Lexie's POV
Naging mas maganda ang takbo nang relasyon namin ni Drake yung pakiramdam na unti unting nabubuo ang mundo niya at mundo ko sa pamamagitan nang pagmamahal.
Pero may mga sandaling hindi maiwasang bumabalik sa nakaraan.
"GoodEvening po Lola Adriana" pagbati ko sa lola ni Drake na siyang nagalaga sakanya ayun sa kwento niya.
"Ikaw na ba si Lexie? Naku napakaganda mo palang bata eneng"
Ngumiti ito saken pagkatapos kong magmano sakanya.
"Halika't pasok!" hinawakan niya ako sa braso at inakay patungo sa sofa para paupuin."Salamat po"
Pagtugon ko sakanya."Mabuti naman at maparito ka. Masaya akong makilala ka. Hindi mo lang alam parati ka naikukwento ni Drake sa aken . Maraming salamat dahil alam kong isa ka sa mga tumulong sa apo ko. Hindi ko na mawari ang gagawin kung sakaling may mangyari pa sakanyang hindi maganda." bati ko ang pagaalala sa muka niya ngunit agad din itong napalitan nang ngiti nang muling nagtagpo ang paningin namin.
"Yung apo ko mabait na bata yan. May pangarap . Pero nawala lahat dahil---"
Pagpatuloy niyang kwento naputol nang biglang lumapit si Drake sa lola at humalik dito."Naku Babe. Si Lola madaldal to. Pagtiyagaan mong pakinggan huh."
Ngiting sambit ni Drake na agad namang napalo ni Lola nang bahagya sa Hita. Kaya ganun nalang ang naging tawanan namin."Ikaw talagang bata ka. Oo!"
Pagbibiro ni lola. Pangiti naman si Drake palapit sa tabi ko."La. Si Lexie. Matiyaga tong makinig kahit paulit ulit ka pa sa kwento mo. Diba Babe?" pagbibiro ni Drake. Na tinaasan pa ako ng kilay habang hawak ang isang kamay ko. Napangiti lang ako .
"Masaya na kong makita kang masaya apo." napatingin kami ni Drake sa matanda nang nakangiti.
Nakita ko sa mga mata nito ang senseridad sa sinabi niya.
"Sandali nga't titingnan ko si Mareng kung ayos na ba ang mga pinaluto ko para makapagHapunan na tayo"
Agad itong tumayo at sumulyap sandali samin at nagtungo sa kusina."Nakakatuwa ang lola mo. How I wish I still had a grandmother too"
Mahinang sambit ko kay Drake na ngayon nakatingin saken at nakangiti.
"Wag mo nga akong titigan nang ganyan. Naiilang ako. At bakit kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan?"
Saway ko sakanya. Nahinawi pa ang muka niya ."Masaya lang ako. Nakikita ko kasi sayo ang World Peace na hinahanap ko." Agad niyang nilapit ang muka niya saken. At tinitigan ako.
"Tigilan mo ko sa ganyan mong linya Mr. Drake Villamore!"
Muli kong nilayo ang muka niya saken. Habang hindi matanggal tanggal na ngiti sa mga labi."I love you Babe!" malambing nitong sabi sabay isang mabilis na halik sa noo ko.
"I love you too. And--" napahawak ako sa kamay niya nang mahigpit. Nang makarinig nang boses na papalapit samen.
"Hello kuya Drake !"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang may pumasok na isang batang Babae mukang 7 or 8 years old palang. Na agad lumapit kay Drake at yumakap sakanya."Oh Hi. Daine !" Agad naman siya napabitaw sa kamay ko nang yakapin nito pabalik ang batang yumakap sakanya. Napatingin naman ako sa pinto nang bilang may pumasok .
Isa pang binatang lalaki at ang ama nila Drake na nakita ko na noon sa litratong pinakita saken. Kaya agad kaming napatayo ni Drake at lumapit sakanya upang batiin."Dad" sambit ni Drake habang papalapit sa ama. Tiningnan lamang siya nito. Sabay napatingin sa gawi ko.
"By the way. Babe si Dad Martin Villamore. And Dad si Lexie Miranda. My Girlfriend"
Pagpapakilala ni Drake saken.
YOU ARE READING
-WIN BACK into PRESENT- [COMPLETE]
RomanceNakatayo kaming magkatabi ni Lexie habang tinititigan si Andrew na nakaangat sa ere. Hindi mawala wala sa puso ko ang saya sa pakiramdam makita ang magandang ngiti nang isang anghel. Ngayon masasabi kong I literaly WIN BACK INTO PRESENT with Drake's...