"This place is so beautiful."
Nasa Medina kami ngayon, matagal na no'ng gusto ko itong puntahan.
Nasa Mindanao kase ito at isa sa mga kakilala ko ang nagrekomenda na magbakasyon ako dito.
The water was crystal clear and the sand is so white. Talagang masusulit 'yung bakasyon dito since we planned to stay here for 2 weeks.
After weeks of finishing our works ay ngayon palang kami makakapagbakasyon ni Draco. I mean, we have our honeymoon at Palawan dahil do'n ko pinili.
It's almost a month na din. Huminga ako ng maluwag habang nakatingin sa dagat. This is pretty soothing than I thought.
"It's been a while since I came here." Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Kuya Griseo.
"Nakapunta ka na pala dito, Kuya?" He nodded.
"3 years ago, I came here because of my friend." I saw something in his eyes the way he looked at the sea.
"Mabuti at nakapunta ka na dito Kuya."
Naninibago pa rin ako na tinatawag ko siyang Kuya, siguro ay nasanay ako na tinatawag siyang Sir.
Nasa accommodation sila Draco para ilagay ang mga gamit namin.
Habang sila Yael naman ay hinahanda ang mga kagamitan dahil may plano ang mga ito na magbarbeque.
"Addison, kamusta ka do'n sa Macau?" Lumingon ito sa akin.
I sense something about him pero binalewala ko lang ito.
"I'm fine, at first naninibago ako pero nasanay na ako nang tumagal na." Inilubog ko ang aking mga paa sa pinong buhangin.
"Didn't you miss us here?" I chuckled at his question.
"Na-miss, of course. Pero kailangan kong tapusin 'yung sinimulan ko do'n." I squatted and pick the purple colored shell.
Hindi ko alam kung anong pangalan ng shell na ito pero ang cute. Nanguha pa ako ng ibang shells tapos ay tumayo na.
"Addison, may sasabihin ako sa'yo." He lowered his voice and moved closer to me.
"Huh? Ano 'yon?" Tumingin ako sakanya.
Something's not really right. Matamis na ngumiti ito sa akin at hinawakan ako sa balikat.
"Don't be mad okay?" His smile widened even more.
"Anong—"
"I missed yo—"
"Griseo Alejandro Srigarda." Agad akong napalingon ng marinig ang napakatabang na boses ng babae.
Napanganga ako ng makita ang isang matangkad na babae na suot-suot pa ang navy uniform nito.
Hindi ako familiar sa symbol na nasa balikat nito at madaming medalya ang nakasabit sa dibdib nito.
Sino siya? Ang ganda niyang...
"Hi, Bian." Nagbago ang expression sa mukha ni Kuya Gris.
The tall woman glared at him and looked at me. She scoffed and grabbed me from Kuya Gris's arm.
"Do you want me to file your adultery?" Malamig ang boses nito at ang kanyang tingin ay nasa kay Kuya Gris pa rin.
Ngumisi ito at pinagkrus ang kanyang braso. "You should fight with my mistress if you really know I'm chea—"
"I-I'm not his mistress!" Mabilis kong sabi habang nakatingala sa babae.
Tinaasan ako nito ng kilay. "What?"
BINABASA MO ANG
POSSESSION
RomansaNo one can take a Srigarda's possession. Not even Lucifer from the depths of hell.
