CHAPTER 10

25 3 0
                                    

Pagbangon ko, napatingin ako sa katabi ko. Tulog na tulog pa ito, napaka inosente niya. Ibang iba siya sa mga babaeng naikama ko at nakilala ko.

Bumuntong hininga ako, bago ako tumayo. Tsaka lumabas ng kuwarto, tinignan ko ang pagkain na in-order ko kahapon. Wala na ito, mabuti at kumain siya. 

Naligo na ako, dahil pupunta ako sa bahay ni boss. Nagtext kasi siya na may iuutos sa amin. Pagkatapos maligo, nagbihis at nag ayos na ako ng sarili ko. Bago ako lumabas ng kuwarto ay nakita kong gising na ito.

“Aalis muna ako, mag ingat ka dito. Tawagan mo ako kung may kailangan ka.” Ani ko, ewan ko lumabas na lang bigla iyon sa bibig ko. Tch pero hindi ako nag aalala sa kaniya.

“Okey.” Sagot lang nito, tumango ako at lumabas na ng condo. Sumakay ng elevator, pumunta ng parking tapos sumakay sa kotse at pina andar na iyon papunta sa bahay ni boss.

Nang marating ko ang bahay ni boss ay agad akong pumarada tapos ay pumasok sa loob ng bahay nila.

“O Six, nandiyan ka na pala?” Tanong ni Arex. Nandito na pala sila, ang aga naman. 

“Wala, clone lang ako!” Pamimilosopo ko at tumawa.

“Tanggalin ko kaya lahat ng ngipin mo, tch late ka na.” Aniya.

“Ano bang gagawin natin?” Tanong ko.

“Meir ikaw na magpaliwanag diyan.” Ani Arex. Nanahimik naman si Shavin at Ailden. Si Helyvin bibihira namin siya isama sa operation namin, ayaw lang namin siya mapahamak lalo na kung malaking mission ang gagawin namin.

“Nasaan ba si boss?” Tanong ko.

“Umalis na agad kanina, may gagawin pa. Alam mo naman iyon, sobrang busy sa buhay.” Si boss pa ba, kaya bilib ako sa kaniya e. Nakakaya niya pagsabayin ang pamilya at trabaho.

“Ok, ano nga paliwanag niyo sa akin.” Ani ko pa.

“Here‘s the target.” Ani Meir at inilapag ang mga picture sa lamesa. Tinignan ko naman agad ito at halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

“Seryoso, papatayin natin iyan?” Tanong ko, dahil sinong hindi mabibigla kung ang taong pinapatay sa akin ay ang kapatid ng taong mapapangasawa ko. T*ngina! Akala ko matino ang lalaking iyon tch.

“Siya ang target natin, pero hindi natin siya papatayin. Hindi inutos iyon ni boss, pero kung pumalag ako na ang papatay.” Paliwanag pa ni Meir.

“Kahit anong mangyari, ‘wag niyo siya patayin.” Natigilan naman sila, tila nabigla sa tinuran ko. Wala pa nga pala silang alam sa nangyayari.

“Bakit kilala mo ba ang lalaking iyan? Six, ‘wag mo sabihin traydor ka sa grupong ito?” Tanong ni Shavin sa akin.

“Hindi, never ko magagawa iyon..”

“Then, what's the reason?” Tanong pa nito, napabuntong hininga ako. Baka nga kailangan ko na sabihin ito, kasi kung kami papatay sa kapatid ng babaeng iyon. Baka kamuhian ako ng babaeng papakasalan ko ‘pag nalaman niya.

“Kapatid siya ng babaeng mapapangasawa ko.” Natigilan ulit sila at tumingin lahat sa akin.

“What? Nabibingi ba kami? Paki ulit nga?” Tanong pa ni Meir.

“Hindi nga, Six?” Tanong pa ni Arex.

“Oo, magkakaroon na ako ng asawa.”

“Seryoso ka ba diyan? Baka naman sex slave ang hanap mo?” Tanong ni Shavin, parang hindi naman sila naniniwala sa akin.

“Hindi, iba naman siya sa mga babaeng nakilala ko. Kailangan ko siya pakasalan dahil siya ang binayad ng mommy niya sa pagkakautang sa akin.” Ani ko pa, natawa naman silang lahat.

“Tapos pumayag ka?” Tanong ni Ailden.

“Oo, maganda naman.”

“Kawawa naman ang babae sayo,” ani pa ni Meir.

“Tch, kawawa? Baka ako ang kawawa sa kaniya. Hindi na nga marunong magluto, inosente pa sa kama. Ibang iba siya noong may mangyari sa amin noon.” Ani ko.

“Alam mo Six, mag asawa ka na lang ng p*kp*k para satisfied ka. Tch.”

“Ewan ko sa inyo!”

“Tama na nga iyan, balik na tayo sa pinag uusapan natin.” Ani Shavin.

“Kukunin lang natin siya, para paaminin kung sino ang boss niya. Para sayo Six, hindi namin siya papatayin ‘wag lang siyang magkakamali, sasabog talaga ulo niya.” Ani Ailden.

“Kailan natin gagawin?” Tanong ko.

“Bukas, kailangan pa natin iplano ang lahat para smooth ang trabaho natin.” Ani Shavin, tumango naman kaming lahat.

Nagdadrugs raw ang lalaking target namin ngayon, hindi halatang adik iyon. Pinag usapan mamin ang plano sa gagawin namin.

“Mag meryenda muna kayo.” Ani Lucy, mabuti naman may pa meryenda.

“Salamat, Lucy!” Ani ko, ang ganda pa rin ni Lucy kahit marami ng anak. Halatang alagang alaga ni boss. May gusto ako noon kay Lucy pero hindi kasi ako ang tipo ng kaibigan na, susulutin ang asawa ng kaibigan.

Noong nagkahiwalay si boss at Lucy, akala ko may pag asa na. Pero nagkagusto naman ang kapatid ko sa kaniya, kaya nagpaubaya ako. Hanggang sa makamove on na lang ako. Hanggang doon lang iyon.

“Walang anuman, sige aalis na ako.” Paalam nito at tumalikod na.

“Kain muna tayo, nagugutom na ako.” Ani Arex. 

Kumain na kami, habang nag uusap usap. Nang matapos ang pinag uusapan namin ay nagpaalam na akong uuwi na. Baka kasi mapaano ang babaeng iyon sa condo. Peeo buwisit bakit ba ako nag aalala sa kaniya? Argg ewan!

Pagdating sa condo ay agad akong pumasok, pero parang ang tahimik kaya agad ko itong hinanap at nakita ko ito naglalaba ng mga damit.

“Ano‘ng ginagawa mo?” Tanong rito.

“Anak ng weteng!” Gulat na aniya, kaya medyo natawa ako. 

“Tch,”

“Ano tinatawa tawa mo diyan?” Masungit na tanong nito, she's cute lalo na ‘pag nagtataray. Argh hindi ko rin maintindihan sarili ko.

“Hindi ako anak ng kung sino, anak ako ng mama at papa ko.” Ani ko pa, anak nga ba talaga ako ng magulang ko. Tch, puro lang naman sila mangongontrol at oo nga pala. Ginusto rin nila ang offer na ito, kaya wala na rin akong nagawa.

“Tse! Nanggugulat ka kasi!” Aniya at umirap na naman, mabuti hindi siya napapagod kakairap niya. “Obvious naman ang ginagawa ko, naglalaba malamang.” Ang taray naman niya.

“Ah okey, pagbutihan mo diyan.” Ani ko at umalis na. Pumunta ako sa maliit kong office at may mga pinirmahan. Hindi ko pa pala ito tapos, kailangan ko na ito dalhin sa office bukas. Hayst.

ONE NIGHT (Babaero Series #1. SIXPIRT ZEFEIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon