Chapter 4: Unexpected Guest and Guess

145 0 0
                                    

Minsan, yung mga taong hindi mo inaasahan ay sila pa pala yung dumadating sa mga lugar na hindi mo sila dapat makita. Katulad na lang ng taong pumarada dito sa tapat ng Shangrilla at bumaba sa isang itim na mini-limousine. Pormang mayaman. Dating mayaman. Hubog mayaman. Si daddy lang pala.

Nagpanic ako ng husto. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung bakit ako nandoon. Binulungan ako ni France at sinabi na relax lang. Mas lalo daw akong mahahalata ng tatay ko kapag nagpapanic ako. Siyempre, ako agad ang unang napansin ng tatay kong panot dahil kaming dalawa lang naman ni France ang nandun sa lobby ng mga panahong iyon. Kinausap kami ni Daddy at kinakabahan ako na ewan.

                “Daddy, kamusta? What brings you here in Manila?” Bati ko sa kanya.

                “Goodmorning tito.” Bati din ni France sabay nakipagkamay kay daddy.

                “Oh iho, anak, okay lang ako.  I just came here sa Manila kasi I have a business meeting.  I’m gonna talk to France’s tito. Oh yes France, your tito Manny will be here later. We’ll talk about the newest airline we want to establish. We’ll have golf later. Do you want to join us, huh? Sumama ka na din sweetheart para di ma-OP si France.” Alok ni daddy sa aming dalawa.

                “Sige po, tito. Mga what time po ba ‘yun?” Tanong ni France.

                “Uhm, we’ll have our business meeting at lunch. I guess you guys should be here at 3:30 in the afternoon. We’ll just take a helicopter to our resort in Ilocos.”

                “Sige po, tito. Uwi lang po muna kami Kris. See you po later.” Paalam ni bespren.

                “Dad, mauna na po kami. See you later.” Paalam ko sa tatay ko sabay yakap at halik sa pisngi.

                “Take care sweetie.” Paalam sa akin ni Dad sabay yakap at halik. “Iho, alagaan mo si Kris ha?” Dagdag pa niya.

                “Opo tito, hehe.” Sagot ng mokong sabay sakay sa kotse.

                Habang nag-u-u-turn si France papunta sa exit eh napagusapan namin yung nangyari kanina sa lobby.

                “Buti na lang di tinanong ni daddy kung anong ginawa natin doon. Kungdi, tudas tayo.” Sabi ko.

                “Wala yun, di naman niya itatanong yun eh. Sabi ko nga diba, relax lang?” Sagot ni France.

                “Eh pano kung tinanong?” Reklamo ko.

                “Eh di sabihin natin na nag breakfast lang tayo.”

                “Eh pano kung tinanong sa front desk kung nag-check intayo?” Reklamo ko ulet.

                “Eh di sasabihin natin na lasing na lasing tayo kagabi at galing lang tayo ng Embassy kaya tayo nag check-in dito.”

                “Eh pano kung tinanong kung anong room yung kinuha natin. Kung 2 beds ba o 1 bed?” Reklamo ko na sinundan ng mahabang katahimikan.

                “Oh diba? Hindi lahat ng bagay makukuha naten sa pagtatago! As they say nga, walang lihim na hindi nabubunyag! Haaay. I’m so doomed kung nangyari yun.” Panghuling reklamo ko.

                “Ewan ko sayo Kristine Margaux Elizalde Araneta Center Cubao. Napaka... Haaay ewan.” Maktol niya.

                “Sige! Ituloy mo! Ano ako? Napaka....?” Tanong ko.

He's Just Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon