CHAPTER 2

451 14 0
                                        


Nakauwi na ako sa mansyon ng mga Srigarda. O mansyon ni Sir Griseo. Madaming mansyon ang Srigarda. Ang isang ito ay kay sir Griseo. At dahil siya ang boss ko ay dito ako nakatira sa kanya.

"Nandito ka na pala, Addie." Nagmano ako kay Nay Selia. Siya ang mayordoma sa mansyon ni Sir Griseo.

"Opo nay, maaga kaming natapos sa school e." Sagot ko.

"Eksakto, may ginawa akong meryenda sa kusina. Halika at kumain ka muna dahil nangangayat ka nang bata ka!" Natawa ako sa kanyang tinuran.

"Ano naman nay- Whoaah! Mango float!" Alam na alam talaga ni Nay Selia ang paborito ko! Natawa ito dahil sa aking reaksyon. Kulang nalang siguro na tumulo ang laway ko sa aking bibig.

"Alam ko naman kasing paborito mo ito." Nagslice ito ng dalawa at inilagay sa platito tsaka binigay sa akin kasama ang tinidor. "Heto, kumain ka muna."

"Salamat, Nay!" Masayang sabi ko at sumubo.

Napangiti ako sa sobrang sarap. Nakakawala ng problema! Natawa ulit si Nay Selia sa aking reaksyon. Talagang nakakapagpasaya ang pagkain!

"Oh, Juice. Baka mabulunan ka diyan." Sabi ni Nay Selia. Nginitian ko lang ito.

"You look so happy," Sabay kaming napatingin ni Nay Selia sa lalaking nakasuot ng americana at ang blonde nitong buhok ay magulo.

"Hello po, Sir! Magandang gabi!" Tumayo ako at yumuko.

"Magandang gabi, Senyorito." Bati ni Nay Selia.

"Good evening. What are you eating?" Tanong ni Sir Griseo.

"Ano po, Mango Float. Gawa ni Nay Selia." Sabi ko at ngumiti. "Masarap po Sir, try niyo."

"Sure, may I have one Manang Selia?" Agad namang kumuha ng platito si Nay Selia.

"Sige po, senyorito."

Napatingin naman sa akin si Sir Griseo. "How's school?"

"Ayon, Sir. Ayos naman. Nanominate nga akong SSG Vice President kasi ninominate ako ng anak ni Vice President Ochoco na maging presidente ng klase namin at ninominate ako ng isang Salveja bilang SSG Vice President. Magiging busy na yata ako nito." Daldal ko kay Sir. Mahina itong tumawa sa aking tinuran.

"Wise choice. Tama ang ginawa nila, you are more capable for that position, Addie." Sagot ni Sir. Inilapag ni Nay Selia ang Mango Float at Juice.

"Thank you, Manang Selia." Nagsimula ng kumain si Sir.

"Nako, ang galing naman ng bata na ito at naging SSG Vice President ka agad!" Sabi ni Nay Selia. Sumimangot ako.

"Tapos Nay, nakita pala ni Professor Jo 'yong school record ko. Nalaman niya na consecutive valedictorian ako dati." Ngusong sabi ko at sumubo ng Mango Float.

"Siyempre, ganiyan kapag nakitaan ka ng galing." Sagot ni Nay Selia.

"Ihh Nay Selia, kung magiging busy na ako sa school edi hindi na ako makaka-assist kay Sir Griseo no'n." Napalingon naman si Sir Griseo at niluwagan ang kanyang neck tie.

"Nah, you focus on your studies for now. You did well last summer." Tumingin ito sa akin ng may ngiti sa labi. "Focus on your studies. And I have a little favor in exchange of supporting your studies and your allowance, Addie."

"Can you please leave us for a while, Manang Selia? I wanna talk to Addie one on one." Aniya.

"Sige, Senyorito." Tinungo ni Nay Selia ang kusina.

"My brother, Draco will be living here for a year to finish his degree." Aniya.

"He will stay in my house until he finish his studies. And you will be the one who will assist him. Instead of assisting me, you will assist my brother." Tumango-tango ako.

POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon