18

20 4 6
                                    

Narrator I


"Time checked. Five thirty pm."

Kalmadong sinisipat ni Justice ang relong pambisig. Alas tres y medya pa nang dumating siya sa Selene Palace at dalawang oras na halos siyang nakatambay doon.  Natapos na't lahat ang gulo sa pagitan nila ng ex-fiancé ni Artemis ay hindi pa niya nakikita ang anino ng dalaga sa labas ng glass door. Hindi niya alam kung nakauwi na ba ito o tapos na ang pakikipag-usap sa perfectionist nitong ina. Ayaw niyang umuwi at hayaan itong mag-isa sa daan. Mahirap na at maraming loko sa labas ng building at wala ang driver nito nang magtungo roon para sa meeting sa isang kliyente. He texted her but he still haven't got any reply from her.

"Where are you, A?" bulong niya sa isip. Muli niyang sinipat ang relo at limang minuto na ang nakalilipas ngunit wala pa rin ang dalaga. Tumayo siya mula sa kinauupuan at kinuha ang baso ng orange juice na hindi na malamig.

"Waiting for A?"

Napahinto sa akmang pag-inom si Justice nang marinig ang boses na iyon. Lumingon siya sa tabi niya at nakita ang kaibigang si Donovan. May ngisi sa labi nito nang lingunin niya. And he knows, he's up to something.

"You know the answer already," sagot niya kay Donovan at muling inilapag ang baso ng juice.

"What answer? That you're waiting for someone unreachable?"

Hindi niya sinagot ang tanong na iyon ng kaibigan. Alam niyang iniinis lamang siya nito kaya tumahimik na lamang siya. At kahit pa mabadtrip siya rito ay may punto rin naman ito. Mahirap abutin ang isang tulad ni Artemis. Pareho man sila ng estado ng buhay sa lipunan ay hindi niya ito basta-basta maaabot. Isa pa rin siya sa maraming lalaking nangangarap na mapalapit at makasama ito.

Artemis Hellene Amitures ay ang nag-iisang tagapagmana ng Amitures Empire. Ang kumpanyang may hawak ng halos ilan sa mga kilalang restaurant, clothing line at hotels sa iba't-ibang panig ng mundo. Nakatakda itong hawakan ang halos ilan sa mga kilalang kumpanya ng pamilya nito at mangyayari iyon sa susunod ng buwan. Magiging abala na ang dalaga at alam niyang isa siya sa makakalimutan nito dahil una ay hindi siya priority ni Artemis. Siya lang naman ang makulit at pilit na nakikipaglapit dito. Idagdag pang basted siya lagi rito.

"She left already. I saw her with Mrs. Amitures."

Napapikit na lamang sa inis si Justice matapos marinig ang sinabi ni Donovan. Ang walanghiyang kaibigan niya. Talagang pinaghintay pa siya ng ilang minuto bago nito sabihin ang tungkol kay Artemis.

"At talagang ngayon mo lang sinabi 'yan?"

"Yeah? Because you are out of space. And I think, I know now what's going on your mind."

"Shut up Donovan Crawford."

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan na sa halip humingi ng pasensiya ay malakas pa siyang tinawanan nito. The Donovan Crawford he always know.

"Okay. I'll zipper my mouth. Sayang, may pinapasabi pa naman si A."

"Donovan you-"  Pinigilan niya ang sarili na sapakin ito kung hindi lamang niya naisip na kaibigan niya ang kaharap. Sa sobrang lakas ng mga trip nito sa buhay ay ilang beses na niyang binalak na itakwil ito bilang kaibigan. Noong una ay si Ryker at Alexandrace ang biktima nito at ngayon ay mukhang siya naman ang mapapasama sa mga "biktima" ng kalokohan nito.

"Text me once he got home, that's what she said."

"Really? She told you that?"

"Yeah? Mukhang ayaw mong maniwala."

"Hindi ka kapani-paniwala. Tss."

"Well, I apologized."

Tinitigan niya ang kaibigan na mabilis na sumimangot. Humakbang pa siya palapit dito kung kaya't agaran itong lumayo sa kanya sabay pinag-ekis ang dalawang braso sa tapat ng dibdib nito na tila pinoprotektahan ang sarili sa kanya.

"Pare, hindi tayo talo."

"Siraulo. Gusto ko lang gasgasan 'yang mukha mo."

"Mahal ang mukhang 'to tapos babangasan mo lang? Aba. Baka gusto mong kasuhan kita ng sexual harassment at physical injury diyan? Ano pa ba? Frustrated murder din."

Napailing na lamang si Justice sa kakaibang takbo ng kaibigan. Sa halip na patulan pa ang kalokohan nito ay tinalikuran na lamang niya ang kaibigan at naglakad palayo rito. Nang inakala niyang susunod si Donovan ay nilingon niya ang kinatatayuan nito only to find out na wala na ito sa pwesto nito at kausap ang taong kanina pa niya hinihintay. Nakatalikod man ang babae ay alam niyang si Artemis ang kausap nito. 

'Akala ko ba ay nakauwi na si Artemis? Anak ka talaga ng pating Donovan!' asar na bulong niya sa isip matapos ma-realized na pinagtripan siya ng kaibigan.

Walang kangiti-ngiti siyang naglakad patungo sa direksyon ng kaibigan at ni Artemis. Hindi napansin ng dalaga ang presensiya niya dahil nakatalikod ito sa kanya. Nang akmang tatawagin niya ang pansin nito ay napahinto siya matapos marinig ang sinabi nito kay Donovan.

"Help me to get rid of him. Ayokong madamay siya sa mga isyu ko sa buhay. Please?"

Him? Siya ba ang tinutukoy ni Artemis?

"Who? Si Justice ba ang tinutukoy mo?"

Hindi alam ni Justice kung matutuwa ba o magagalit sa naging tanong ni Donovan sa dalaga. Kung siya nga ang tinutukoy nito ay hindi niya alam kung ano ang maaring maging reaksyon.

"Can we talk about this later? Baka makita pa ako ni mommy dito. Ipapasundo niya talaga ako kay Carter kapag ginusto niya."

Napatingin sa kanya ang kaibigan ngunit wala naman itong naging reaksyon nang makita siya kaya sa halip na lapitan nang tuluyan si Artemis ay minabuti na lamang niyang tumalikod na at naglakad palayo sa mga ito.

Aaminin ni Justice na nanlumo siya matapos hindi marinig ang sagot ni Artemis kay Donovan. Wala siyang ideya kung siya ba ang pinatutungkulan ng dalaga o ibang tao na ayaw nitong madamay sa gulo ng buhay nito.

"You're still here?"

Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang boses na iyon. Lumingon si Justice sa gilid niya at nakitang kasabay na niyang naglalakad si Artemis.

"Client meeting," tipid na sagot niya sa dalaga. Akala niya ay hindi na ito mag-uusisa pa pero nagkamali siya.

"Sinong client?"

"New client."

"Sa Amitures Empire ba?"

"No. For my company."

"Congrats to you then."

"Thanks. And I need to go. See you tomorrow, A."

Hindi na hinintay pa ni Justice na makasagot ang dalagang matagal na niyang nililigawan. Ewan ba niya pero nawalan siya ng lakas na kausapin ito matapos marinig ang mga sinabi nito at paghingi ng tulong kay Donovan. Inaamin niya sa sariling nagseselos siya sa kaibigan dahil bukod sa kilalang tao ito ay malaki ang tyansiyang magustuhan ito ni Artemis. Napamura siya sa isip dahil doon.

'I think I need to relax."

𝐓𝐎 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍 [epistolary]Where stories live. Discover now