Chapter 5

25 0 0
                                    

Note: Lahat ng chapters ay nasa Point of View (P.O.V.) ni Matt Francisco, yung torpe at bestfriend ni King at ni Delia.

----------

Ilang araw na lumipas pagkatapos ko halikan si Delia sa pisngi. Nagpapansinan pa rin kami. Wala naman ata nagbago sa amin. Best friends pa rin kami.

'Basketball Hottie' pa rin ako at 'Dragon Princess' naman siya.

Mahal ko pa rin siya at hindi ko alam kung gusto niya din ako.

Haaaaayyy.

"Matt!"

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si King ulit. Tumatakbo siya papunta sa akin. Para di na maulit ang nangyari dati, nung medyo malapit na siya sa akin, pumunta agad ako sa kanan. Hindi nahulaan ni King ang nangyari kaya tumigil siya bigla at nadapa.

"Ang sama mo naman sa akin, Matt! Kapag si Delia ang tumatakbo papunta sayo, siguro yayakapin mo at sasaluhin pa. Tapos sa akin, gusto mo mahulog ako sa sahig! Mabuti pa yung sahig nandyan para sa saluhin ako," sabi ni King na may tampo effect. Tiningnan ko siya ng masama, dahil medyo pasigaw na siya.

Oo nga pala, nasa paaralan kami ngayon at nasa tambayan namin. Buti walang masyado tao ang nasa paligid at wala nakarinig sa sinabi niya except sa akin. Salamat at uwian ngayon.

"King! Ang ingay mo naman! Wag mo naman ipagkalat sa buong mundo na gusto ko si Delia!"

"Matt? Tinatawag mo ba ako?"

"WAAAAAHHHH!" Sumigaw ako at parang medyo epic pa mukha ko, dahil tumatawa yung dalawa kong best friend. "HAHAHAHA! Nakita mo iyon di ba Delia? Mukhang ewan siya!," sabi ni King sa pinakamamahal ko na si Delia. Sumagot si Delia ng 'oo' dahil tumatawa siya ng sobra. Maya maya, tumigil din sila. Tinanong ako ni Delia, "Matt? Ano sinasabi mo kanina? Narinig ko lang pangalan ko, dahil kakadating ko lang noong oras na iyon."

Kinabahan ako bigla doon. Buti narinig niya lang yung pagsabi ko ng pangalan niya.

"Ah, wala wala Delia. Pinaguusapan ka namin ni King, dahil sa gala natin sa Sabado," sabi ko sa kanya. Nag-tilt yung ulo niya sa kanan at nag-form ng 'O' yung bibig niya. KYAAAAAA! Ang cute mo, Delia! Gusto kita yakapin ng mahigpit! Nakita ni King na namumula ako sa babae na nasa harapan ko. Nag-smirk siya sa akin at tumawa ng mahina. Mas lalo ako namula sa ginawa niya. Napansin ni Delia ang mukha ko at mukhang nagaalala sa akin. Nilagay niya kamay niya sa noo ko at sinabi, "May sakit ka ba, Matt? Namumula ka..."

Mas lalo naman ako namula noong nilagay ni Delia kamay niya sa noo ko. Sumagot ako, "Okay lang ako, Delia. Wag ka mag-alala. Namumula ako, dahil.... sa... panahon! Oo, sa panahon. Woo! Init nga eh. Hindi ba, King?" Tiningnan ko si King ng masama at tumigil siya sa pagtawa niya. Tumingin din si Delia sa kanya at sinabi, "Totoo ba, King? Namumula lang si Matt, dahil sa panahon?" Mukhang nagdadalawang isip pa si King at sumagot, "Uh..." Mas lalo ko tiningnan ng masama ang best friend ko na iyon.

Pinawisan si King. "Oo! Oo! Ako nga din naiinitan sa panahon eh! Haha..," sabi niya kay Delia. Si Delia naman naniwala sa aming dalawa. Phew! Muntikan malaman ni Delia na gusto ko siya.  "Oh, okie! Tuloy pa tayo sa gala natin di ba?," tinanong bigla ni Delia sa akin. Sumagot ako ng 'oo'.

Tumawa siya, "Buti naman. Kasama si King sa atin, right?" Hindi ako makatanggi sa puppy eyes ni Delia. Kahit siya ang 'Dragon Princess' dito sa school, si Delia din ang pinaka-cute sa Walter High. Kaya hindi ka makakatanggi sa kanyang mukha. Sumama si King sa kanyang tabi at gumaya kay Delia. Sinadya na gawin ang failed attempt na puppy eyes. Parang pumangit lalo siya sa ginawa na puppy eyes. Nag-sweat drop na naman ako. Tiningnan ko ulit si Delia. Namula muna ako bago sumagot, "Oo naman! Hindi ba, King?" Biglang sumaya mukha ni King at nag-apir ang dalawa.

"Pwede ako magsama ng isa pa? She's my cousin at gusto ko makilala niyo siya," sabi ni Delia sa akin. Of course, since mahal ko itong babae, sumagot ako ng 'oo'. Ngumiti si Delia, "THANK YOU, MATT!" Sabay niyakap ako. YES! One step closer ako to our forever! Niyakap ko din siya pabalik. Si King naman kinuha cellphone niya at mukhang nagtetext. Tinanggal na namin ang yakap at nagpaalam si Delia sa aming dalawa. May gagawin daw sila ng nanay niya muna bago umuwi.

Noong umalis na si Delia, tumawa si King. Alam mo ang tawa na parang may masamang plano? Oh, iyon tawa niya ngayon.

"KING! Wag ka nga tumawa ng ganyan. Atsaka, bakit ka ba tumatawa ng ganyan?"

"Habang nagyayakapan kayo ni Delia, pinicturan ko kayo! Mwahahaha!"

"ANO!? Patingin nga pre! Sigurado ang ganda ng kuha mo sa amin. Medyo professional ka kasi na photographer, hindi ba?"

Tumawa siya ulit at pinakita sa akin ang picture. Since nasa courtyard kami, iyon ang aming background. Mahigpit yakap ko kay Delia at ang mukha ko sa picture nakatingin sa kanya habang namumula ako ng unti. Nakangiti din ako sa kanya. Si Delia naman, nakangiti at nakapikit sa picture. Mukhang enjoy sa yakap, dahil sa pula niyang pisngi. Nakayakap siya sa akin ng mahigpit. Mukha kaming couple talaga sa picture. Ano ba naman! Kinikilig ako!

"Mukhang couple kayo diyan. Ang cute niyo talaga tingnan oh!"

Namumula ulit mukha ko sa sinabi niya. "Ano ba King! Ipasa mo na lang sa akin yung picture," sinabi ko sa kanya. Tumawa siya, "Sige sige, ipapasa ko sa iyo ito. Gagawin mo itong wallpaper kasi! Hula ko lang iyon, pero true to life. Hahahahaha!" Pagkatapos niya ipasa sa akin ang picture, sinabi ko sa kanya, "Umuwi na tayo, pre. Medyo late na." Sumagot lang siya ng 'oo' at umalis na kami sa school.

Dumating na ako sa bahay at nilabas ang cellphone ko. Tiningnan ko ang wallpaper nito. Tama kayo. Wallpaper na ang kinuha kong picture kay King. Haaaayy. Napapangiti ako bigla. Namiss ko na siya kaagad.

Delia, sa tamang panahon, aaminin ko din ang nararamdaman ko sa iyo.

Noong Nakita KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon