Six pov

23 1 0
                                    

Pagkababa ko sa kotse ay agad akong pumunta sa swimming pool at nilublub ang sarili sa tubig. Nang init bigla ang katawan ko, dahil sa pagyakap sa akin ng babaeng iyon. Sh*t, yakap pa lang nang iinit na ako. Nakakainis, bakit ba kakaiba ang epekto niya sa akin. 

Pilit kong kinalma ang pagkalalaki ko, dahil tumayo ito. Bwisit! 

Nagbabad ako ng mga ilang minuto, nang mawala ang sobrang init ng pakiramdam ko ay agad na akong umahon at pumunta sa likod ng bahay ni boss. May damit kasi ako doon, naglalagay kami doon incase na maligo kami rito hindi na kami magdadala ng damit.

Nang makapagbihis ay agad na akong lumabas at pumasok sa bahay ni boss.

Sinabi ko na kung bakit ko dinala ang babaeng ito sa bahay ni boss, pagkatapos ay umalis na kami.

Habang nasa kotse ay napasandal ako sa headboard at napahawak sa pagkalalaki ko. Naalala ko na naman kasi ang babaeng iyon.

“Mukhang timaan ka na, pre ah?” Tanong ni Karswel.

“Hindi.” Mabilis na sagot ko. Natawa lang ito sa akin.

Pagkarating namin sa aming pupuntahan ay agad na kaming pumasok. Isang bar na kakabuksa lang, maraming tao at babae. Mga sexy at magaganda pa sh*t, sana may mabingwit.

“Pre, nakikita mo ang babaeng iyon?” Anito at tinuro ang isang babaeng, kumakanta sa unahan. 

“Oo, maganda siya sexy bakit trip mo?” Tanong ko, umupo naman muna kami.

“Tch, hindi ah. Siya ang target na‘tin, kailangan hindi siya makahalata.”

Aniya, kaya naman ay napatango ako.

“Ano bang gagawin natin sa kaniya?” Tanong ko, dahil hindi pa nito na explain ang lahat sa akin.

“Gusto lang namin masiguro kung siya ang kabet ng isang politiko na isang drug lord. At ayon sa sinabi ni boss, isa raw ang babaeng iyan sa nagbebenta…” Napatango tango naman ako.

“Okey, got it.” Sagot ko, tch ang bata naman niya para maging kabet. Sabagay kung kapit sa patalim, malamang papatol talaga siya.

Sayang siya, pero hindi namin siya papaligtasin dahil isa pala siya sa nagpapalaganap ng kasamaan.

“Maghiwalay muna tayo, pre.” Anito.

“Sige lang.” Ani ko.

“Huwag mo hahayaang mawala siya sa paningin mo. Tsaka wag kang maakit sa ganda niya, maganda lang siya pero masama iyan.” Tinawanan ko naman ito.

“Sabihan mo rin, sarili mo Karswel. Sige na umalis ka na!” Ani ko.

“Tch, sige aalis na ako.” Umalis na ito.

Hindi ko alam bakit kami ang in-assigned sa mission na ito. Alam naman ni boss na, babaero kami tapos ito talaga ang pinatrabaho niya. Bakit hindi na lang sa mga kaibigan namin?

Tch, tinatanong ko pa alam ko naman na ang sagot tch. Malamang hindi sila marunong dumeskarte sa babae.

Pumunta ako sa bandang harap, sakto naman na tapos na itong kumanta. Sinundan ko kung saan ito patungo.

“Miss!” Tawag ko rito, tumingin naman agad ito sa akin.

“Bakit?” Tanong nito sa akin, nilapitan ko naman agad ito.

“Ang galing mo, kumanta.” Papuri ko rito, syempre gusto ko makuha ang loob niya.

“Salamat, pero sana nextime ‘wag kang ganiyan. Natatakot ako, akala ko tuloy kung sin– ah nevermind. Bakit mo ba ako sinusundan?” Tanong nito na kinangiti ko.

“Gusto ko lang sana makuha ang number mo, para kung may libreng oras puwede tayong lumabas.” Syempre tamang pang bobola muna.

“Sure,”

“Really? Wala kang boyfriend?” Tanong ko, ang b*bo ko den e. Malamang kabet iyan, kaya hindi niya sasabihin iyon.

“Wala, kaya libreng libre ako anytime. Kahit saan puwede mo akong dalhin…” kaya naman pala naging kabet ito, malandi tch.

“Really? Kahit sa kama, puwede ka?” 

“Sure, baby…” pero hindi ako tinamaan sa kaniya, hindi ko rin alam.

“Tara inom muna tayo sa loob, para magkakilala pa tayo.” Ani ko.

“Sure.”

Pumunta kami sa isang bakanteng lamesa at kumuha ng beer na nakahanda na sa ilalalim ng mesa nito.

“Kanina pa tayo nag uusap hindi pa kita kilala, ano‘ng pangalan mo?” Tanong ko rito. Gusto kong makakuha ng mas malalim na impormasyon sa kaniya 

“Oh my bad, I'm Helen Godon how ‘bout you?” 

“Pornif,” Pakilala ko rito, hindi ko gagamitin ang name ko baka i search niya malaman pa niyang nagtatrabaho kami kay Klayt.

Natawa ito sa pangalan ko.

“Really? Pornif ang pangalan mo? Mahilig siguro sa p*rn ang magulang mo.” Pabirong anito, kahit ako hindi ko alam bakit pornif ang second name ko.

“I didn't know.” Ani ko na lang.

“Just kidding, cheers?” Ngumiti ako at nakipag toes rito.

“Cheer‘s!” Ininom ko na ang beer ko at good thing dahil naipagpalit ko ang beer naming dalawa.

 Akala niya siguro hindi ko mapapansin na habang nakikipag usap siya sa akin, hindi ko nakikitang may inilagay siya sa beer ko.

Biglang bumagsak ang babae sa mesa, tch t*nga kase. Akala niya t*nga ako, tch.

“Pre…”

“Karswel, ikaw pala? Bakit?” Tanong ko.

“Ano‘ng ginawa mo diyan?” Tanong nito at tinignan ang babaeng wala ng malay.

“Wala akong ginawa diyan, siya ang gumawa niyan sa sarili niya. Oo nga pala, ipa lab mo nga itong sample na nilagay niya sa beer niya para makatulog.” Ani ko at inabot sa kaniya.

“Bakit naman niya gagawin sa sarili niya iyan?”

“T*nga, para sa akin talaga ang ininom niya. Malas niya, nakita ko ginawa niya. Kaya wala akong kasalanan diyan. Sige na, ipa lab muna ang sample na iyan. Ako na ang bahala sa babaeng ito." Ani ko.

“Sigurado ka? Saan mo naman iyan dadalhin?” Tanong nito. Hindi naman puwedeng sa headquarter, dahil makakahalata agad siya.

“Sa Condo ko muna.”

“Nababaliw ka ba? Alam mong nandon ang babaeng magiging asawa mo.” 

“Ako na bahala doon, diskarte ko na ito. Just trust me!”

“Tch, wala akong tiwala sayo e.”

“Sa bahay mo na lang kaya?”

“Nasa bahay ngayon si Mama at papa. Sige na ikaw na bahala diyan.” 

“Tch,”

Umalis na ito, ako naman ay binuhat na ang babae papunta sa kotse ko. Tapos ay sinakay na ito at dinala sa Condo inihiga ko siya sa sofa. Tsaka ko naalalang susunduin ko pa pala ang babaeng iyon, kakausapin ko na lang siya. Pero paano ko ba papakiusapan ang babaeng ‘yon? Hindi naman siguro siya magaglit kung may babae akong dinala sa condo.

ONE NIGHT (Babaero Series #1. SIXPIRT ZEFEIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon