9

1K 23 10
                                    

"Good. Everything is working smoothly." Sabi ko sa crew mula sa wireless mic.

Binilisan ko lalo yung pagmamaneho. I'm already on my 17th lap. I cancelled all my photoshoots today just to focus on my training. I really missed racing. It serves as my stress reliever too lalo na at buong araw akong nagtatrabaho.

Mahigpit akong humawak sa steering wheel at ipinagpatuloy yung pagmamaneho ng mabilis.  Sa hindi kalayuan, nakita ko si Lorenz na naka-pwesto sa bench dito sa crowd's seat. Nakatayo ito at naka-sandal paharap sa harang.


What the fuck is he doing here?

Agad akong napa-preno at huminto sa harapan nito. Nakita niya na napansin ko na nandito siya kaya naglakad na rin ito palabas para pumunta sa track. Binuksan ko yung pintuan at bumaba na sa kotse. Hinubad ko yung helmet ko at tinapon sa loob ng sports car ko.

Pinagpapawisan ako ng konti kahit naka mas yung aircon sa loob ng kotse ko, siguro dahil sa tense 'yon.

Huminto ako sa tapat ng kotse ko nang makalapit sakin si Lorenz.

"What the hell are you doing here!?" Irita kong sabi.

Hindi naman ako galit kay Lorenz or what, ayoko lang na may makakita samin ngayon. Mainit pa naman yung issue saamin ni Archi.

Inangat ni Lorenz yung kamay niya at hinawi yung buhok ko sa likod. Naka high pony tail kasi ako. Kinuha niya yung handkerchief niya at dinampi ito sa mukha ko para punasan yung pawis ko.


"You weren't replying to my messages." Seryoso nitong sabi.

Bumaba yung dampi niya sa leeg ko. He's being careful and gentle to my skin. I remember how he always does this after my PE class at after ng training ko sa race noong kami pa. It was actually nice to have someone to take care of you. Pero mukhang malabo na 'yon mangyari uli.

"I'm busy, okay? Tsaka mainit pa yung issue samin ni Tyson. Baka isipin naman na cheater ako ngayon kapag nakita tayo." Seryoso kong sabi rito.

Napahinga ng malalim si Lorenz at seryoso akong tinignan.

"Are you dating him?"

"Of course not!" Inis kong sabi.

He actually thinks that I'm dating him? He's not even my type.

Napatingin ako kay Lorenz. Hindi ko naman talaga balak na sagutin siya noon. We were fuck buddies back then, pero kung umakto siya, parang boyfriend ko. He always takes care of me. Kaya nga noong umamin siya, nilayuan ko siya ng isang buwan o dalawa ata. Doon ko lang na-realize na si Lorenz lang yung nakakaintindi sakin at nananatili sa tabi ko kahit ipagtulakan ko siya. That's why I kept him before i was too late.

"You were kissing him."

"I was drunk!" Pagsisinungaling ko.

"That photo was taken around 9am!" Sumbat nito.

"I was having my breakfast wine! Hello? That's Paris." I said with a sarcastic tone.

Hind na nakasagot si Lorenz dahil sa pamimilosopo ko. Hindi naman ako nagsisinungaling ha? Drinking wine any time of the day is normal at Paris.

"Astrid."

Napahinto kami parehas nang may magsalita. Nanlaki yung mata ko nang makita si Archi sa harapan namin! His eyes dimmed as it went down to Lorenzo's hand! Nakapatong ito sa dibdib ko dahil pinupunasan yung pawis ko.

Under His Pleasure [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon