67

10 0 0
                                    

THIRD PERSON POV

Flashback

"Justice?" Pagtawag ni Artemis kay Justice. Kabababa lang ng binata mula sa kotse nito para sunduin siya sa trabaho. Halata ang pagod sa mukha nito paglapit sa kanya. Mukhang buong maghapon ang mga naging meeting nito at hindi nagawang makapagpahinga. Napalabi si Artemis at pinigilan ang sarili na hawakan ang mukha ni Justice. Pagkalapit nito sa kanya ay agad na umaliwalas ang mukha nito, tila ayaw ipakita sa kanya ang pagod na nararamdaman.

"Hi. You good?" Iyon agad ang bungad ni Justice sa kanya.

"Yup! I'm doing alright. Ikaw?" tanong niya pabalik dito. Hinawakan siya nito sa bandang siko at giniya papunta sa kotseng nakaparada.

"Better than ever. Nandito ka eh," sagot nito bago siya alalayang pumasok sa loob ng sasakyan at sinara ang pinto sa passenger seat. Lihim na napangiti si Artemis sa naging sagot ni Justice sa kanya. Hindi niya mapigilang kiligin sa sinabi nito. Sinundan niya ng tingin ang binata habang umikot ito patungo sa driver seat at buksan ang pinto niyon. Pagpasok ni Justice ay hindi na nag-atubili pa si Artemis. Saktong pag-upo ng binata sa driver seat ay hinawakan niya ang mukha nito at pinaharap sa kanya. Alam niyang nagulat si Justice sa ginawa niya ngunit hindi ito nagtanong sa halip ay ngumiti lamang ito at gamit ang malayang kamay ay maingat nitong hinawakan ang mukha niya bago sakupin ang mga labi niya.

Nagtagal ng ilang segundo ang halik nito bago pakawalan ang labi niya kasabay ng pagbulong nito sa mga tainga niya.

"Mahal kita, Artemis Hellene."

End of flashback

"Baka matunaw ako kanina ka pa nakatitig sa akin," nakatawang wika ni Artemis kay Justice. Nakayakap ang braso ng binata sa may kaliitang baywang niya habang nakahiga silang pareho sa ibabaw ng malambot na kama sa bahay ni Justice. Doon sila dumiretso pagkatapos nilang mag-dinner sa The Green Valley.

"It still feels like a dream. I.. I just can't believe that you're my girl friend now." Mukhang hindi pa rin nagsisink in dito na sinagot na niya ang matagal na panliligaw nito sa kanya. Natapos na ang paghahabol nito sa kanya, ang selosan at mga hindi pagkakaintindihan nilang pareho.

Sino bang mag-aakalang magiging in a relationship sila kung halos umabot ng isang taon ang pagtataboy niya kay Justice. Ilang beses na pinatigil ang panliligaw nito sa kanya at pambabasted niya rito.

"What proof do you need? Ask me anything," panghahamon niya kay Justice. Saglit itong nag-isip bago bumulong sa kanya.

"Kiss me." Mahina lamang nitong sinabi sa kanya ngunit nagdala ng kakaibang kiliti sa buong sistema niya.

Bumangon si Artemis habang nanatiling nakahiga si Justice. Nilingon niya ang binata bago yumuko at nilapit ang mukha niya rito sabay mariing hinalikan sa labi.

"There. You believe it?" aniyang nakatawa. Bumangon din si Justice pagkatapos ay mahigpit siyang niyakap.

"Right. This isn't a dream anymore. Oh, God." Niyakap niya pabalik ang binata bago ipikit ang mga mata at dinama ang mainit na yakap nito.

***
Message

Tue, 11:21 pm

Freaking Donovan

Freaking Donovan:

Have you watched the news?

Justice:

What news?

Freaking Donovan:

Anxton Sandoval is coming to his new home.

Justice:

He plead guilty?

Freaking Donovan:

Yes it is.

It's all over the news.

Justice:

I see

Thanks a lot, Crawford

You're such a devil

Freaking Donovan:

It should be an angel, right?

Justice:

No

Fallen angel, maybe?

Freaking Donovan:

Hard pass

Anyway, congrats to you and Artemis

Justice:

Sige best man ka na

Freaking Donovan:

Okay

Bawal na bawiin mamalasin ka

Justice:

Ang dami mong alam

Freaking Donovan:

I'm such a smart ass lol

Justice:

Whatever

𝐓𝐎 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍 [epistolary]Where stories live. Discover now