45

17 0 0
                                    

Message

Sat, 9:01 am

Unknown creature

Artemis:

Justice, the meeting will start by 9:30 am. Pupunta ka ba?

Unknown creature:

I'm on the way.

Artemis:

Okay. Ingat.

Unknown creature:

Thanks.

11:55 am

Artemis:

You left already?

Unknown creature:

Yeah. I have to meet someone.

Artemis:

Ah. I see.

Unknown creature:

Don't forget your lunch.

Artemis:

I won't.

Si Chantelle ba pupuntahan mo?

Unknown creature:

Right.

Artemis:

I see.

12:15 pm

Unknown creature:

I changed your name in my contact list. Wala naman magiging problema 'di ba?

Artemis:

Huh? Wala naman.

Unknown creature:

Good. Baka anong isipin ni Chantelle.

Artemis:

Okay lang haha. Pwede mo ring burahin number ko.

Unknown creature:

Okay.

Sabi mo eh.

***

THIRD PERSON POV

Maluha-luhang nilapag ni Artemis ang cellphone sa ibabaw ng glass table sa loob ng opisina niya. Kanina pa natapos ang meeting nila with the board of directors pero kanina pa rin siya lutang. It has been three days since she saw Justice. At heto at tila naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Wala naman siyang ginawa rito. Meron pala, hindi niya binigyan ng pagkakataon na kausapin siya ng binata. Ngayon ay mukhang tuluyan na itong tumigil sa panliligaw sa kanya. Malamang! May fiancee na yung tao.

Binasa niya ang huling text nito bago i-off ang cellphone at nagpasiyang lumabas sa opisina niya. Saktong pagbukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya si Donovan.

"Donovan? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya pagkakita rito.

"Hey. What's up?"

"I'm good. What brings you here?"

Pinapasok niya ito at umupo naman sa sofang naroon saka may nilapag na kung ano. Isang paper bag at kape mula sa isang kilalang coffee shop.

"Just because. Naisip ko lang dumalaw kasi baka sawi ka pa rin ngayon at kailangan mo ng kausap," wika nito.

"Thank you. I'm okay. My schedule is full so busy ako for this whole day."

Mukhang naintindihan naman nito ang sinabi niya kaya tumayo na ito.

"Alright. Hindi rin naman ako magtatagal. Teka, let's take a picture first." Hindi na nakaangap pa si Artemis nang ilabas ni Donovan ang cellphone at kumuha ng larawan nilang dalawa.

"Perfect. Anyway, I'll head out now. See you when I see you, little missy."

Iyon lang at pagkatapos ay iniwan na siya ng binata.

Nagtataka naman siyang naiwan sa loob ng opisina niya.

𝐓𝐎 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍 [epistolary]Where stories live. Discover now