51

20 1 1
                                    

THIRD PERSON POV

"Great." Tanging iyon na lamang ang naibulalas ni Justice matapos makita ang facebook news tungkol kay Artemis at Torsten Frostier. Isang dakilang playboy at sikat na car racer.

"Now what?" Siniko siya ng kaibigang si Donovan na nasa gilid niya. Nilingon niya ito pagkatapos ay sinamaan ng tingin.

"Wait.. hindi ako ang karibal mo kaya huwag ako ang tingnan mo nang ganiyan. Look!" Tatawa-tawang nginuso nito ang isang direksyon mula sa kinatatayuan nila. Para silang mga spy na nakatayo sa entrance ng high-end restaurant sa loob ng hotel nang oras na iyon. Sinundan niya ng tingin ang nginuso ni Donovan sa kanya at doon nakita si Artemis kasama si Torsten Frostier. Napakunot ang noo niya matapos makita kung gaano kadikit ang dalawa habang ang lalaki ay nakaakbay pa sa dalaga.

"Para kang inagawan diyan. Lalo kang papangit. Tsk, tsk." Hindi niya pinansin ang pang-aasar ni Donovan sa tabi niya. Gusto niyang hilahin ang kamay ng lalaking iyon at alisin sa balikat ni Artemis pero na-realize niya, wala siyang karapatan. Mas lalong nag-init ang ulo niya.

"W-we should leave," mahinang wika niya at akmang tatalikod na sa mga ito nang pigilan siya ng kaibigan.

"What?" Nagtaka si Justice sa biglang pagtaas ng boses ni Donovan. Tila naging iritado rin ang kaibigan niya.

"Umalis na tayo. You see, she's having f-fun." Nakayukong wika niya sa kaibigan. Tumalikod siya mula sa direksyon ng dalaga at ng ka-date nito kaya ang siste ay si Donovan ang kaharap niya na mukhang masama ang timpla ng mukha. Siraulo. Ano na namang trip nito?

"What the hell?! You came into my place, ruined my me time, ate my strawberry cake, dragged my ass here just to get your Serenity and now you're telling me we should leave? Pay me. I need a billion dollars for a payment."

Mangali-ngaling sapakin niya ang kaibigan sa kabaliwang pinagsasabi nito pero hindi niya matantiya kung galit ba ito o pinagtitripan lang siya dahil sobrang seryoso ng expression nito.

"Are you kidding me, Crawford? I said we should leave. Artemis is having lunch with her date. I don't want to ruin her mood- fuck!"

Agad na bumagsak siya sa tiled floor nang salubungin siya ng kamao ni Donovan. Parang na-dislocate yata ang panga niya sa lakas ng impact ng pagkakasuntok nito sa kanya. Nalasahan niya pa ang dugo sa labi niya dala ng malakas na suntok nito. Damn. Nagkaroon tuloy ng commotion ang ginawa ng kaibigan niya. May ilang lumapit sa kanila at ang iba ay kumuha pa ng larawan. Darn it. Mukhang magiging laman sila ng balita ng kaibigan panigurado.

"Sorry, man. Baka lang sakaling matauhan ka." Nakangising wika ni Donovan sa kanya saka siya inalalayang tumayo. Akmang gagantihan niya ito nang mapahinto sa pagtawag sa pangalan niya.

"Justice? Oh my! Are you okay?"

It was Artemis. Nagtaka siya nang makita ang pag-aalala sa magandang mukha nito. Lumapit ito at nagulat siya ng hawakan nito ang mukha niya.

"Your face is bleeding. Oh my. We should take you to the hospital!" Napalitan ng pagkataranta ang pag-aalala nito sa kanya. Gusto niyang mapangiti ng oras na iyon pero hindi niya magawa dahil nagsisimula ng sumakit ang pangahan niya. Napangiwi tuloy siya sa sakit.

Saglit niyang tiningnan si Donovan pero ang magaling na kaibigan ay papalayo na sa kanila. Mukhang gumawa talaga ito ng eksena para sa kanya. Siraulo pero nakatulong.

"Justice? Are you listening ba? Your face is bleeding! Sinong gumawa nito?" Muli pang tanong ni Artemis sa kanya. Hindi malaman ng dalaga kung paano hahawakan ang mukha niya kaya siya na ang kusang humawak sa kamay nito upang pakalmahin.

"I'm alright. Malayo sa bituka 'to and I don't need to go to the hospital."

"P-pero.. sino ba kasing gumawa nito sa'yo?"

"Artem, it's okay. I'm okay. Cold compress lang ang katapat nito. At si Donovan ang gumawa nito."

Nagsalubong ang mga kilay nito at tila nagtataka sa sinabi niya.

"Donovan? But.. you're friends with him."

"Yeah. And we fight a lot because we're friends. But again, it's okay. Bumalik ka na sa ka-date mo."

Siya na mismo ang nagtulak kay Artemis na balikan ang ka-date nito pero hindi sumunod ang dalaga. Nanatili itong nakatayo sa harap niya at pinagmasdan lang siya. Ang mga mata nitong nakatitig sa kanya na tila maiiyak ay sinalubong niya rin ng tingin.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya kay Artemis. She shook her head and gave her a smile instead.

"Tapos na ang date namin ni Torsten. As you can see, he invited his friends as well. I'm going home. Magpapaalam lang ako saglit. Wait here."

Iniwan siya ng dalaga at pinuntahan ang table nito. May sinabi ito kay Torsten Frostier bago ito tuluyang umalis at dumiretso sa kanya.

"I said good bye to him. We should go. Your face might get swollen if you don't put a cold compress on it." Hinila siya ng dalaga palabas ng high-end restaurant na iyon habang hindi naman niya mapigilang ngumiti sa eksena nila ngayon. Holding hands sila habang naglalakad palabas.

Habang hawak ang kamay ni Artemis ay kinuha naman niya ang cellphone nang mag-vibrate iyon. Donovan is calling him. He pressed the answer button.

"Thank me later?" Malakas na tawa ang pinakawalan nito mula sa kabilang linya. Kung hindi lang niya kasama si Artemis ay kanina pa siya nagmura. Sinadya nga talaga nitong suntukin siya.

"Yeah and you'll pay for this, Crawford." Banta niya pa sa kaibigan na mas lalo pang humalakhak.

"I didn't ask you to pay me billion dollars. Remember? You ruined my day."

"The hell I care about your day. Remember? Your solace is working in my company. Should I fire her?" Panggagaya niya pa kay Donovan. Natahimik ang kaibigan pagkatapos ay nagseryoso ang boses.

"Try me, Wütrich. Don't you dare lay a finger on her."

Siya naman ngayon ang tumawa nang malakas. Takang napatingin si Artemis sa kanya pero nginitian lang niya ang dalaga at nagpatuloy sa pakikipag-bantaan kay Donovan. Naglakad pa rin kasi sila ng dalaga at patungo na sa parking lot.

"My, my. The mightiest Donovan Crawford is scared," pang-aasar niya pa rito.

"Siraulo ka. Magkaibigan nga tayo."

"Malamang. Kaya nga pareho tayo ng takbo ng utak eh."

"Right. Anyway, say hi to Artemis for me. I gotta go. My solace is here."

"What?- wait!"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang patayin ni Donovan ang tawag. Napapailing na binulsa na lamang ni Justice ang cellphone at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Artemis. Lumingon sa kanya ang dalaga bago ito nagmuwestrang bumitaw siya. Nasa tapat na pala sila ng sasakyan nito.

Alright.

𝐓𝐎 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍 [epistolary]Where stories live. Discover now