Chapter 20 Laytania pov

23 1 0
                                    

Nagbihis na ang babae pagkatapos namin, at tumayo sa harap ko.

“Bye baby, aalis na ako.” Aniya.

“Okey.” Iyan lang maisasagot ko, dahil napagod ako.

“See you again, baby…” anito at siniil ako ng halik. Bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Humiga na ako at papikit pa lang sana ng tumunog ang cp ko. Agad kong kinuha ang cp ko at tinignan ang tumatawag.

“Karswel, bakit ka napatawag?” Tanong ko, gabi na rin kasi tch.

“Kamusta iyong babae? Ano nagalit ba ang asawa mo?” Tanong nito, kaya agad kong naalala ang babaeng iyon. Sh*t saan nga ba pumunta ang babaeng ‘yon.

“Umalis na si Helen kanina, matapos naming mags*x.”

“Tch, inunahan mo naman ako.”

“Mahina ka kasi e tch, sige na papatayin ko na ito.” Pinatay ko na ang tawag at kahit na inaantok ay bumangon ako, hahanapin ko ang babaeng ‘yon. Baka napaano pa, kargo konsensya ko pa.

Bumaba na ako sa condo at sumakay sa kotse. Naisip kong tawagan ang mommy ng babaeng ‘yon, baka kasi umuwi sa kanila.

“Tita…”

“O Six, ikaw pala. Bakit ka napatawag?” Tanong agad nito, kinabahan naman ako.

“Ang anak niyo po ba, nandiyan?” Tanong ko. 

“Huh? Bakit mo naitanong?”

“Umalis po kasi siya ng condo…” totoo namang umalis siya.

“Wala siya rito, nag away ba kayong dalawa?” Tanong nito sa akin na kinakaba ko. Hindi pala alam ni tita na babaero ako.

“Ah hindi po, sige po ibaba ko na ito.” 

“Okey, sige bye.”  Pinatay ko na ang tawag.

Tinawagan ko ito sa cp niya pero nakapatay iyon. Saan ko naman siya hahanapin, sh*t! Naguguluhan na ako.

“Pupunta na lang ako kay boss at magpapatulong…” bulong ko at tinungo ang bahay ni boss.

Pagdating ko roon ay nag park ako at pumasok na sa loob. Sana nandito si boss.

Pagdating sa sala ay nakita ko agad si boss, nagbabasa ng diyaryo.

“What are you doing here?” Tanong nito, habang nagbabasa pa rin.

“Magpapatulong sana ako, si ano kas—

“Iyong magiging asawa mo? Nasa guestroom natutulog.” 

“Huh? Nandito siya?” Tanong ko ulit.

“Are you dept?” 

“Hindi boss, sige po pupuntahan ko sa guestroom.” Ani ko at pupunta na sana ng makita ko si Lucy na galing sa taas.

Tumaas bigla ang kilay nito ng makita ako.

“Si Lay ba ang hanap mo? Nakatulog na! Ano ba kasing pinag gagawa mo, Sixpirt?” Seryosong tanong nito.

“Wala…” pagsisinungalin ko.

“Tch, kung may problema kayo mag usap kayong dalawa. Diyan na kayo matulog at mag usap.”

“Sige, Lucy.”

“Six, umayos ka na. Magkakaroon ka na ng asawa sinasabi ko sayo. Respetuhin mo ang mga babae. Maging sigurado ka muna sa sarili mo, bago ka magpakasal.” Mahabang anito, hindi pa talaga ako sigurado sa sarili ko. 

“Oo…” nakayukong ani ko. 

“Bahal na kayo sa buhay niyo, malalaki na kayo.” Anito, “Sige pupunta muna ako sa kusina.” Anito at umalis na.

Pumunta naman ako sa guestroom at tulog na tulog na nga siya.

Pinagmasdan ko panandali ang inosenteng mukha niya. May panahon pa naman, para makapag isip. Siguro mag i-enjoy muna ako sa buhay ko.

Siguro isang araw makukuha ko rin ang sagot sa tanong, kung sigurado na ba ako?

Humiga ako sa tabi nito at natulog na.

Nagising naman ako sa isang sigaw ng babae, ang ingay niya.

“Kadiri ka, umalis ka nga dito!” 

“Ano‘ng problema mo?” Tanong ko rito.

“Bakit ka nandito? Umalis ka na!”

“Ang arte mo, puwede ba magpatulog ka. Pasalamat ka, hinanap pa kita!” Sigaw ko rito, kaya nanahimik na lang ito at humiga patagilid sa akin. 

Wala naman talaga akong pake sa babaeng ito, ang mahalaga lang sa akin ang sarili ko. Iniisip ko lang ang sasabihin ng magulang niya na pinagkatiwalaan akk.

Pumikit muli ako, para matulog ulit. Masyado siyang istorbo tch, nakakainit ng ulo.

Kinabukasan nagising akong wala na sa tabi ang babaeng iyon. Bumangon na ako at pumunta sa salas. Si boss lang ang naabutan ko. 

“Boss,”

“Nasa garden sila.” Sagot agad nito.

“Wala akong pake do‘n, aalis na ako dito na muna siya.” Ani ko, kailangan ko pumasok sa trabaho at mamaya ay kailangan ulit naming manmanan si Helen.

___

Laytania pov

Hindi ko alam pero, parang nasaktan ako ng makita kong may babaeng inuwe siyasa condo. Sa condo pa talaga, nakakainis. Wala siyang respeto, kahit iyon na lang sana. Kilala ko naman na siya, kahit sa maikling panahon. Ewan ko, nasasaktan ako pero bakit? Ano bang problema ko? Hindi ko naman siya mahal. Bakit masakit? 

Naglakad ako bahala na kung saan mapunta, ayokong umuwi kila mommy.

Nakakainis! Ano ba talaga ang nararamdaman kong ito?

Napaiyak na lang, dahil hindi ko talaga maintindihan. Gusto ko pumunta kay Hanimey, pero ano naman maipapayo noon sa akin?

Huminto ang isang sasakyan, napatingin ako sa bintanan ng kotseng huminto. Nagbukas naman ito ng bintana at nakita ko ang boss ni Six.

“Hop in.” Anito, at kusang bumukas ang pintuan ng kotse. Sa takot ay agad akong sumakay at umandar na ulit iyon.

“I‘m Lucy? Bakit ka umiiyak?” Tanong ng babae, maganda siya.

“Siya iyong mapapangasawa ni Sixpirt.” Pakilala ng boss ni Six sa akin.

“Ay, ikaw pala iyon. Bakit pala gabi na naglalakad ka pa? Tsaka bakit ka umiiyak?” Tanong nito, hindi naman agad ako nakasagot. “Okey lang kung hindi mo sagutin agad, mamaya na lang sa bahay pag usapan natin iyan.” Ani pa nito at inalo ang likod ko.

Tumigil na ako sa kakaiyak.

“Ano‘ng pangalan mo?”

“Laytania…”

“Mamaya magkwentuhan tayo, pero kung hindi ka komportable. Okey lang naman, sabihin mo lang sa akin.” Aniya, mukhang mabait siya at maunawain. 

Siya pala ang sinasabi ni Six na magaling magluto. Sana ol, ilang beses na ba akong nasaktan sa mga salita niya. Sure na ba talagang siya na ang mapapangasawa ko?

Pagdating namin sa bahay nila ay agad naghanda ng pagkain si Ate Lucy at kumain kami ng sabay sabay. Tahimik lang sila.

Nang matapos ay dinala niya ako sa guestroom at doon nagkwentuhan. Magaan siya kausap at feeling ko puwede ko sabihin ang lahat sa kaniya. Hayst!

ONE NIGHT (Babaero Series #1. SIXPIRT ZEFEIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon