CHAPTER 2 Leytania pov

99 3 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, napaka-istorbo naman nito. Ang aga naman tumawag? Tch.

"Bakit ka napatawag?" tanong ko. Nakapikit lang ako kase sobrang inaantok pa ako.

"Ako to beshy, ang maganda mong kaibigan!" tatawag lang ba s'ya para sabihing maganda s'ya? Gosh! Sarap n'yang sampalin kaliwa't kanan.

"Saan banda?" mataray na pangababara ko.

"Ay grabe? Napakasakit mong magsalita!" maarting ani nito, anong masakit sa sinabi ko? Minsan gusto ko na lang kalimutang naging kaibigan ko ang babaitang ito.

"Anong kailangan mo't napatawag ka?" tanong ko ulit dito, hindi pa kase sabihin ang sasabihin n'ya. Gusto ko pa matulog.

"Gusto lang sana kita ayain sa isang bar!"

"Ayoko!" sagot ko agad rito. Hindi talaga ako mahilig sa gan'on eh, ayokong pumupunta sa mga bar hindi ko lang bet.

"Sige na beshy, ngayon lang naman ulit ito isasama ko rin si Ganari!"

"Ayoko nga, ibaba ko na ito!" inis na sabi ko, kahit kaylan talaga party girl ang lokong babaeng ito, Tch.

"Sige na kase! Please, beshy!" 

"Ayoko nga huwag kang makulit!"

"Bahala ka, magtatampo na kami sa'yo." sabi nito. Kung nakikita ko lang siya, t'yak akong nakanguso ito.

"Fine, fine! Pupunta ako! Anong oras ba?"

"Ngayon n-

"What?" tanong ko rito.

"Sabi ko ngayon na, pupunta kami d'yan sa condo mo!" sabi nito.

"Anong oras na ba?" tanong ko.

"7:30 pm na kaya! Huwag mong sabihin na nakahiga ka pa? Gaga ka talaga!" napatayo naman ako sa gulat, gabi na pala? Hindi ko namalayan ang oras. Ang tagal ko pa lang nakatulog.

"Sige na, magbibihis na ako!" sabi ko.

"Sige beshy, ang bait mo talaga!"

"Babatukan kita kapag pumunta ka dito." sabi ko. Binaba na nito ang tawag ako naman pumunta na ng cr para maligo. Hayts kahit kaylan talaga hindi ko matiis ang mga kaibigan ko.

Ako nga pala si Leytania Valrin, 25 years old. Wala naman kakaiba sa 'kin, sadyang ayoko lang sa lalaking babaero. Tulad ng Tatay ko na babaero, iniwan si mama at pinagpalit sa isang malanding babae tss.

Nang matapos akong maligo, magbihis. Lumabas na ako ng kuwarto, nang may mag doorbell agad kong binuksan ang pinto.

"Hello beshy!!"

"Ano beshy? Feady ka na ba?"

"Oo,"

"Sigurado ka, bar ang pupuntahan na'tin hindi simbahan!" sabi nito.

"Ano? Sa simbahan tayo pupunta?" tanong naman ni Ganari. "Hala! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin, Hanimey? Sana hindi ganito sinuot ko..." nakasimangot na sabi pa nito. Napabuntong hininga naman kami.

"Tanga! Hindi tayo sa simbahan pupunta!" sabi naman ni Hanimey.

"Hindi naman tanga ang pangalan ko. Ganari, that's my name!" sabi pa nito. Hindi ko alam kong matutuwa ako or maiinis sa sobrang pagkaisip bata niya hayst. Minsan parang gusto kong alugin utak ng babaeng ito eh.

"Ewan ko sa'yo, tara na nga!" naiinis na sabi ni Hanimey.

"Let's go! Let's go. Sana nandon si Diego, tapos mag sasayaw kami. Yehey!" sabi nito habang na sa elevator kami.

ONE NIGHT (Babaero Series #1. SIXPIRT ZEFEIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon