43

10 0 0
                                    

THIRD PERSON POV

Huminto si Artemis sa tapat ng puting Montero Sport na sasakyan at napa buntonghininga . Nasa parking lot siya kasama si Donovan Crawford pagkatapos nilang layasan si Justice habang kasama nito ang sinasabi nitong fiancee sa dati niyang unit. Binenta niya ang unit 201 three days ago dahil sa offer ni Donovan. Ayon kay Donovan ay balak nitong ibigay sa kanya ang unit 212 dahil wala ng gumagamit ng dating unit na pagmamay-ari nito. Hindi naman niya tinanggihan ang alok ng binata. Kahit pa sabihing kaya niyang bilhin ang unit ay masarap pa rin ang libre kaya hindi na siya nag-aksaya ng panahon at tinanggap ang offer nito. Agad niyang binenta ang sariling unit at wala pang isang araw nang ilagay niyang for sale ang lugar ay may kumuha na agad niyon. Hindi nga lang siya aware na ang babaeng bumili ay ang fiancee pala ng kumag na si Justice.

"Artem? You good?" Nawala siya sa malalim na pag-iisip nang tawagin siya ni Donovan. Muli siya bumuntonghininga.

"Huh? A-ayos lang ako."

"Sigurado ka? Parang hindi naman," takang dagdag pa ni Donovan. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at inalalayan siyang umupo sa passenger seat.

Talaga bang totoo ang sinabi ni Atticus? Sign na nakahanap si Justice ng ibang liligawan? Worst ay fiancee pa. Pinilig niya ang ulo dahil kanina pa ayaw mawala ng eksena nilang iyon ni Justice. Grabe! 10 months pa lang nanliligaw pero nakahanap agad ng fiancee? Impit siyang napatili dahil sa inis.

"You're not alright. Dahil ba 'to sa nangyari kanina?" usisa ni Donovan sa kanya nang umupo na ito sa driver's seat. Hindi agad sumagot si Artemis bagkus ay pinaglaruan ang cellphone na nasa kamay. Ilang beses niyang binukas-sara iyon, nagbabakasaling nag-text si Justice sa kanya.

"Donovan.." panimula niya. Lumingon sa kanya si Donovan, may kakaibang ngiti sa labi nito na hindi niya napapansin.

"Hmm?"

"Sa tingin mo ba, n-napagod na si Justice?" Napalabi siya dahil sa tanong niyang iyon. Ewan niya pero parang maiiyak siya ng mga oras na iyon.

"What do you mean?"

"You see, I keep pushing him away not because I don't like him.. it's just that.. I'm scared. You're aware of what happened to me before, right?"

Yes. She feared that she might get hurt for the second time after her groom left her on the day of their wedding two years ago. And that's what she's afraid of. What if she accepts Justice in her life but ends up leaving her too?

"Of course. I'm aware. I was there that day. I saw everything, Artem. But Justice is different. He's not an asshole just like that dumbass. Men are different. Gago ang isang 'yon, tao naman ang kaibigan ko."

Kahit naiiyak ay nagawa pa ring tumawa ni Artemis. Mabuti na lang talaga at naging kaibigan din niya si Donovan Crawford. At least, may matinong tao siyang nakakausap. Isa ito sa mga taong pinagkakatiwalaan niya bukod pa sa mga kaibigan niya.

"But he's already committed to someone. Sa tingin mo ba may laban ako doon?" Tuluyan ng nalaglag ang luha sa mga mata niya samantalang hindi naman mapakali si Donovan nang makitang umiiyak siya.

"Teka.. teka. Artemis please stop crying. Hush. Wait-"

"Nagseselos ako!" Hindi na niya napigilang humikbi.

And there she is. Nasabi na niya ang  kinimkim na nararamdaman. Mula pa noong gabing nabasa niya ang text ng fiancee ni Justice ay daig pa niya ang lumubog sa lupa. Doon niya napagtanto na mahal niya nga si Justice at tama rin si Atticus tungkol sa sinabi nito sa kanya
Nag-iinarte lang talaga siya. Mahal niya ang pasaway at makulit na binata ngunit hayun at masyado siyang maarte para aminin sa sarili na mahal niya ito at naka-move on na siya sa siraulong ex-fiancee niya.

Pero may fiancee na nga siya! sigaw ng isang bahagi ng isip niya. Nagpatuloy siya sa pag-iyak habang hindi malaman ni Donovan kung paano siya nito patatahanin.

"Damn. Huwag ka nang umiyak please lang," pagpapatahan sa kanya ni Donovan. Pinunasan nito ang luha sa nabasang pisngi at walang nagawa kundi ang abutan siya ng tissue. Kinuha naman niya iyon habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"I didn't realize it at first eh! I love him but I don't want to admit it to myself!" maktol niya at patuloy na pinupunasan ang matang hindi natigil sa pagluha.

Donovan just made a face. Mukhang nauubusan ng pasensiya sa kaartehan niya.

"Mga babae talaga. Gusto naman pala, nag-iinarte pa. Hays."

"Oo na! Maarte naman talaga ako. P-pero kasi.."

"Pero maarte ka. Paano na 'yan? Ikaw na ang nagsabing may fiancee na si Justice?"

Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Sumasakit na rin ang puso niya dahil sa nangyayari. Kung hindi lang talaga siya maarte, di sana ay hindi naghanap si Justice ng iba.

"Pwede ko bang agawin si Justice sa fiancee niya? Ako naman ang nauna ah?" maktol niya pa. Napailing si Donovan sa kabaliwang sinabi niya saka pinitik ang noo niya. Napa-aray naman siya.

"Silly, little missy. Don't do that. Justice won't like that."

"W-what should I do?"

Donovan didn't respond. He stared at her for a minute before gently pulling her and gave her a warm hug.

"Come here, let me give you a hug. And stop crying, hmm?"

***

Samantala, nagmamadali namang tumakbo si Justice patungo sa parking lot kung saan niya nakitang dumiretso si Artemis at Donovan. Tinakbo niya ang parking lot at hinihingal siyang huminto sa tapat ng isang puting Montero Sport na sasakyan. Iyon ang isa sa pagmamay-aring sasakyan ng kaibigan. Makailang beses siyang naghabol ng hininga bago tuluyang nilapitan ang sasakyan. Ngunit ng akmang kakatukin niya ang bintana ng sasakyan ay tila gusto na lamang niyang umalis sa lugar na iyon.

Napamura siya sa isip dahil sa nakita.

Mukhang nahuli na yata siya.

Nakita niyang mahigpit na yakap ni Donovan si Artemis at mukhang ayos lang sa dalaga ang ginawang pagyakap ng kaibigan dito.

She chose his best friend over him.

Great. Just fucking great.

𝐓𝐎 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍 [epistolary]Where stories live. Discover now