-Charm POV-
Nang mga sumunod na araw naging mabilis ang takbo ng oras para saken. Naging sobrang busy at Hindi na namamalayan pa ang petsa.
Hindi ko madalas nakikita ang mga kaibigan ko. Kaya naman sinubsob ko ang sarili sa trabaho.Kasalukuyan akong papunta sa Isang Client nang magring ang phone ko.
--Betty's calling...
"Oh dear. Hello? "
Pagsagot ko ng tawag niya."[Charm! Hurry. Si Lea! "]
Agad ako napaayos ng upo. Parang may kaba at takot sa boses niya."What happened? Bakit napano ni Lea? "
Agad na tanong ko."[Sinugod namin si Lea sa ospital malapit sa sa Condo nila Drake. May nakain siyang bawal sakanya. Si Lexie kasi. Ah basta Pumunta ka dito]."
Agad ako napaisip. Si Lexie? Anong ginawa niya kay Lea?Anong nangyari kay Lea? Bakit si Lea?
"Sure I'll be there! " agad kong ibinaba ang phone at nanatiling nakatuon sa daan habang nagmamaneho.
---
Sa OspitalNakita kong nakaupo habang umiiyak si Lexie na nakayakap si Drake sakanya.
Si Betty nakatayo at palakad lakad. Si Luke naman nanatiling nakaupo sa tabing upuan nila Drake at makahawak ang dalawang kamay bakas sakanila ang pagaalala."Charm!" bungad saken ni Betty pagkakita niya saken. Agad siyang lumapit at napahawak sa braso ko.
"Guys!? What's going on? Ano nangyari kay Lea?"
Agad napatingin sila saken kay Lexie ako nakatingin. Agad naman silang napatayo."Nakakain si Lea ng brownies na gawa ni Lexie na may nuts hindi nama---"
Si Betty hindi na natapos magsalita nang bigla akong lumapit kay Drake."What? Alam mong bawal ang nuts kay Lea! Ikamamatay niya yun! At hinayaan mo lang? "
Tumaas ang boses ko. Gusto kong umiyak sa kaba at galit na nararamdaman ko."No. Hindi ko alam. Its just that--"
Pagpapaliwanag ni Drake"Hindi mo alam? Drake si Lea yun kaibigan mo na nang higit isang dekada Panong Hindi mo alam? At ikaw !" pagduro ko kay Lexie hindi ko alam sa pagkakataong ito kung ano pa ang magagawa ko. "Hindi mo din alam malamang? Kaya nangyari to kasi wala kang alam! Alam mo bang bago ako napasok sa barkadang to. I do research! Kung anong bawal at mga gusto nila. Para wala akong mapahamak!" Panlalaki ko ng mata sakanya.
"I'm so sorry. Yes kasalanan ko hindi ako nagtanong kung bawal ba sakanya yun. But it's not my intention to hurt anyone."
Pagiyak ni Lexie . Agad naman siyang hinawakan ni Drake ."So Irresponsible!" Nabitawan kong salita sa sobrang galit ko. Nanginginig ang mga kamay ko. And I dont know Why I over react right now.
"Charm. Hindi namin ginusto to. hindi ginusto ni Lexie to. Ako ang may kasalanan dahil hindi ko nasabi sakanya ang tungkol kay Lea."
Si Drake na nakatingin saken. Habang hawak si Lexie. Sa puntong to napailing nalang ako."Si Lea yun !. Alam mo kung anong pwede mangyari sakanya!" Tuloy tuloy ko parin sa pagsalita. Nanghindi ko na naisip kung gaano na kalakas ang boses ko.
Nilapitan ako ni Betty at pinakalma. Si Luke naman tumayo at lumapit saken hinawakan ako sa braso at tinapik."Calm down Charm. Lea will be fine! "
Si Luke napilit ako pinapakalma.Napaiyak ako. Sa lahat sakanila Lea is my Best friend siya talaga ang pinakamalapit saken I can tell her everything na hindi ko kayang sabihin sa buong barkada. Para ko na siyang kapatid. Kaya hindi ko alam kung anong gagawin sa oras na may mangyaring masama sakanya. .
YOU ARE READING
-WIN BACK into PRESENT- [COMPLETE]
RomanceNakatayo kaming magkatabi ni Lexie habang tinititigan si Andrew na nakaangat sa ere. Hindi mawala wala sa puso ko ang saya sa pakiramdam makita ang magandang ngiti nang isang anghel. Ngayon masasabi kong I literaly WIN BACK INTO PRESENT with Drake's...