This Story made by artistry of mine.
Ang ano mang pangalan, lugar o pangyayaring nagaganap sa storyang to ay nagmula lamang sa malawak kong imahinasyon.📢 Plagiarism is a CRIME!
Sorry na agad sa mga wordings, maling grammar at spelling.
I'm not that perfect you know! 🫰🫰🫰Sana magustohan niyo tong munting storya ko. Please leave any comments, and Votes. Marunong din po ako mag-Follow back message niyo lang po ako sa mga may gusto. Thank you guys sa supporta in advance. ❤️ -- ARIRIKU
-Charm POV-
Ano ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo?
Ano ang Gagawin mo para manatili lang siya sayo?
Hanggang kelan mo kayang maghintay para sakanya?Some point of my life masasabi kong I'm okay without him. Okay ako. At
kaya kong harapin ang bukas nang wala siya.
Magiging okay at worth it din ang lahat ng sacrifices ko at ang pagbitaw ko sakanya. But there's some part of my mind telling me don't give up for someone you love na sobrang nagpapagulo sa kasalukuyang mundo ko."So ano na nga Charm ? Kelan ka babalik ng Pilipinas?" Si Lea my BestFriend.
"Soon?" nakangiting sambit ko.
"Ano yan? Alam mo nagtatampo na sayo si Mommy. She expected you to be here. Birthday niya ohh. Miss na daw niyang makita na buo ang barkada . Birthday Wish niya yun remember? Kaya akala niya makakauwi ka this year" . Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya."I miss Tita too. Balitaan kita kapag na.approved ang leave ko.okay? . see you so soon."
"hay na ko. Bahala ka nga. Asahan ko yan ahh. Basta umuwi ka. Ay teka. Charm? Alam mo na ba?" . Napaisip ako sa sinabi niya.
"Ang alin?"
"About Drake? You know"
"Lea. hayaan na natin siya. I think masaya na siya" .
Something about may ex-boyfriend."Fine sige tama ka naman dyan masaya na nga siya. And you Don't have to Worry. Hay naku !"
Pagyayamot niya sa kabilang linya. At napangiti naman ako."Ikaw talaga. So Pano . I Have to go. time to work ." Habang busy ako sa pagaayos nang maleta ko. Sabay sakay sa Taxi.
"okay. See you soon!" . Napatitig ako sa screen nang phone ko . Sabay tingin sa labas nang taxi na sinasakyan ko.
Kung alam mo lang Lea I don't know kung masaya ba talaga ako? . Nasa isip ko habang nakatingin sa labas . Nakatingin sa mga naglalakihang building.
Si Drake. my Boyfriend for 10 years.qajg
Yes 10 years . Almost half of my life nagmahal ako ng iisang tao.------
"Happy Birthday Tita !"
Bungad ko sa Pintuan nila Lea.
Mukang nagulat ko sila. tumingin lang sila saken napara bang nakakita ng Isang bagay na di nila inaasahan."So ano. Tititigan niyo lang ba ko?"
Open arms at ngiting ngiting sambit ko."Chhhhaaaaaarmmmmm ! Oh my God you're here! Ang daya mo sabi mo hindi ka makakapunta." si Lea na nilapitan ako at niyakap pagkatapos akong hampasin sa tuwa at sobrang gulat sa pagdating ko.
"Charmmm. Wow. Ikaw na ba talaga yan?"
Si Luke . One of the bestfriend ni Drake. Lumapit din para yakapin ako."Wow. The Italian Girl ! How are you ?"
Si Jay. His Best of Friends."The one and only Charmaine Alcantara! Is back!" si Zoe.
"Grabe! hindi namin inaasahan to ahh. We miss you Charm!" May pagbeso at hug si Betty.
Niyakap nila akong lahat. .
At sobrang nagulat dahil wala akong pinagsabihan ni isa sakanila na umuwe na ko ng Pilipinas. Maging kaninang kausap ko sa phone si Lea wala itong ka idea na papunta na ko sa bahay nila.FLASHBACK
"So. What do mean Charm? Babe? Ano gi-give up mo ko for the seek of your dreams?"
"Drake. I'm so sorry ! Alam mo diba matagal ko ng gusto to. Magtrabaho sa Italy ang sa tingin ko makakatulong sa pamilya ko. Alam mong ako lang ang inaasahan ng mga magulang ko. Hindi ko sila pwedeng "
"Fine ! Umalis ka. At sige . Kalimutan mo na lahat ng kung anong meron tayo! Doon ka masaya? Yun ba talaga magpapasaya sayo? Then Go ! Ang sabihin mo Hindi mo ko mahal !"
"Drake ? You know How much I love you . I didn't stay in this Relationship ng ganun katagal kung hindi kita sobrang minahal!"
"Then Why are you leaving now? iiwan mo ko ! bakit Charm? Dahil ba ganito lang ako?. At oo hindi ko kayang ibigay sayo ang lahat ng gusto mo. Pero Charm. Alam mo ginagawa ko naman ang lahat para sayo para saten. Konteng hintay lang hinihinge ko!"
"Pero hanggang kelan Drake? Hanggang kelan ako maghihintay? Kailangan ako ng pamilya ko. at ito na ohh. ito na ang pagkakataon ko matupad lahat ng pangarap ko! at hindi ko na kayang palampasin pa ulit to sa pangalawang pagkakataon! Kung hindi mo ko kayang suportahan parin sa pangarap kong to. Sorry siguro kailangan na talaga nating tapusin to!"
"Charm. No ! please hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Wag ka nang umalis. kung gusto mo magpakasal na tayo. at gagawin ko lahat Wag ka lang umalis! please ! "
Lumuhod ito at nagmamakaawa. Lumuluha ako pero patuloy na paglayo sakanya. Hindi ako lumingon dahil alam ko pagnakita ko siyang ganun lalambot nanaman ang puso ko para sakanya.----
That conversation . Hinding hindi nabubura sa isipan ko. .at ang bigat ng usapang yun hanggang ngayon nandito padin. At oo inaamin ko nasasaktan parin ako . For two years nandito padin ang sakit. Kahit ako yung nang-iwan, ako ang umalis. Pero alam ko sa sarili kong hindi ako sumuko. Hindi ako sumuko sa pagmamahal ko sakanya. .
The last time I checked my self. Umiiyak ako pagkatapos ko malaman that after a year ng hiwalayan naming ayun may bago na siyang karelasyon. .
Gustong Gusto kong bumalik ng Pilipinas noon. Gusto ko siya balikan. Gusto kong ako na lang ulit. Ako nalang ang mahalin niya ulit. Kahit magmakaawa ako sakanya gagawin ko. Pero hindi ko nagawa.I know it was my fault. Wala eh. Ito na ang ginusto ko. At dahil sa pride at kagustuhan kong makatulong sa pamilya ko pinaninindigan ko na to. Hinayaan ko siyang tuluyan nang mawala saken. At sana magawa kong panindigan hanggang dulo.----
REALITY
"Hi. Charm ! Iha. Nice to see you again! I really miss you. Thank you at dumating ka."
Si Tita Lucia. Mommy ni Lea ."I Miss you too tita. Happy Birthday!"
Niyakap ko siya..
Ganito ang ganap sa tuwing napupunta kami sa bahay ng mga kaibigan namin. Parang anak na ang turing nila sa mga kaibigan ng mga anak nila."Happy Birthday Tita Lucia. Sorry We're late!"
Boses ng lalaking minahal ko. Napalingon kaming lahat sakanya."Its okay iho. Kayo talaga ni Charm pasurprise as Always.Sabi ko na nga ba at magkakabalikan din kayo!"
Ngiting sambit ni tita Lucia. Na-ikinagulat naming lahat. (O_O)"Naku. Mommy talaga! Hindi pa sila nagkabalikan! Ikaw talaga. Look!" Saway ni Lea sa mommy niya. At ngumuso sa kasamang babae ni Drake na nasa likuran palamang nito nung mga sandaling iyon.
"Hello everyone. Hi Tita. Happy Birthday po !"
Bitin na ngiting sambit ni Lexie na agad namang lumapit kay tita at nakibeso..
At natulala naman si Tita sakanya."Aw. I'm sorry. I thought. Naku. Tumatanda na talaga ako. Hi Iha. Nice to see you. You're so Beautiful. "
Ngumiti si Tita at tinanggap naman ang beso ni Lexie. Habang nakatingin saken at kay Lea."Si Lexie po Tita. Girlfriend ko. And Hello guys! "
Kinuha ni Drake ang kamay ni Lexie at tila proud na pakilala nito kay Tita. At isa isa niya kaming tiningnan nang nakangiti.
Binati sila ng mga kaibigan namin na para bang welcome na welcome si Lexie sa buhay ng bawat isa.
Bakit parang may kumirot sa puso ko nang makitang masaya siya.
It must be Me. Yung kahawak niya ng kamay.
YOU ARE READING
-WIN BACK into PRESENT- [COMPLETE]
RomanceNakatayo kaming magkatabi ni Lexie habang tinititigan si Andrew na nakaangat sa ere. Hindi mawala wala sa puso ko ang saya sa pakiramdam makita ang magandang ngiti nang isang anghel. Ngayon masasabi kong I literaly WIN BACK INTO PRESENT with Drake's...