Nasa labas ako ngayon at nagunat-unat. Kakatapos ko palang magluto since natutulog pa ang iba doon sa loob ng cabin. Madami ang niluto ko dahil alam kong matatakaw ang mga iyon. Gaya ng kahapon, madami iyong karneng dinala ni Thaddeus pero naubos ito at kulang pa para sa kanila. Buti nalang at nakakain si Thaddeus.
Kahapon din ng gabi ay nagpadala ng food supplies at medyo marami ito. Feeling ko nga ay aabot ito ng isang lingo. Ngunit sa nangyari kahapon ay tama lang siguro na madami dahil malalakas kumain ang ibang kasama ko. Si Raverie lang yata ang kimi kumain dahil diet daw siya.
Napabuga ako ng hininga. Unang araw ng survival camp. Napatingin ako sa papel na nakadikit sa may pintuan. Ngayon ko lang ito napansin.
Survival Camp Day 1 : Chase and Steal
Good day, teams! We are informing you all that the first challenge is Chase and Steal. In this challenge, you must collect black coloured objects with the seal of the AH and DFU possessed by the wild animals. You need to chase them and steal the said object. 1 black coloured object is equal to 1 point. After the challenge, a staff will find you and you must give the objects you collect and we'll do the rest. Good luck, teams! -- S.C Handlers.
Napabuga ulit ako ng hangin. Seryoso? Ito ang unang challenge? Napatingin ako sa bulto na papalapit sa akin. It was Thaddeus. Nauna kasi itong magising sa akin at nakita ko nalang siya na nagsisibak ng kahoy at ngayon, dala niya ang dalawang balde at nagiigib ng tubig.
Napakasipag naman niya masyado, parang senyorito ang mga kasama niya. Hindi ko mapigilan na mapairap.
"What's that?" Tanong niya habang nakasulyap sa aking kamay. Sa papel.
"May unang challenge na." Sabi ko. Inilipat niya naman ang tubig sa container.
"Oh, it started."
"Pagkatapos nating kumain, tsaka na tayo magsisimula." Sabi ko at tinalikuran siya. "Gigisingin ko muna sila." Sabi ko.
Tumango na lamang si Thaddeus at hinayaan akong gisingin sila. Somehow, I felt at ease when I am with Thaddeus. Ang pakiramdam na may nakakatanda kang kapatid... nararamdaman ko iyon sa kanya.
Inuna ko ang nasa ibabang kwarto. Kinatok ko ang kanilang pintuan.
"Hey, gising na!" Kumatok ulit ako sa kabilang pintuan. "Gising, gising!"
Unang bumukas ang pintuang nasa kaliwa at bumungad sa akin si Yael na inaantok pa ang pigura.
Humikab pa ito habang kinukusot ang kanyang mga mata. "Ate Addi?"
"Lumabas na kayo, mag-aalmusal na." Sabi ko.
"Okay."
Kinatok ko ulit ang isa pang pintuan. "Wake up, sleepy heads!"
Kakatok pa sana ulit aki ngunit biglang nagbukas ang pintuan at bumungad si Cadius na topless.
"What do you want in this early morning?" Taas kilay na tanong nito.
"Kakain na." Sabi ko.
"Wait a minute. I'll just wak up that bastard." Aniya at sinaradong muli ang pintuan.
Umakyat ako sa second floor.
Kinatok ko rin ang kani-kanilang mga pintuan.
"Gising na kayo! Kakain na!"
Kinuha ang pangtali ko sa buhok at hinayaan kong huminga ang aking buhok mula sa pagkakatali. Hindi naman mainit since may aircon naman ang cabin na ito.
Lumabas muli ako at hinanap si Thaddeus. Nang marinig ko na may tunog mula sa nagyayabungang bulaklak ay nakita ko sa likod no'n si Thaddeus na nagsisibak ng kahoy.
BINABASA MO ANG
POSSESSION
RomansaNo one can take a Srigarda's possession. Not even Lucifer from the depths of hell.
