48

9 1 0
                                    

Message

Sun, 04:12 am

Unknown creature

Unknown creature:

Good morning. Are you busy today?

7:30 am

Artemis:

No but I have plans today. Why?

7:35 am

Unknown creature:

I see. Nothing. I thought you're free since it's weekend.

Anyway, I'll see you tomorrow.

Artemis:

I'm going to go to meet someone later. Mom arranged a blind date for me. I can't say no to her for some reason. 😅

Unknown creature:

Wow. Another blind date again?

Artemis:

Yeah. 😅 And then there's Donovan who Mom wanted me to date him as well. Haha. I told her I'm friends with him. I don't date my friends, you know? So hangga't maari kapag kaibigan, kaibigan lang.

Unknown creature:

Haha. Okay. You don't need to explain.

Artemis:

Ay sorry.

Anyway, how about you and Chantelle?

Unknown creature:

What about us? 😑

Artemis:

I mean she's your fiancee. I want to be friends with her kayaaa.

Unknown creature:

Hanggang ngayon ba alam mong si Chantelle ang fiancee ko?

Artemis:

Why? Hindi ba? Ikaw ha. Bakit parang sinasabi mong hindi mo siya fiancee?

Unknown creature:

Sabi mo nga fiancee ko siya. Lol.

Anyway, gotta go. I'll visit her.

Artemis:

Okay.

Read

***

"Argh!"

Inis na sinabunutan ni Artemis ang sariling buhok sa pagkaasar. Kung bakit pa kasi nagtanong siya tungkol kay Justice at sa fiancee nito, edi sana hindi siya badtrip ngayong umaga. Natuwa na nga siya nang makita ang text message ng binata kaninang alas-kwatro ng umaga pero heto at siya na mismo ang sumira ng mood niya. Binasa niya ang palitan nila ng text message ni Justice saka napabuntong hininga. Tumayo siya saka nag-asikaso ng sarili. Oo nga pala, nasabi niyang may blind date siya kahit wala naman para lang i-test kung ano ang sasabihin nito kapag nalamang may blind date na naman siya.

"Kainis!" Impit na sigaw niya kahit wala namang makakarinig dahil sound proof ang buong kwarto niya.

Ngayon ay hindi niya alam kung saan maghahanap ng pekeng blind date para lang may maipakita kay Justice. As if namang magseselos ang isang iyon eh may fiancee na nga 'di ba? Tumigil ka na nga sa kahibangan mo, Artemis! pagkastigo niya sa sarili. Tiningnan niya ang lahat ng contacts niya para doon maghanap ng kukuntsabahing ka-date hanggang sa mapahinto sa isang pangalan naka-save sa contact list niya.

Alright. Save by the bell.

𝐓𝐎 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍 [epistolary]Where stories live. Discover now