Lexie's POV
Maaga akong sinundo ni Drake sa Hospital may dadaluhan kaming Birthday party . Kaarawan nang ina ni Lea invited lahat nang magkakaibigan including me.
Nang marating namin ang bahay nila Lea.
Moment of Truth. Isang bagay na mangyayari agad agad. Ang pagbalik nang taong dating minahal at nagwasak sa buhay ni Drake si Charmaine at ang makaharap ko siya sa hindi inaasahang pagkakataon.
Masayang naguusap ang mga taong naroon. Nang marinig namin ni Drake na tila may sinasalubong silang Bisita. Yes .
Its Charmaine Alcantara my Boyfriend Ex-Girlfriend.
Lumapit kami ni Drake nang tahimik na para bang wala kami roon sa likuran nila.
Hanggang sa nagsalita si Drake. At napatingin samen ang lahat .
"Happy Birthday Tita Lucia. Sorry We're late!"
Lumapit siya kay tita Upang magmano. Ako naman nanatili munang nakatayo sa likuran ni Drake.
"I'ts okay iho. Kayo talaga ni Charm pasurprise as Always.Sabi ko na nga ba at magkakabalikan din kayo!"
Ngiting sambit ni tita Lucia. Na-ikinagulat naming lahat. (O_O)
Nagkabalikan?
"Naku. Mommy talaga! Hindi pa sila nagkabalikan! Ikaw talaga. Look!" Saway ni Lea sa mommy niya. Sabay tingin saken nang lahat.
Hindi ko alam magiging ganito pala ka-Awkward ang sitwasyon.
"Hello everyone. Hi Tita. Happy Birthday po !"
Sabay ngiting paglapit ko kay Tita lucia upang nakibeso .
"Aw. I'm sorry. I thought. Naku. Tumatanda na talaga ako. Hi Iha. Nice to see you. You're so Beautiful. " Nakita ko sa muka ni Tita Lucia ang pagkapahiya nang mga sandaling ito. Na tila hindi alam kung anong gagawin.
"Si Lexie po Tita. Girlfriend ko. And Hello guys! " Lumapit saken si Drake at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. Napatingin ako sakanya maliwanag at maaliwalas ang kanyang muka . Nakaramdam ako nang hinahon sa aking puso .
Napuno nang awkwardness ang sandaling yun.
Lumipas ang ilang sandali.
Nanatili kaming nakaupo kasama nila Jay at Luke. Masayang naguusap nang mga bagay bagay.
"So kamusta ang first meet nang the Past?" panunukso ni Luke habang nakatingin sa Veranda. Alam kung naroon sila Lea at ang ilan sa mga kaibigang babae including Charmaine.
"Maganda pala si Charmaine in person." kinuha ko ang wine glass na nasa harapan ko at tinitigan ito nang nakangiti.
"Awkward ninto !" panunukso ni Jay.
Sabay sabay naman kaming nagtawanan.
"Isa yan sa mga bagay na nagustuhan ko kay Les! Ang pagiging genuine niya. Kahit sino pinupuri at kino-compliment." Napatingin ako kay Drake hinawakan naman niya ang kamay ko. Ngumiti siya saken at nilapit nag muka niya sa muka ko.
Yes this is Awkward !
Kung meron man akong nararamdaman ngayon. Hindi ko maipaliwanag ito. Sobrang kakaiba to saken. Ano ba ang dapat maramdaman ko sa mga sandaling to?
Masyado akong masaya at secured ang feelings ko kaya hindi ko alam kung ano bang epekto nang muling pagbabalik ni Charmain sa buhay ni Drake.
"Tama na nga yang panunukso! Lets have a toast ! Lets be happy !"
Itinaas ko ang glass na puno nang wine at sabay sabay kaming nag toast.
Habang tumatagal kami sa iisang lugar kasama ang ex Girlfriend ni Drake mas lalong naging awkward.
Ramdam ko ang pangangapa nang bawat taong naroon. Bilang ang mga salitang binibitawan nila. Para bang may mga bagay na bawal banggitin.
Maging ang kilos o galaw ingat na ingat silang lahat.
YOU ARE READING
-WIN BACK into PRESENT- [COMPLETE]
RomanceNakatayo kaming magkatabi ni Lexie habang tinititigan si Andrew na nakaangat sa ere. Hindi mawala wala sa puso ko ang saya sa pakiramdam makita ang magandang ngiti nang isang anghel. Ngayon masasabi kong I literaly WIN BACK INTO PRESENT with Drake's...
![-WIN BACK into PRESENT- [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/288945135-64-k697467.jpg)