-WBIP- Part V

1K 20 0
                                    

-Lexie POV-

Everything in my life went into place perfectly. Ang dumating sa buhay ko ang taong hindi ko inaasahang mamahalin ko at mamahalin ako nang higit pa sa deserved ko.

I'm a student Doctor sa isang sikat na private Hospital sa Manila.

"Miss Miranda? We need your help sa E.R May pasyente doon duguan ang noo at pesnge. Paki-assist po please"
Nagmamadaling pakiusap ni Nurse Cheng.
Agad kong tinakbo ang E.R upang puntahan ang nasabing pasyente.
Nakaupo siya sa wheelchair nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Nurse Joe.

"Joe. Ako na!" pagkuha ko sa kamay ng pasyente.
Nagulat ako ng bigla siyang tumitig saken hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Dok! Tulungan mo ko-- ! ibalik niyo dito Si Charm! Hindi ko kaya ang wala siya! Please Dok--!"
Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nakita kong pumapatak na ang mga luha sa mga mata niya.

"Calm down Sir. Gamutin muna natin ang mga sugat niyo."
Kinuha ko ang mga gamit panglinis sa mga sugat niya.

"Please Dok! Tulungan niyo ko! " pagpatuloy niya na parang nagmamakaawa parang bata na iyak ng iyak. .
Naamoy ko sa kanya ang alak. .

"Dok Lexie. Siya si Mr. Drake Villamore. Nakipagrambulan daw po sa isang Bar kaya nagroon nang mga sugat ayun sa mga nagdala sakanya dito."
Pagsasaad ng impormasyon ni Nurse Joe.

"I see. Sige ako na ang bahala sakanya dito. Pakitawagan nalang ang contact person ng pasyente."
Agad kong hinawakan ang muka ng pasyente. Nasa oras na to nakatingin saken na tila ba kinikilala kung kakilala niya ko.

"Sir. Lilinisin ko lang po ang mga sugat niyo. Then after this. Magpahinga po muna kayo."
Tumango siya at napangiti naman ako. Mukang nahimasmasan siya kaya sumunod lang at hinayaan akong linisin ang mga sugat niya sa muka.
Nakita ko kung gaano kaamo at kagwapo ng taong to kung wala itong mga sugat. Nanatili siyang tahimik halatang pagod na.

"Sir. Okay na. Magpahinga po muna kayo dito hihintayin lang po namin ang contact person niyo"
Akma akong tatayo nang bigla niya kong hinila at niyakap na ikinagulat ko. At nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

"Wag mo kong iwan. Please!"
Agad ko namang tinapik ang likuran niya. I know this is not part of my Job. Pero hindi ko alam kung bakit biglang gumaang ang pakiramdam ko sakanya.

"Sige Sir. Magpahinga na po kayo. If you need something. Tawagin niyo lang po ko Doc. Lexie"
Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at ngumiting tumingin sa kanya.
Agad naman siyang napayuko. Mukang nakatulog na sa sobrang pagod.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot para sakanya.
Sandali ko siyang tinitigan at agad tumalikod muling naglakad pabalik sa ibang pasyente na kailangan din ng tulong ko.

Dumaan ang mga oras hindi ko namalayan ulit ang pasyente ko kanina may nakita akong dalawang lalaki at isang babae na dumating upang makita siya nanatili lang akong nasakabilang dulo nang nakatingin sakanila. Natutulog ang pasyente habang sila nandun nakatayo habang tinititigan na para bang awang awa sa nakikita.

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo Drake. Hindi babalik si Charm dyan sa ginagawa mo." rinig kong usal ng isang lalaki. Nakaitim na coat na may panloob na kulay asul na damit at itim slacks mukang kilala at may sinasabi sa lipunan.

"Naawa na talaga ako sakanya. Hindi siya dapat magkaganyan." Napatingin naman ako sa babaeng nagsalita. Awang awa sa nakikita. Mukang sosyal maganda pero kagalang galang ang dating niya.

"Makakaya ni Drake to. He needs us. Hayaan na muna natin siya na namnamin ang sakit na nararamdaman niya para saan bat sasaya din ulit siya. " nakapamulsang sambit naman ng isang gwapo at mukang mayamang tao. Sa tingin ko mukang magkakasing edad lang silang lahat.

-WIN BACK into PRESENT- [COMPLETE]Where stories live. Discover now