--Lexie POV--
["L! Urgent. Kailangan ka namin dito sa Ospital. Kahit ngayon lang please pumasok ka"] Nasa kabilang linyang si Leo. May halong kaba at hindi maintindihang pakiusap niya saken.
["L . Sinabi ko na diba. I need a break."] agad kong pinasok sa isang kahon ang isang picture frame na my lamang larawan namin ni Drake na nakadisplay sa kwarto ko.
["Si Drake nandito sa ospital na-Aksidente . He needs you. Puntahan mo siya!"] napatayo ako sa narinig ko sakanya.
["Ano? Si Drake ? Anong nangyari sakanya?."] hindi pa man nakapagsalita si Leo sa kabilang linya agad kong tinungo ang susi nang kotse at bag ko at agad tumakbo palabas nang condo.
---
Sa Ospital."Asan si Drake?"
Agad kong hinawakan ang balikat ni Leo na kasalukuyang may inaasikasong pasyente duguan ang buong katawan ."Nasa ER. Si Dr. Carlos ang nakaAssign sakanya. Pwde ka pumasok dun . Go!"
Agad niya kong tinapik sa likod.Hindi ko alam yung bilis nang kabog nang dibdib ko habang papasok nang ER. At pagpasok sa loob ng operating room Nakita kong isang duguan at walang malay na si Drake. Nirerevive siya ni Dr. Carlos. Para akong nabingi nang mga sandaling to. Nakatingin lamang ako sakanya habang bumabagsak ang mga luha ko.
Naging mabagal ang paghakbang ko papalapit sakanya hanggang sa hinawakan ko ang mga kamay niya."Drake. Please fight ! please !" hindi ko na napigilan ang pag-agos nang mga luha ko.
"Recharge. 200!"
"Okay now . Clear !"
Sigaw ni Dr. Carlos hawak ang Defibrillators."No response."
Si Nurse Joe ."Recharge one more time. Clear !"
Paulit ulit nilang ginawa hanggang sa narinig namin ang muling heart beat ni Drake. Habang nilalagyan ko siya nang oxygen hindi padin mawala ang kaba at luha na halos hindi maubos sa pagpatak.
"Stable na ang heart beat niya pero kailangan pa siya operahan dahil may naging tama sa skull part niya. Kailangan parin siya dito sa ER. Si Dr. Andrew na ang hahawak sakanya."
Hinawakan ako sa balikat ni Dr. Carlos bago ito lumabas sa Operating room. Agad namang pumasok si Dr. Andrew."Nandyan na ba ang Family or guardian ni Drake? Kailangan na natin sila makausap agad kung itutuloy na ba ang operation?" Agad na sambit ni Dr. Andrew.
"Dok . Do everything to save Him. Please!" hinawakan ko ang kamay niya. Tumango naman ito saken.
.
Lumabas muna ako upang tingnan kung sino ba sa mga Family member ni Drake ang narito.
Nakita ko ang paparating na si Tito Martin Drake's Father."Lexie. What happened? How was Drake? Tell me. Okay lang ba siya?"
Nagaalala at may halong kabang tanong ni Tito."Kailangan po niyang operahan ngayon. And Drake needs our prayer now tito."
Agad niya kong niyakap. At hindi na napigilan ang mga luha."Please . Iha. Save my Son! Please ! I'm begging you save Him."
Pakikiusap nang isang ama na may matinding pagmamahal sa anak.----
Muli akong bumalik sa operating room dala ang napermahan nang papers na nagsasabing pwede na operahan si Drake.
Umabot nang halos tatlong oras ang naging operasyon."Lexie iha. Kamusta ang apo ko?" pagkalabas ko nang operating room nakita ko si Lola Adriana na agad lumapit saken. Hindi ako makapagsalita.
Pano ko sasabihin ang isang mabigat na balita.
YOU ARE READING
-WIN BACK into PRESENT- [COMPLETE]
RomanceNakatayo kaming magkatabi ni Lexie habang tinititigan si Andrew na nakaangat sa ere. Hindi mawala wala sa puso ko ang saya sa pakiramdam makita ang magandang ngiti nang isang anghel. Ngayon masasabi kong I literaly WIN BACK INTO PRESENT with Drake's...