Chapter 11: May Chance

73 0 0
                                    

A/N: Guys, simula ngayon, si France na po magsasalita. Salamat din pala kay Rachelle Ramirez/Chi dahil sa totoo lang, feel ko walang nagbabasa neto. Hirap akong kumuha ng reads. Pero, sinabi niya na ituloy ko. Kaso, hindi naman niya binabasa. Haha. Medyo badgirl lang. So, enjoy guys. Eto na ang next bracket ng story.

France’s POV (Permanent until further notice)

                Halatang halata ko kay Kris ang pagkagulat. Alam ko na ganun talaga ang i-aasta niya pag narinig niya yung batian namin ni Jico at kung ano yung ginawa namin. Pasensya na, kailangan ko munang pairalin yung puso ko bago yung moral ko. Pero, tama din naman yung moral ko ha? Sadyang hindi lang masyadong tanggap ng lipunan kung paano namin ipapakita.

                Bale, alam ko guys masyadong mabilis kung paano toh nangyari. Kaya, alam kong kailangan naten ng onting catching up. Di ko naman kayo lulugihin eh. Kaya, babawi ako sa inyo. Ikwekwento ko ang nangyari 4 weeks span. Ang aking apat na linggong kilig.

4 weeks ago...

                Sobrang puyat ko galing sa jamming naming dalawa ni Jico sa coffee shop kagabi. Sobrang sarap niya kasi kausap at medyo naiilang ako. Tinanong ko nga yung sarili ko kung bakit ako naiilang eh. Isa lang ang sagot na naiisip ko at nahihirapan akong tanggapin kung ano yun. Nagwagwapuhan ako kay Jico. Tuwing naiisip ko kung gaano kagwapo si Jico. Tila ba natatameme ako at tinitigasan. Pinakamsahol dun eh siya ang iniisip ko kapag nagjajakol ako or kapag ka-sex ko si Kris.

                Nagising ako sa isang tawag. Si Jico. Inaantok pa ako pero halatang medyo nabuhayan ako nung narinig ko yung boses niya.

                                “Hey France... Kamusta ka na? Uy pasensya na dahil pinuyat kita. May exams ka pala today.” Bati ni Jico na halatang nagto-toothbrush.

                                “Ahhh... uhmmm... sige... okaaay. Wala yun. Oy, ikaw kamusta ka?” Bati ko na may sleepy voice effect.

                                “Ayy... Uy, ang sexy talaga ng sleepy voice kahit lalaki ang nagsasalita. Pramis, you turn me on pare.” Panglandi ni Jico.

                                “Napaka-bolero mo. Sige Jico, mag ready ka na. Sleep muna ako tapos review onti pag-gising ko. Thanks ulet kagabi pare ha?” Pasalamat ko.

                                “Uy wala yun pre, ano bang rereviewhin mo? Baka matulungan kita.” Alok ni Jico.

                                “Uhm, Philippine Economic Politics pre. Diba naging subject niyo yan? Polsci ka eh.” Usisa ko.

                                “Well, oo. Uno ako dyan. Medyo bad boy pa ako sa lagay na yun ha? Hahahaha. Sige pre, daan ako dyan. Text ka saken kapag gising ka na. I’ll lend you my time. Wala akong gagawin today.” Suhol saken ni Jico.

                                “Sige pre, idlip muna ako.  Talagang hindi ko na kaya. Pinuyat moko to the max eh. Thanks din Jics. Text kita ha?” Sabi kay Jico na nireplyan niya ng Okay at binaba ko na yung phone.

                Natulog na ako. Pero bakit ang tigas ng titi ko? Morning glory? O Morning Landi? Yung totoo please. Hindi naman ako nababakla diba? Straight ako. Teka, feel ko ang haba haba nung rereviewhin ko. Kailangan kong galingan. Buti nga at tutulungan ako ni Jico eh. Sure ako na alam na niya kung anong gagawin dun.

                Bumalik ako sa tulog. Nag set ng alarm ng 10:30 para magising at 1 ng hapon yung 1st subject ko. May time pa naman mag review. Sana hindi ako mahirapan. Tulog na nga Francisco Consunji. Masyado ka nang puyat.

He's Just Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon