CHAPTER 8

24 3 0
                                    

Nagising ako pero ayoko pa bumangon, wala akong gana. Parang gusto ko na lang ngayon, umalis tapos takasan ang lalaking iyon. Argh, ano bang gagawin ko? Mababaliw na yata ako kakaisip! Nagpagulong gulong ako sa higaan, tapos nagsisigaw.

“Arghhhh!” Sigaw ko, nakakainis! 

“Anak…” napatigil naman ako ng tinawag na ako ni mommy. Kaya naman ay agad akong bumangon at pinagbuksan ito ng pinto.

“Bakit, mom?” Tanong ko pero nagulat naman ako dahil nandito rin siya. 

“Mag ayos ka nga anak, mahiya ka naman sa mapapangasawa mo. Tignan mo sarili mo, ang gusot ng damit mo ang gulo ng buhok mo.” Bigla tukoy akong nahiya, argh.

“Mommy, umalis na nga muna kayo!” Ani ko.

“Tch, maligo ka na para makaalis na kayo.” Ani pa ni mommy, kaya naman sinaraduhan ko na sila ng pinto. Atat na atat, kailangan ba ngayon na talaga ako umalis? Tch.

Naligo na ako at nagsisigaw sa cr, naiinis kasi ako. Ang sarap magmura, dahil sa dami ng lalaki bakit siya pa?

Nang matapos ako maligo at magbihis ay agad na akong lumabas ng cr, habang nagpupunas ng buhok.

“Mabuti tapos ka na, maligo. Ang tagal mo!” Nagulat ako, kaya agad akong napatingin sa taong nagsalita. 

“Ano‘ng ginagawa mo dito?” Mataray na tanong ko. Pagkakaalam ko, nailock ko ang pinto.

“Hinihintay ka.” Aniya at pinasadahan ako ng malagkit na tingin tapos ngumisi pa sa akin.

“Pervert! Lumabas ka nga doon!” Inis na ani ko, pero natawa lang ito.

“Gusto ko ng round two, baby… nailock ko na rin ang pinto…” aniya at nginisihan ako, uminit naman ang ulo ko sa kaniya.

“Bwisit ka! Bastos, lumabas ka nga doon!” Nakakainis siya, napaka pervert.

“Kunware ka pa, gusto mo rin naman.” Aniya. “Ang wild mo pa nga noong may nangyari sa atin.” Sa mga sinabi niya sa akin, parang gusto ko na lang lamunin ng sahig ngayon para makatakas sa kahihiyan.

“Lasing lang ako, kaya puwede ba? Umalis ka nga!” Inis na ani ko, natawa naman ito sa akin at biglang lumapit kaya naman napaurong ako pero pilit niya talaga akong nilalapitan. Kaya atras rin ako nang atras.

“Ano ba! Doon ka nga!” Sigaw ko sa kaniya pero ngumisi lang ito.

“What if, ayoko?” Tanong nito.

“Argh, umalis ka nga!” Ani ko at umatras ulit pero naramdaman ko na ang lamig ng pader sa likod ko. Agad naman ako nitong kinulong sa bisig niya at nilapit ng sobrang lamig ang mukha niya. 

Hindi ko alam pero biglang uminit ang mukha ko ng sobra. Nakipagtitigan ako rito pero agad rin akong napaiwas dahil para akong matutunaw. Argh! 

Hinawakan nito ang baba ko at hinarap ang mukha ko sa kaniya.

“You're mine, baby…” aniya at bigla akong siniil ng halik. Hindi ko alam pero napatugon ako sa mainit niyang halik. Sh*t ano bang nangyayari sa akin. Gusto kong pigilan ito pero traydor ang katawan ko, nagkukusa argh. 

Wala naman akong nasalita ng bumitaw ito sa halikan namin.

“Magbihis ka na, uuwi na tayo.” Aniya at ngumisi sa akin at naiwan akong tulala.

Mga ilang segundo rin akong natulala, bago ako nagising. Bakit ako pumayag na halikan niya? Bakit hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko pagdating sa kaniya. Argh! Nakakaasar!

Nag ayos na ako ng sarili ko at lumabas na ng kuwarto ko, nasa baba na rin naman ang mga maleta ko na dadalhin ko.

“Mabuti naman anak, lumabas ka na?” 

“Oo mom,” hindi naman ako makatingin sa lalaking ito dahil sa nangyari.

“Sa labas na ako maghihintay, magpaalam ka muna sa mommy mo.” Seryosong ani ng lalaking ito tapos umalis na.

Nabigla ako ng yakapin ako ni mommy.

“Sorry anak kung kailangan mo itong gawin…” aniya at umiyak.

“Okey lang po, mommy…” ani ko, okey nga lang ba talaga? Nakakatawa, ito na ang kapalaran ko e.

“Sige na anak, naghihintay na ang magiging asawa mo.” Napangiti ako at pinigilan umiyak.

“Sige po, mom…” ani ko at lumabas na ng bahay. Pumunta ako sa parking at nakita kong naghihintay ito sa akin.

“Let‘s go.” Aniya at sumakay na sa kotse, pervert na siya ungentleman pa tch.

Sumakay ako mag isa sa kotse at padabog iyong sinara.

“Dahan dahan naman, baka magasgasan ang baby ko.” Aniya, kaya napairap ako.

“Whatever!” Ani ko at naparoll eyes.

“Tch.”

Tahimik ang byahe namin, sino bang gaganahang kausapin ang lalaking iyan. Puro naman kabastusan lalabas sa bibig niyan. 

“Huy tayo lang bang dalawa sa condo mo?” Parang t*ngang tanong ko. Aba malay ko ba na may kasama siya doon.

“Tch, iuuwi ba kita doon kung may kasama ako? Tch, ikaw pa lang ang iuuwi ko sa condo ko kaya maging masaya ka.” Aniya.

“Wala akong pake tch.” Ani ko at inirapan siya.

“Tch.”

Nanahimik na ang loob ng sasakyan, ilang minuto pa ang lumipas ay huminto na ang sasakyan namin sa isang parking lot. 

“Bumaba ka na.” Aniya, at bumaba na rin. Bumaba na lang rin ako at napatingin sa sinasabi niyang condo. Hindi na nakakagulat na may condo siya sa lugar na ito dahil mayaman siya.

Lumakad na ito papasok, kaya naman ay agad na akong sumunod sa kaniya. May binigay naman black card at agad kaming pinapasok. Sumakay kami sa elevator papunta sa unit niya. Pinindot nito ang 6th floor, pero wala na akong pake.

“Bakit pala sa condo mo ako ititira?” Tanong ko, dahil wala ba siyang bahay? Condo lang?

“Tch, wala lang gusto ko lang.” Napataas ang kilay ko sa sagot nito. Ang galing talaga sumagot, grabeng trip ito.

“Ede wow!” Inirapan ko na lang ito at nanahimik na.

Paghinto ng elevator ay agad na kaming lumabas. At agad ako nitong inabutan ng duplicate card.

“Gamitin mo iyan,” aniya bakit parang iba ang ugali niya ngayon, ang seryoso. 

Inabot ko na lang iyon at binuksan naman nito ang condo niya. Kaya naman ay agad kaming pumasok. Halos mapanganga ako dahil ang laki pala nito, tipong mas malaki pa sa condo na meron ako. 

Umupo naman ito sa sala.

“Nagugutom ako, ipagluto mo ako ng makakain.” Utos nito.

“Hindi ba puwedeng mag order ka na lang?” Tanong ko. Hindi talaga ako magaling magluto, sa condo ko nga bibihira ako magluto. 

“Tch, matutu ka magluto maglaba dahil kung magkakapamilya ka hindi puwedeng puro order sa labas.” Aniya, ay iba advance rin mag isip.

“Matagal pa naman iyon, kaya huwag muna ngayon.” Mataray na ani ko.

“Tch, piloso pa. Magluto ka na!” Utos nito, kaya sinunod ko na lang. Kailangan ko rin naman talaga matuto. 

Pumunta ako ng kusina niya, binuksan ko ang ref pero anak ng tipaklong. Anong lulutuin ko dito? Walang laman ang ref niya, puro beer. Uminit bigla ang ulo ko sa kaniya.

ONE NIGHT (Babaero Series #1. SIXPIRT ZEFEIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon