“Friday night ‘yon. Yun yung gabi na hindi ko ma-explain kung bakit nanaman ako nagpaka-martyr sa kanya. Hindi ko nanaman inisip yung kapakanan ko. Binigay ko nanaman yung lahat at wala nanamang natira saken.” Sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko.
Yan ang sinabi ko sa bestfriend kong si France nung umagang magkausap kami sa kama ko. We just had sex the night before that kaya siya nandun. Okay? Alam mo na? Or kung hindi pa, in simple words, fuck buddies kami ng bestfriend ko. And, totoo yung sinasabi nila na you can always stay friends even though you’re fucking each other. Ako nga pala si Kris, 18 years old, Atenistang ligaw ang landas. 2nd year sa kursong economics. Bestfriend ko nga pala si France as I’ve said. Matagal ko nang kakilala yan. Fetus pa lang ako kilala ko na yang gagong yan. Pero, hindi lang pala friendship ang mararating naming.
“Ang tanga tanga mo kasi. Pang ilang boyfriend mo na ba yan na ganyan din ang sinabi mo after your bitter breakup? Let me guess,pang-eleven na? Ang tanga mo. Tapos iiyak ka lage? Sa susunod na ganyan nanaman yang sasabihin mo eh hindi na ako makikinig.” Galit saken ni France.
“Eh ano naman problema mo ha? Ikaw nasaktan? Ikaw? Ikaw? Hindi, diba? Ako, diba? Kung naririndi ka na sa mga gantong pag-uusap natin, France eh di kita pinipilit making! Ewan!” Sagot ko.
“Oo na, tara na nga, male-late na ako sa first class ko. Nagluto na ako kanina habang tulog ka pa. Favorite mo oh. Pancakes with peanut butter. O, bihis na.” Paanyaya ni France dahil malapit na mag alas otcho.
Ganyan kami lagi ni France, kapag heartbroken ako, yayayain ko siya makipag-sex or siya mag-yayaya. Minsan naman kapag hindi siya pwede that night eh babawi siya saken through phone sex or sexting. Parang gago lang noh? Ganyan kasi kami, sa sobrang closeness naming sa isa’t isa eh hindi namin alam na ganun na pala ang mga ginagawa namin. Pero, isang pledge namin sa aming dalawa eh hindi kami ma-iinlove sa isa’t isa. Kadalasan daw kasi ng mga ganitong relationships eh hindi nagtatagal na ganito at nauuwi din sa pagmamahalang matarok. Hindi rin naman kasi uso ito dito sa Pilipinas kaya medyo unusual kung pag-uusapan with my friends.
“Kristine Margaux Elizalde Araneta Center Cubao, sumabay ka na saken. 9:30 next class mo diba?” Tanong ni France.
“Ayaw ko pumasok. Makikita ko nanaman siya.”Sagot ko.
“Ang bitter mo talaga. So, ibababa mo yung grades mo sa 1.2 dahil lang sa kanya?” Sabi ni France.
“Eh, nakaka-inis naman kasi makita pagmumukha niya. Siyempre may pa-bitter effect pa din ako diba?” Paliwanag ko.
“Ewan ko sayo. Bahala ka. Sige, alis na ako. Pupunta ka ba later?”Tanong ni France.
“Saan?”
“Sa birthday ni Chris. May invitation ka kaya sa mailbox mo.” Sagot niya.
“Ha? Nag check ako ha, wala naman.”
“Ayos ayos utak din kasi pag may time. Sobrang lutang ka talaga dahil dun? Di siya kawalan Kris.”Sabi ni France.
“Umalis ka na nga lang. Sunduin mo na lang ako mamaya sa Starbs, mga 4:30. Di ko dadalhin car ko, sayang gas kapag naka-car pa tayong dalawa mamaya.”Utos ko.
“Alright. Sige, text na lang later.” Paalam ni France habang palabas ng pintuan.
Pagka-alis ni France e nag-ayos na din ako ng sarili ko. Naligo at nagbihis, nag ready for my class and naghugas ng mga pinagkainan. Medyo nagmamadali na kasi 8:30 na kahit 9:30 pa ang next class ko. Ayaw ko kasi ma-late. Chineck ko lahat ng gamit ko at napansin kong nawawala yung iPad ko. Bigla na lang nag-text saken si France at sinabi na kinuha niya daw yung iPad ko. Babalik niya daw saken before lunch. Sabi ko naman eh okay lang. Mamayang 2 ko pa naman kailangan yun. After that eh tumawid na ako kasi tapat lang ng Ateneo ang condo ko. So, pumasok na ako.
BINABASA MO ANG
He's Just Beside Me
RomanceFriends with benefits gone to different shores. Who will fall in love? Who will admit that they fell in love? How long can they withstand the feeling that they're not in a commitment? For you to be able to read the private chapters, please be my fan...