Chapter 8: Know your own position
Naniniwala ako sa satlita na loyalty. Hindi ko inexpect na loyalty pa din ang pagiging magjowa ng mag-ex kahit may fuck buddy siya. Pero, yun yung panaginip ko. Nagising ako this morning na sumisigaw. Ang pangit kasi nung panaginip ko. Kinasal si France kay Tiffany tapos ako yung nasa loob ng cake. Ako din daw yung hahatiin sa reception. Putang ina lang eh.
Sobrang badtrip ko talaga nung umagang yun. Nagtetext sakin si France pero di ko pinapansin. Nalaman ko kasi na nagdota sila ni Tiffany kasi sinabi nung bantay sa shop na crush na crush ako. Sa sobrang badtrip ko talaga, di ko pinapansin yung calls, tweets at texts ni France. Kunyari, selos ako na ewan. Pumasok ako mag-isa sa classes ko.
Papasok na ako sa una kong klase. Salamin kasi yung division ng mga walls namin na tinted yung gitna pero hindi tinted yung taas at baba na portion. Nakita ko si France sa loob ng classroom ko. Kinakausap niya yung mga classmates ko. Naisip ko na hindi na pumasok kasi nga iniiwasan ko. Pero, narealize ko din bandang huli na dahil lang sa simpleng selos hahayaan kong bumaba yung grades ko? No way. Naisip ko na lang na pumasok. Umupo ako sa lagi kong inuupuan at hindi pinansin si France.
“Kris, ba’t di ka nagrereply?” Bati ni France habang kunyari busy ako sa pag-bro-browse.
“ . . . “ Busy pa din ako sa pagbro-browse ng mga balita.
“Uyyy, ano bang ginawa ko? Tanong ni France.
“You did nothing. I just don’t feel like talking to you because you played dota with her without even telling me so... That’s it! ... Bitch.” Sabi ko sa mabilis na paraan.
“I’m sorry na po. Alright, how can I make up?” Alok ni France.
“We are never ever getting back together. Joke. I understand France. I know my position naman.” Sabi ko naman habang busy ako sa pagbrobrowse.
“Okay. Well, lunch tayo later?” Alok ni France.
“I have plans. Sorry. Ask Tiffany, she’s always available isn’t she?” Pataray kong sagot.
“Aw, Okay. I see. Sige, catch you na lang later.” Sabi ni France na habang paalis at halatang lumbay at wala sa sarili.
Pag-alis ni France, nagsigawan ang lahat. Ms. Friendzoned daw ako. Sinabi ko naman na hindi ko fi-nriendzone si France, inaway ko siya kasi ako ang na-friendzone. Nakinig na lang ako kay prof, nagfocus sa mga gawain ko at nag notes ng maayos. Inisip ko kung anong gagawin ko sa lunch kasi wala naman akong gagawin talaga. Naisipan ko na lang na magdota buong maghapon kasi wala naman akong classes after that day.
Sa comshop, umupo ako sa lagi kong inuupuan. Number 17 kasi yun ang parang monthsary kunyari ko samen ni France. Saka, eto lang daw yung PC dito na i3 yung processor. Dito na ako naglaro at nagdota. Yung mga lalaki sa likod ko, pinaguusapan ako, naka 32-0 kasi ako na kills gamit yung world class Lanaya ko. Yung isang pogi, niyaya ako ng 1 on 1. Sinabi niya na kapag nanalo siya, date niya daw ako for prom. Pumayag ako. Pero ang kundisyon ko naman kung matatalo ko siya, magsti-strip siya sa harap ko. Game, laro kami.
Dinagdagan ko pa yung pustahan namin. Pumusta ako na tatapusin ko ng 10 minutes lang. Siya pa nag-alok na kapag nagawa ko in 10 minutes, he’ll be my bitch for the night. Sige, go. Game kami. Ginamit ko yung favorite ace hero ko. Si Faceless Void. Di na ako nag-alinlangan pa. 7 minutes na at nasa 3rd tower na ako. Ngayon, sinubukan niya ako ng isang kill. Di ko pinagbigyan, finirst blood ko na siya. 8 minutes na at sinisira ko na yung last towers niya. Nag-GG si mokong. Hindi na daw niya kaya. Lumapit siya saken kasama yung tropa niyang kinakantiyawan siya na mahina at pahiya siya.
“Hey missy, lakas mo huh? Mineski babe ka ba?” Sabi ni kuya.
“Hindi ako malakas. Sadyang weak ka lang.” Sagot ko sabay iling ng tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
He's Just Beside Me
RomansaFriends with benefits gone to different shores. Who will fall in love? Who will admit that they fell in love? How long can they withstand the feeling that they're not in a commitment? For you to be able to read the private chapters, please be my fan...