Paige sa front cashier," sinabi ko sa kanya. Sumagot siya ng 'sige' at nagsimula maglakad. Grabe ang bilis nito. Tinawag ko siya, "Delia! Huwag ka magmadali. Dahan dahan lang ang lakad." Tiningnan ako ni Delia, tapos slow-mo naman ang lakad niya.
"Hahahahaha! Hindi ganyan Delia. Yung normal lang na lakad. Itong babae talaga. Sige, cr muna ako. Mauna ka na sa meeting place ha?"
"Sure! Sabihin ko na lang sa kanila," sabi ni Delia sa akin bago naglakad ulit papunta sa front cashier.
Tiningnan ko lang si Delia hanggang wala na siya sa paningin ko. Agad, pumunta na ako sa aking destination.
Maya maya, pumunta na ako sa meeting place namin.
"Hi guys! Haha, sorry late ako," sabi ko sa kanila. Tiningnan ko sila. Si Delia ngumingiti sa akin, si King tinitingnan ako ng masama, at si Paige naman tinitingnan ang mga bagay na nakatambay sa cashier.
"Dude! Tagal mo naman," sabi ni King sa akin. Sinabi ko, "Sorry naman dude! Hindi ko kinaya eh." Sumingit bigla si Delia sa usapan namin. "Hey! Tama na niyan. Ituloy na natin ang gala."
Edi naglakad na kami kung saan saan. Puro turo ginawa namin tapos kwentuhan. Pumunta pa kami food court ulit, dahil nagutom yung dalawang magpinsan.
"Uy! Kainin natin iyon oh!" Tinuro ni Delia ang tindahan ng french fries. Nag-agree na lang ako, dahil iyon din ang gusto ko. Sinabi ni Paige naman, "Gusto ko yung siomai..." Si King mukhang gumaya kay Paige. Malay ko ba kung gusto niya iyon or ginaya ang pinili ng tinatawag niyang "Reyna ng Buhay Niya".
Binili namin ang pagkain. Pagkatapos kumain, uuwi na kami. Hindi namin namalayan ang oras sa sobrang saya at dami ng kwentuhan.
Hinatid namin ni King sila Delia at Paige. Gentlemen kami eh. Pogi points din ito.
Pagdating doon, nagpaalam na si King sa amin, habang pumapasok si Paige sa bahay. Natira lang kami ni Delia tuloy.
"Matt, salamat sa oras ah. Ang saya sobra. Pagpasensyahan niyo na din si Paige. Hindi siya sanay sa ibang tao," sabi ni Delia sa akin. Sumagot ako kaagad, "Okay lang Delia. Masaya naman ang gala eh. Isama mo si Paige sa susunod ah."
Ngumiti siya, "Sure! Isasama ko siya sa susunod na gala natin. Sige, pasok na ako ah. Umuwi ka na din, Matt."
"Ah! Sandali lang, Delia. May ibibigay ako. Tada!"
Binigay ko sa kanya ang libro na yakap niya sa book store.
Nagulat siya at napangiti. Sabi niya sa akin, "Matt! Thank you thank you thank you! Ang sweet mo naman. Kailan mo nabili ito?" Sumagot ako kaagad, "Noong nagpaalam ako na pupunta ng cr. Bumili ako sa oras na iyon, tapos nilagay ko sa backpack ko ang libro na iyon."
Tumawa siya. "Kaya pala. Uwi ka na. Ingat ka ha?"
"Mag-iingat po ako. Huwag ka mag-alala."
----------
BINABASA MO ANG
Noong Nakita Kita
AdventureAng kwento na ito tungkol sa dalawang best friends, Delia Ashton at Matt Francisco. Si Delia ay isang magaling na singer, mabait at tahimik na babae at si Matt naman ay isang sikat na basketball player at gwapo na lalaki. Si Matt gusto malaman ni De...