Chapter 14

25 2 0
                                    

Naglinis na ako ng buong condo, hindi naman mahirap dahil malinis naman ang condo niya. Bilib rin ako sa lalaking iyon, malinis sa bahay. Dinaig pa ang condo ng babae.

Nang matapos ako ay agad rin akong humilata, wala naman akong magawa dito. Nextime nga sasabihin ko sa manyak na iyon na ihanap ako ng trabaho, para hindi naman ako palamunin dito.

Argh ang boring talaga! Hindi ko na alam gagawin ko, ano titig na lang ako sa kisame buong magdamag? Saan naman kasi ang manyak na iyon pupunta? Ede sana nakapagsabi na ako na magtrabaho. 

Tumunog naman ang cp ko, at galing iyon sa notification mula sa platform na pinagsusulatan ko. Ang dami na pa lang nagdedemand ng update, kaya naman ay nilabas ko ang laptop at doon ay agad nag isip ng kasunod na chapter. 

Isa akong writer, marami na rin akong nasulat na akda. Pero kahit isa sa mga reader's ko, hindi pa ako nakikilala. Ayaw ko rin makilala nila ako, dahil mas gusto kong itago ang identity ko. Hindi ako kagalingan sa pagsusulat, pero may ibubuga naman kahit papaano.

Puro happy ang ending ng mga sinusulat ko, ayoko kasi ng sad o may cheating. Alam ko kasi kung gaano kasakit iyon, ng makita ko ang mommy ko na umiiyak dahil sa ginawa ng walanghiya kong ama.

Pagkatapos ko isulat ang next update ay agad ko iyong pinublished para mabasa na nila at nagsulat pa muli ako ng ilang update. Dahil mag isa lang naman ako dito kaya nakaka concentrate ang utak ko, ito rin ang dahilan bakit mas gusto kong mag isa sa bahay.

Napatigil ako sa pagsulat ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kuwarto.

Doon ay nakita kong sugatan ang mukha ni Manyak.

“O, ano nangyari sayo?” Tanong ko, wala pa akong alam sa trabahong meron ang lalaking ito. Kaya wala akong idea bakit suya nagkakaganiyan.

“Wala, maliligo lang ako.” Anito at pumunta na sa cr, hinayaan ko na lang ito. Ako naman ay kumuha ng first aid kit. Tch sinungalin siya, wala raw nangyari sa kaniya tch sino niloko niya.

Bumalik ako sa kuwarto at hinintay siyang lumabas ng cr.

Nang lumabas ito ay agad ko ‘tong hinarang, halata naman ang pagtataka sa mukha nito. Kahit naiilang ako dahil kita ko ang magandang katawan nito, ay nagpakatatag ako para lang hindi bumigay.

“Bakit?” Tanong nito.

“Umupo ka sa kama.” Utos ko rito, ang loko ngumisi sa akin ng nakakaloko.

“Sasayawan mo ba ako ng sexy dance?” Tanong nito sa akin, ang manyak talaga. Binatukan ko ito ng medyo malakas, nakakaasar kasi.

“Mamatay man ako, hinding hindi kita sasayawan! Manigas ka! Pinapaupo kita sa kama para gamutin iyang mga galos mo sa mukha! Panget ka na nga, mas lalo ka pang pumanget!” Ani ko, at inirapan siya.

“Ano‘ng panget?” Tanong nito at nilapit ang mukha nito sa akin. Ito na naman siya, tumitibok na naman ang puso ko ng mabilis. Napa atras ako, dahil baka hindi ko na naman makayang kontrolin ang sarili ko. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. 

Ngumisi ito sa akin, at mas lalong lumapit. Kaya napa atras ako at pag atras ko, kama na pala ang babagsakan ko. Kaya naman ay nalaglag ako sa kama at siya naman ay nakapatong sa akin.

“Sino ulit ang panget?” Tanong nito at bigla akong siniil ng halik, naramdaman ko na rin na hinawakan nito ang binti ko. Sh*t para akong nababaliw sa ginagawa niya, nagugustuhan iyon ng katawan ko. Kaya naman ay may impit na ungol na kumakawala sa bibig ko habang nghahalikan kaming dalawa.

Bigla naman itong huminto at umayos ng tayo. Nahiya naman ako bigla sa kaniya, sh*t! Ano ba bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko.

“Sorry…” aniya, kaya naman ay tumayo ako at inayos ang sarili. Tsaka huminga ng malalim at kinuha ang first aid kit.

“Umupo ka diyan, lilinisin ko mga sugat mo…” ani ko kahit naiilang rito.

Umupo ito na ito kaya naman ay nilinis ko na ang mga sugat niya at nilagyan ng band-aid.

“Saan ba galing mga sugat mo?” Tanong ko.

“Napa away lang kanina.” Aniya.

“Ayan tapos na, kumain ka na ba?” Tanong ko.

“Busog pa ako, kape na lang.” Aniya. Kaya naman ay tumayo na ako at pumunta ng kusina at pinagtimpla ito ng kape.

Binigay ko na ito sa kaniya at umupo sa tabi nito.

“Puwede ba ako mag apply sa company mo?” Tanong ko, napatingin naman ito sa akin.

“Seryoso ka?” Tanong nito, halata ba akong nagbibiro.

“Nabuburyong ako sa condo mo, gusto ko magtrabaho. Tsaka graduate naman ako.” Ani ko, wala nga lang experience.

“Marunomg ka ba magtrabaho?” Tanong pa nito, palagay niya sa akin.

“Oo nga, kahit ano.” Ani ko at inirapan siya. Ngumisi ito at parang alam ko na may kalokohan na naman iyang sasabihin.

“S*x slave lang ang available sa company ko.” Aniya na kinagulat ko.

“What? Are you kidding me?” 

“I‘m serious.” Seryosong aniya.

“Never mind, diyan ka na nga!” Pinagtawanan naman ako nito.

“Joke lang, naniwala ka namana agad. Wala pang available, pero kung meron ipapasok kita.”

“I understand.” Ani ko na lang, magtrahaho na lang ako sa iba.

“Sa office lang ako.” Paalam nito.

“Okey.” Umalis na ito, ako naman ay pumunta sa kusina at naghanap ng puwedeng maluto. Kahit sinabihan niya akong hindi masarap ang ulo, gagawin ko lahat para mapasarap lang ito.

Habang nasa kusina ako ay biglang may dumating na isang lalaki. Ang guwapo nito at matcho.

“Hi, ikaw ba ang asawa ni  Six?” Tanong nito, kahit hindi ko makilala ang lalaking ito. Tiyak akong kalahi ito ng manyak na iyon. Ang lagkit kasi makatingin tch.

“Hindi ko pa siya asawa, hindi pa kami kasal.” Ani ko.

“Puwede pa pala tayo, hindi pa naman kayo kasal.” Anito at ngumisi. Sinasabi ko na, parehas ng hilatsya ng bituka ang dalawang ito.

“Makakatikim ka sa akin ng sapat, kaya tigil tigilan mo ako.” Masungit na ani ko. Tumawa naman ito, anong nakakatawa?

“Tch, umalis ka na nga. Magluluto pa ako, istorbo ka.” Matara na ani ko. “Kung pupuntahan mo si Six, nasa office.” Ani ko pa.

“Nagluluto ka? Marunong ka ba?” Tanong nito.

“Hindi…” nahihiyang sagot ko, iyon naman ang totoo kababae kong tao hindi ako marunong magluto.

“I'll teach you.” Aniya, napatingin naman ako rito.

“Ikaw? Marunong? Tuturuan mo ako? Hindi halata tch.” Sa itsura pa lang niya, kita ng spoild at wala siyang alam sa pagluluto.

“Tch, minamaliit mo naman ako masyado. Watch and learn, baka ma inlove ka sa akin ‘pag natikman mo ito.” Aniya at kinuha ang mga lulutuin ko. 

Pinanood ko ito, at halos mapanganga ako dahil ang bilis niya. Sino ba talaga siya? Gosh, mukhang pahiya ako dito, masyado akong naging judgemental.

“Tapos na, kumain ka na.” Aniya at binigay sa akin ang plato na may lamang ulam na niluto niya. Amoy pa lang nagugutom na ako.

Kinuha ko ito at naglagay ng kanin, sinalang ko iyon kanina habang naglilinis ako ng condo. Kumain na ako at p*ta nakakahiya minaliit ko siya. Sobrang sarap nito, sh*t. Masyado akong nagbase sa itsura niya.

“Ano, nagustuhan mo ba?” Tanong nito sa akin.

“Masarap…” nahihiyang ani ko. ”Sorry…” ani ko, mali talaga ako sa part na hinusgahan ko siya sh*t. Tumawa naman ito.

ONE NIGHT (Babaero Series #1. SIXPIRT ZEFEIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon