A/N: Sorry po medyo matagal yung UD. Nawalan kasi ako ng PC sa bahay. But, thank you for waiting. I hope you like my latest.
Hindi lahat ng ina-akala mo eh nagkakatotoo. As the saying goes, madaming namamatay sa maling akala. Katulad na lang ng Titanic. Akala nung navigator nila eh walang iceberg. Sorry, meron. Ayan, kinain nila yung ‘Not even God could sink this ship’ nila. Kaya, ganto din ang pakiramdam at paniniwala ko ngayong nakita ko ‘tong babaeng toh dito sa Elevator.
Siya si Tiffany. Tiffany Rachelle Ramirez Kawaguchi for long. Ex-girlfriend ni France, galit saken kasi akala niya dati na inaagaw ko si France mula sa kanya na naging dahilan kung bakit sila nag break. Excuse me, mas gusto ako ng BF mo kahit best friend lang ako. Ikaw, girlfriend na nga, tinatapon lang. Ang pangit mo kasi. ‘De, Joke. Maganda si Tiffany. Tall, and model ng Ateneo last year. She left Ateneo, sabi niya, na hindi ko pinaniniwalaan, because she wanted to try other schools daw. Utot niya! Umalis siya ng Ateneo kasi lahat ng girls eh kampi saken dahil inaaway niya ako because of France. But, after the fire, naging ok kami. Friends kuno. They’re freaking rich. Pero, not as rich as my family. Joke. Well, maybe as rich as my family and France’s family but, I don’t care. May-ari sila ng isang ship building company sa Japan and sila ang gumagawa ng ferry boats and battle tankers around the globe. May ari din sila ng isang telecommunications network sa Japan. So, yeah, I lose. She’s really rich. But, hindi ko alam kung anong pakay niya dito sa Philippines. Better find out.
“OMG, is that you Krissy? Oh, my God. OMG OMG OMG! Krissy!” Sabi ni Tiffany na halatang surprised at gulat habang niyayakap niya ako.
“Oy... Hi Tiffany. How are you?” Sabi ko na gusto ko iparamdam sa kanya na hindi ako happy na makita siya habang medyo nangaalinlangang gumanti sa yakap niya.
“Oh, I’m fine. You? How are you? You live here? Anong floor ka dito?” Sabi niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
“Ahh... ehh... Okay naman ako. Eto, 2nd year na. You? How’s Japan?” Sagot ko na gusto ko pa din iparamdam na hindi ako masayang makita siya.
“Well... uhm... this. I’m gonna go back to Ateneo. Because, I don’t feel it there sa Japan, eh. It’s like, everybody’s talking geek and weird. So, I decided to go back here. Have a fresh start.” Sabi niya habang nakaharap sa pintuan ng elevator.
“Ohh, I see. Well, I best be going. Goodbye.” Sabi ko habang nagpapasalamat na naka-akyat na ako sa 17th floor.
“Ay? Dito ka? Dito din ako! Uy, we’re floormates pala. We can like, bake cookies. Watch porn together. Take home boys. Hahahaha. Taralets!” Aya niya na parang ganadong ganado.
“Actually, hindi naman ako yung dito nakatira, it’s France. Kukuha lang ako ng damit niya kasi he’s down at my unit and he’s asleep. Kukuha lang ako ng pinagbihisan niya.” Sabi ko habang naglalakad kami at kunyaring may inaabangang text mula sa phone ko.
“Ohhh, I see...” Sige, I have to go, dito na yung way ko.” Mabilis na sabi ni Tiffany habang papunta sa kabilang wing ng condo at sinasabi niya sa akin ito habang nakatingin siya sa kanyang likuran at naglalakad. Bigla siyang tumama sa may poste.
“Ohhh, kasi. Di nag iingat. Hahaha.” Pang-asar ko.
Nasa tapat na ako ng unit ni France. Parang nabunutan ako ng tinik habang binubuksan ko yung pinto. Hindi ako takot na maging sila or whatever ni France. Pagod na ako sa mga intriga tungkol sa aming dalawa. Intrigera kasi yung babaeng yun eh. Walang tigil ang bunganga. She doesn’t care kung anong mangyayari sa iba. Kung gusto ka niya pagusapan. Pag-uusapan ka nya. Anytime, anywhere. Kung baga, iwantv lang ang peg. Sanay na kasi kami ni France sa asaran na, ‘uy, kayo na ba?’. Pero ito kasi, iba toh. Minsan mapapa-talak ka pa ng wala sa oras. Kita mo naman yung treatment ko sa kanya sa elevator diba? Ang cold. It means that she’s not welcomed here. And, ka-floor niya pa si France. Iniiwasan siya ni France. Pero, I don’t care kung maging sila. Diba, I’m just a fuck buddy.
BINABASA MO ANG
He's Just Beside Me
RomantikFriends with benefits gone to different shores. Who will fall in love? Who will admit that they fell in love? How long can they withstand the feeling that they're not in a commitment? For you to be able to read the private chapters, please be my fan...