42

14 0 0
                                    

THIRD PERSON POV

'Darn it!'

Badtrip na bumaba si Justice mula sa sasakyan niya. He handed his car key to one of the chauffeurs before heading inside the building. Inis na ginulo ang may kahabaang buhok at gigil na kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng suot na pantalon at binasa ang conversation nila ni Artemis. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito ang kalokohang ginawa ng kaibigang si Donovan. Paano niya sasabihin dito na si Donovan ang nag-text kung pangalan niya ang nakarehistro sa contacts ng dalaga? Darn it.

Pinindot niya ang elevator button at ilang minutong naghintay hanggang huminto iyon sa ground floor. Pumasok siya sa loob at akmang isasara na iyon nang bumukas muli. Naiwan sa ere ang daliri niyang pipindutin sana ang close button nang mapagsino ang kasabay niyang pumasok sa elevator.

"Fancy seeing you here, my friend." Mapang-asar na bati sa kanya ni Donovan. Ito na ang nagsara ng elevator at pumuwesto sa tabi niya.

"I didn't expect to see you here. Pinapunta ka rin ba ni Artem?" Tila inosente pang tanong nito sa kanya. Nilingon ni Justice si Donovan na natatawang nakatingin sa kanya. Kung hindi lang talaga niya ito kaibigan ay baka kanina pa sila nagpambuno. Mukhang siya ang biktima nito ngayon. Pakialamero talaga. Pati lovelife ko hindi pinalagpas.

"I came by myself. Why are you here? Hindi ka naman nanliligaw kay Artem," inis na tanong naman niya.

"Well, malay mo pagdating natin sa unit ni Artem ay baka ligawan ko siya. You see, her mom likes me. Hindi ko lang talaga pinapatulan yung reto dahil alam kong gusto mo siya," seryosong dagdag pa nito. Mangali-ngaling sakalin niya ang kaibigan sa mga pinagsasabi nito. Kulang na lang ay ipamukha nitong kaya nitong mapasagot si Artemis.

At posibleng mangyari ang bagay na iyon. Donovan Crawford has everything.

Money, looks, fame and power. Kung yaman lang din ang pag-uusapan, nangunguna ito sa kanilang magkakaibigan. Kahit pa may pagkasiraulo ang takbo ng utak nito ay magaling itong negosyante. At kung maisipan nitong ligawan si Artemis ay posibleng makuha nito ang loob ng dalaga. Tuso ang kaibigan niya, mautak kumbaga. Kayang-kaya nitong paikutin ang kahit na sino. Donovan Crawford is one manipulative jerk.

Magaling din naman siya, hindi rin naman siya papatalo pagdating sa yaman lalo na sa itsura pero kung isang Donovan Crawford ang kalaban niya, hindi niya alam ang gagawin lalo pa at ito na mismo ang nagsabi na nirereto ito kay Artemis.

"Get lost, Donovan." Iyon lang ang tanging nasabi niya bago lumabas sa elevator. Nasa 21st floor na sila kung nasaan ang unit ni Artemis. Room 201 ang natatandaan niyang room number ng dalaga kaya doon siya dumiretso. Saglit niyang pinindot ang intercom at ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng unit at iniluwa niyon ang isang hindi pamilyar na babae.

The woman has a fair skin tone that enhances her delicate and radiance appearance, shoulder-length hair and has a petite figure. While Artemis has porcelain complexion, with a flawless, smooth surface that gives an almost otherworldly elegance, long, black hair and an average height, which gives her a gracefully understated presence.

Nagtaka siya pagkakita sa babae pagkatapos ay dalawang beses na tsinek ang nakadikit na room number sa may pader.

"This is Artemis Amitures condominium unit, right?" pagkumpirma niya. The woman had a confused look on her face before she shook her head. 

"I'm sorry but I think you got the wrong unit here. This is my place. I'm Chantelle Louis Dela Paz."

Napamaang na lamang si Justice dahil sa narinig na pangalan ng babae. Chantelle? Is this the woman Artemis is talking about?

𝐓𝐎 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍 [epistolary]Where stories live. Discover now