PROLOGUE

758 20 1
                                    

Isa akong ulirang estudyante ng Adamant High. Sikat na sikat ang paaralan na ito dahil halos lahat ng mga estudyante dito ay mga high profiled. Kumbaga galing ang mga ito sa mayayaman at kilalang pamilya dito sa Los Reales.

Nakapasok ako sa Adamant High dahil sa tulong ng amo ko. Si Griseo Srigarda. CEO siya ng Srigarda Conglomerates. Siya ang panganay na anak ni President Aresio Srigarda. Kaya kilalang-kilala ang mga Srigarda sa buong mundo. Presidente, CEO, Mayor, Attorney at Doctor ba naman ang nasa pamilya nila. Plus madami ang Srigarda. May taga-ibang bansa pa! Kaya medyo maswerte ako na sila ang naging amo ko kahit working student lang ako.

Assistant ako ni Sir Griseo at alam niyang engineering ang kukunin kong kurso kaya sinupportahan niya ako. Sabi niya ay balang araw ay magiging kasapi ako ng Srigarda Construction Inc. Isa ito sa mga handle ng Srigarda Conglomerates. Dito nakaassign ang mga architects, enginners at designers. Madami pang handle ang Conglomerates. Hindi lang construction company, kung hindi ay mga hotels, beach resorts, perfumes, cosmetics, at iba pa. Kaya masasabi ko ay talagang SOBRANG yaman nila!

Kinuha ko ang mineral bottle sa bag ko at uminom. I am wearing my uniform. Red cardigan with the logo of Adamant High, sa opposite side nito ang logo ng engineering department. White long sleeve inside with my black necktie and black skirt, black socks and black boots. Nakatali din ang buhok ko at tumutulo ang pawis galing sa aking noo. Nasa labas kasi kami para magconduct ng interview sa mga estudyante ng AH.

Hinanap ko si Ricci. Nasaan kaya ang lalaking 'yon nagsusuot? That gay friend of mind! Ugh, kung saan nagsusuot para lang makakita ng fafa niya! Hinanap ko ito. Busy na ang iba naming kaklase sa pagiinterview habang ako ay hinahanap parin ang baklitang yon.

"Ricci Sebastian! Nasaan ka na ba?!" Inis kong sabi.

"Si Ricci ba ang hinahanap mo, Addie?"Nilingon ko si Shenry.

"Oo e, nakita mo ba siya?"

"I saw him with Colann e, hindi ko alam kung saan pumunta an dalawang iyon."

Huh? What? Bakit kasama niya si Colann? Kilala si Colann dahil isa siyang playboy. Don't tell me na nabiktima no'n si Ricci?! Nako ang baklang iyon!

"Nako salamat Shenry. Hahanapin ko muna ang kumag na iyon." Natawa si Shenry sa tinuran ko.

"Sige, hanap well."

Nagsimula na akong mag-ikot. Argh nasaan ba kasi ang baklita na iyon?Kay aga humaharot na!

Inis na inis na ako kay Ricci. Halos 30 minutes ko na siyang hinahanap at malapit ng maglunch time.Nagugutom na ako,my goodness!Pero hindi ko parin mahanap si Ricci. Iiwan ko nalang siya! Bahala siya, may konti naman akong na-interview kanina at talagang nagugutom na ako. Nauna sila Shenry sa akin sa cafeteria. Bakit ko ba hinahanap ang Ricci na iyon? Hindi naman siya especial!

Nagmartsa ako papuntang cafeteria. Naiinis parin ako. Nagorder ako ng Menudo, Carbonara at kanin kasama na ang tubig. Nagugutom na talaga ako. Hindi pwedeng malipasan ako dahil baka masabunutan ko lang ang baklang iyon kapag nakita ko na ito.

"Hi, Addie. Pwede bang dito umupo?" Napatingala ako sa nagsalita. It's Boa. Isa sa mga  sikat dito sa AH.

"Nakaupo ka na nga e."Sabi ko at sumubo ng kanin. Tumawa ito sa sinabi ko.

"Advance ako e, baka tumanggi ka." Hindi ko nalang ito pinansin.

Delikado na, baka pinagchichismisan na ako dahil parang naging bubuyog ang paligid namin. Akala nila hindi ko sila nariring? Hindi naman sila nagbubulungan! Hindi na nahiya ang mga ito. Pati itong kaharap ko parang nagdi-day dream.

'Look, bakit kasama ni Boa ang freshman na iyan?'

'Nilalandi niya si Boa? Baguhan palang pero malandi na!'

POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon