Chapter 7: When Everything Goes Wrong

103 0 0
                                    

Nakita namin yung gaga. Si Tiffany eh nasa lobby ng Ateneo.  Bumababa sa Hummer Limousine niya habang naka-red carpet papunta sa entrance. Pagka-swipe na pagka-swipe niya ng clearance I.D. niya eh nakita niya kaming dalawa. Kumaway siya sa amin sabay nilapitan niya si France. Initchapwera na lang namin si Tiffany habang nakipag-beso beso siya kay France. Niyaya pa kami ni Tiffany mag coffee muna sa Starbucks pero kunyari sobrang late na kami ni France.

“Ba’t ang ganda niya ngayon?” Sabi ni France habang nasa elevator kami.

“So ganon? Na-fall ka kagad? Ulet? Ganon?” Sabi ko na halatang gusto kong ipadama na naasar ako.

“Wag ka na mag selos. Ikaw lang naman mamahalin ko eh.” Sabi ni France habang hinalikan niya ako sa lips.

“I love you.” Sagot ko.

“I love you too.” Sabi ni France habang yakap ng mahigpit saken.

“Oh, sige. Tama na toh. Naiiyak na ako sa kilig.” Sabi ko habang nagbubukas yung pinto ng elevator at palabas ako.

Naghiwalay na kami ni France pagdating namin sa 7th floor. Doon siya sa Economics 131 niya habang dito naman ako sa Pol Sci 7. Nakinig ako kay prof at nag notes ulet. Binuksan ko yung iPad ko para mag notes at napansin ko ulet yung wallpaper ko. Yung picture ko nanaman na kirat habang natutulog yung bumulaga saken. Napa-ngiti ako kasi ang sweet talaga ni France. Oo, mahal namin ang isa’t isa. Pero, it’s not official. Eto nanaman ako sa mga illusyon ko.

Hindi naman boring ang Pol Sci. Na-discuss namin yung tungkol sa political dynasties at ako lagi ang ginagawang example ng prof ko. Yung pamilya daw kasi ng mga Araneta at Elizalde ang mga dating may hawak ng matataas na posisyon sa government. Ngayon, focus lang kami sa business namin and dahil sa pagfo-focus eh naabot namin ang rank 3 na richest family sa buong Pilipinas. Kasunod namin yung family ni France na mga Consunji . Pero, natatawa ako kasi sinasabi ng classmates ko na ako daw ang future president ng Pilipinas. Mga ulol ata sila. Ang gusto ko lang sa mga panahon ito eh maging kami ni France. If ako ang magiging president ng puso niya, ipapatupad ko ang Martial Law ng pagmamahal sa aking nasasakupan para di niya na ako pakawalan kailanman.

Natapos yung lecture pero hindi pa tapos yung period. Hanggang 6 pa kasi kami pero, kailangan eh hanggang 6 pa yung classes. Kaya, nag treat yung prof namin ng Krispy Kreme. Wala na ding klase si France kaya tinanong ko si Prof  kung pwede siyang dumaan for free donuts. Sinabi naman ni Prof na pwede kaya pinapunta ko si France. 

Pagdating ni France eh naghiyawan lahat ng mga classmates ko at inasar kaming dalawa. Sinabi nila na “uyyy, andito na yung boyfriend ni Ms. President!” saka yung iba naman, “Uyyy, sex na yan! Sex na yan! Hahahaha!” Bastos kako. Parang may grand entrance. Bigla namang tumabi saken si gago at hinalikan ako sa lips. Winelcome naman siya  ni Prof.

“Guys, please welcome Mr. Consunji of the higher 3rd year class.” Sabi ni prof.

“Welcome Mr. Consunji... Gwapo.” Sabi nilang lahat.

“Thank you. Hehe.” Sabi ni France habang kumaway at halatang nahihiya.

“Oh Mr. Consunji, please get some donuts. And, do you want coffee?” Alok ni Prof habang inaabot kay France yung isang box at habang inaayos yung kape ni France.

“Sir, wag na po. Hehe. Thank you po.” Sabi ni France habang kinukuha yung donuts.

“Okay, eatwell.” Sabi ni prof.

Umupo si France sa tabi ko. Ngumiti siya sa mga classmates ko, na naging dahilan para magwala sila at magsigawan. Tumili ng sobrang lakas si Jay na bakla kong classmate at kinilig. Tumayo siya at sinaway naman ni prof. Act civilized daw. Natatawa naman ako kasi ang landi landi ng classmates ko. Nakakita lang ng gwapo eh nagwala na. Sinubuan ako ni France ng donuts. Pinainom din ako ng coffee at pinunasan niya yung dumi sa lips ko. Nagkatitigan kami ng mga 15 seconds.Ngumiti na lang ako nung medyo kinikilig na ako. Pinaguusapan naman kami nung mga classmates ko sa likod. Yung iba kinikilig.Yung ibang girls nag-wawala. Si Steff nga sumigaw na, “France! Will you marry me?” Ginantihan ko naman ng isang malutong na “Ulol! Akin toh! Hahaha.” Tawanan naman silang lahat.

He's Just Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon